Kabanata 5

6.3K 155 3
                                    

Azalea Castillano

Kasalukuyan kaming narito kami ngayon ni Aya sa isang sasakyan o bus ng mga celebrities, personalise narin ito mula sa mga upuan na nagiging convertible bed, kung gusto mo namang mag-unwind ay pwede rin itong maging videoke bar at marami pang iba kaya bili na!

Nakita ko si Rain kanina, kasama pala sya sa movie. Napakagwapong nilalang talaga niya, mapagkakamalan siguro siyang maniquin kung hindi siya gagalaw. Perfect.

"Ehem Ehem. Alam kong iniisip at pinagsasamantalahan mo na si Sir Rain sa utak mo pero mamaya na yan. Trabaho muna trabaho." Kinukumpas-kumpas pa ni Aya ang kanyang daliri sa harap ng aking mukha na parang pinagagalitan ako.

Tinignan ko siya ng napakasama inilabas ang aking dila at nagchant ng nyenye.

Nakikita naman sa mukha ni Aya na naiinis na siya. Malalaman mo iyon kapag nagpa-pout na ang kanyang mga labi.

Tumawa ako ng napakalakas habang nakikitang nagta-tantrums si Aya hanggang sa hindi ko namalayan na may nasagi na pala akong gamit.

"May nahulog ka yata oh." I bend my knees and pick the papers. Ehem. Basta kinuha ko ang papel Haha!

"Diba yan yung script sa movie? Dali pabasa naman!" Hala baka mapagalitan kami nito.

Binasa ni Aya ang nasa front page: "Rizal: The Most Wanted Bachelor, kakaibang title naman nito. Pero interesting ha."

Sinumulan ng binuklat ni Aya ang libro na naglalaman ng script. Ako ang aatikihin sa ginagawa ng babaeng ito.

"Oo nga, pero hindi interesting kung mahuli tayong nangingi-alam ng private files, ibalik na nga natin to. Baka mapagalitan pa tayo nito eh--"

"Teka bes! Practice tayo!"

Kinuha uli ito ni Aya at inabot sa akin ang script.

"Practice?" Nag-aalangang tanong ko sa kanya.

"Subukan mong ideliver ang mga lines bes! Diba gusto mong mag artista? Tignan mo oh! Nandito ang lines ng lead role! At sa tingin ko, ito na yong full revision kaya ito na din yung magiging actual lines sa pelikula! Chance mo nato bes!"

Ti-nap ni Aya ang aking balikat at hinihikayat akong gawin ang gusto niya.

"Ayaw."

"Sige na, sige na."

"Ayaw nga."

"Ano ba naman yan, kill joy! I hate you so much!" Inirapan niya ako at naglakad na para ibalik ang script.

Epal talaga to si Aya. Hinablot ko sa kanya ang script. Huminga muna ako ng malalim at katulad nga ng mga artista, nag actors que muna ako at inisip ang nararapat na lalapatang emosyon at tamang pagbigkas sa mga linya.

Sinimulan ko ng ideliver ang mga lines ng malinis, ika nga perpektong perpekto sinamahan ko ito ng emosyon na sa tingin ko ay aayon sa eksena. Iniisip ko na ako ang nakatalaga sa posisyong ito. Itinanghal ko rin ang mga nararapat at posibleng reaksyon ko sa bawat linya. Nakita ko namang kumikinang na ang mga mata ni Aya at nakanganga.

Hindi ko lubos na malaman ngunit parang kabisado ko na lahat ng linya sa kwentong ito.

Ipinagpatuloy ko ang mga linyang nakabakas parin sa aking isipan.

Nagkalaunan ay napatigil ako sa pagsasalita ng may naramdaman akong mainit na likido sa aking mga pisngi. Hindi ko namalayan na nadala na pala ako sa eksena, agad kong pinahiran ang aking mga luha.

Siguro ay dahil narin ito sa aking mga pinagdaanan sa buhay kayat doon ko na nabuhos ang aking buong emosyon.

---------

Aya Rodriguez

Habang pinakikinggan at tinititigan ko si Azalea ay hindi ko maiwasang mamangha at mapanganga. Complete shape of O na yata ang aking bibig.

Ang galing galing nya! Parang ipinanganak ata siya para maging isang aktres!

Iniisip muna niya ang tamang emosyon saka idinadaan sa kanyang puso ang bawat linya bago ito maging nakakahabag na mga salita. Bravo!

Napaiyak narin ako. Sa bigat ba naman ng eksena na ginawa ni Azalea, parang nasa teatro ako at nanununood ng live theater act. 

Pang Best Actress!

Speechless ako sa tinatagong acting powers ni Azalea! Akalain nyo yun nagsitayuan mga balahibo ko nakakahindik!

Pati sa kili-liki! Mas nakakahindik!

Biglang napatigil si Azalea sa pag-arte nang biglang may kumatok sa pintuan ng sasakyan. Mukhang nagulat din si Azalea sa kanyang pag-arte, pinunasan niya kaagad ang kanyang mga luha. Napagtanto ko na para kaming mga baliw rito nag-iiyakan nalang bigla.

Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan at bumungad sa amin ang mukha ni Maam Ethyl.

"Nandito lang pala kayo, hinahanap na kayo sa set."

"Opo maam, sandali na lang po ito. " Pagsisigurado ko kay Maam Ethyl.

Umalis na si Maam Ethyl at agad akong tumingin kay Azalea. Napangiti ako at napalakpak.

"Wow sis that was ugh, paano ko ba sasabihin, Spectacular? Amazing? Astonishing? Alam ko na Jaw-Dropping! Grabe ka! Now the award goes to Ms. Azalea Castillano for the movie Rizal- teka ano nga ba title non?"

Kinuha ko sa kanya ang papel at binasa ang title ng pelikula. "For the movie Rizal: The Most Wanted Bachelor! Insert background music please!"

Nag-akto pa akong nagbibigay ng plaque habang sinasabayan naman ako ni Azalea na maluha-luhang tinatanggap ang kanyang imaginary award. Iba talaga tabas ng utak ko basta kasama bestfriend ko. Nakakatimang lang.

Sabay kaming tumawa at ibalik na ang script sa lalagyan nito at masayang lumabas ng sasakyan.

-----------

3rd Person

Napahinto ako sa paglalakad nang makarinig ako ng isang tinig ng pag-arte. Tiningnan ko ang buong paligid at sinubukan kong kilalanin ang nagmamay-ari ng boses ngunit napagtanto ko na hindi ko ito kilala.

Lumapit ako sa isang sasakyan kung saan nanggagaling ang boses at inilapat ko roon ang aking tenga.

Damn, this is actually eavesdropping but curiosity killed the cat and I don't care.

Napataas ang aking kilay at masasabi kong magaling siyang umarte.

Maayos ang bawat linya. Hindi katulad ng mga new-bloom actress na pilit kung umarte, wala ka manlang maramdaman na emosyon. Ika nga napaka-dry.

Bawat labas ng linya niya ay pasabog.

Maari na siyang ihilira sa mga magagaling at batikan na mga artista ngayon. Napaka-natural niya.

"Good Morning Sir." Napadaan sa akin ang isang crew at naghihintay pa yata na batiin ko siya pabalik pero tinignan ko lang siya at naglakad palayo.

Makaalis nalang nga dito at maraming sagabal.

~Nobalilong x

Rizal Meets The Present Time (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon