Kabanata 17

3.9K 119 15
                                    

Jose Rizal

Isinama ako ni Bb. Azalea Castillano sa isang okasyon. Narito kami sa isang magarang lugar kung saan kasalukuyan silang nagdaraos ng engrandeng piging.

Lahat ay nagkakasiyahan, may mga taong may dalang mga camera. Napansin ko lang na ibang-iba ang camera nila dito, maliit ito at nabibitbit lang. Malalaking mga camera ang nandoon sa bayan namin at napakahirap dalhin.

Biglang tumayo ang isang matangkad na babae sa harap at may hawak na mikropono. Kakaiba rin ang kanilang mikropono.

And let's all welcome the power house casts of Rizal: The Most Wanted Bachelor!

Nagulat ako sa narinig.

Rizal? Ako ba ang tinutukoy niya?

3rd Person

Nakikinig ng mabuti si Jose sa bawat sinasabi ng matangkad na babae na nasa harapan. Magaling siyang mag-entertain at magpatawa ng mga tao. Pati si Jose ay di mapigilan ang paghalakhak ng kaunti.

Gusto mang intindihin ni Jose ang buong diskusyon na tinatalakay ng babae, ngunit ang iba doon ay hindi na niya magawang maintindihan. Hindi na iyon sakop ng kanyang kaalaman.

Bigla siyang napaisip. "Parang may kakaiba talaga sa lugar na ito."

Hindi parin niya pinaniwalaan ang sagot ni Azalea sa tanong niya tungkol sa kasalukuyang petsa ngayon.

Napatawa siya ng inalala niya ang pahayag ng babae. "2014? 1896 palang ngayon, napakalayo na ata ng inabot ng imahinasyon niya."

Napagdesisyunan ni Jose na umalis na lamang at maghanap ng ibang makakatulong sa kanya papunta sa bayan. Nang may makapagpatigil ng kanyang mga yapak.

"A round of applause for Ms. Leon! Ang gaganap bilang Leonor Rivera!"

Napabalikwas kaagad si Jose.

Leonor Rivera? Ang kanyang pinakamamahal. Narito siya? Paano?

Lumingon siya at inilibot ang paningin sa buong paligid.

Labis ang kanyang pagkagulat na may halong kasiyahan na ang kanyang sinisinta na si Leonor Rivera ay naroon, nakangiti at umaapaw parin ang tinataglay na kagandahan.

"And Ms. Azalea Castillano for Segunda Katigbak!

Segunda Katigbak?! Nagtaka sya, at ngayon niya lamang tuluyang napansin na ang babaeng nakilala niya sa kagubatan ay may hawig kay Segunda. Ang kanyang unang pag-ibig.

Madilim kasi sa kagubatan at pati narin sa lugar kung saan siya kasalukuyang naroon.

Tinapatan ng spotlight si Azalea Castillano at si Leon Rivera na nagpalinaw ng kanilang mga pigura at imahe, doon na napagtanto ni Jose Rizal na may kamukha ang dalawang babae at iyon ay ang kanyang naging mga tunay na pag-ibig.

Naghintay pa siya ng ilang sandali at nagmasid ng maigi si Jose. Pakiramdaman niya ay may malalalaman pa siya na mas kapana-panabik sa lahat.

"And of course, Mr. Rain Delgado for Jose Rizal!"

Rizal?! Nagulat siya ng marinig ang kanyang pangalan.

Doon na niya napag tagpi-tagpi ang bawat detalye na kanyang napansin simula nong mapadpad siya sa lugar.

Nasaan nga ba siya?

Paano at bakit siya napunta sa lugar na ito? Ang tangi niya lamang naa-alala ay ang paghihintay niya ng kanyang kamatayan. Sariwang-sariwa pa iyon sa kanyang memorya.

Paniniwalaan naba niya ang pahayag si Azalea Castillano?

2014?

Hindi na kayang esink-in ni Jose ang bawat impormasyon na kanyang naulinigan, para kanya ay sobra na iyon.

Dahil na rin sa sobrang panghihina at sa mga bagong natuklasan, si Jose Rizal ay nawalan ng malay at biglang humundusay sa sahig.

Authors Note:

Sa mga nagtatanong kung reincarnated ba sila Azalea At Leon, mali ang hula niyo.

Lola ng lola ng lola ng lola ni Azalea si Segunda Katigbak (Rizal's First Love) same with Leon (Leonor Rivera) kaya't kamukhang-kamukha nila ang kanilang mga lola to the nth degree. It can be very possible just think of Mr. Epe Quizon and his late dad Mr. Dolphy. Super kamukha niya si Dolphy nong kabataan niya. So, the the genes do all the work.

Nagkataon lang ba ang lahat? I think yes. It is all about Destiny.

Kaya clear your mind and don't be confused. Xoxo.

~Nobalilong x

Rizal Meets The Present Time (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon