Kabanata 22

4K 110 26
                                    

Nakakagulat sigurong isipin na may isang lalaki na biglang sumulpot sa harapan mo sa di-inaasahang panahon at pagkakataon.

Nagpakilala pa sya bilang Pambasang Bayani ng Pilipinas.

Azalea Castillano

"Hello po! Earth to Azalea Castillano! Hindi ako hangin na invisible to the naked eye." Pambubulabog ni Aya sa akin.

Napabalikwas agad ako. Nananaginip na naman ako ng gising. Nasa library din kasi kami kaya heto at umaatake na ang symptoms ng aking allergy towards thick books without pictures and colors. Just plain black and white arial font books. Oh ang saya!

Nasa long table kami ngayon at magkatabi kami ni Aya ng upuan. Katapat namin Jose na parang na naglalakbay nasa ibang mundo. Kasalukuyan ako ngayong nagbabasa ng Encyclopedia well, naaliw kasi ang mga mata ko dahil marami itong pictures with different colors. Minsan ay binubuksan ko rin ang cellphone ko at nagche-check ng social media accounts.

Habang si Aya naman ay kasalukuyang nagbabasa ng mga Alamat. Alamat ng Unggoy, Alamat ng Pinya, Alamat ng Bayabas at baka Alamat ng Kuto ay nabasa nadin niya!

Yumuko ako ng konti at hininaan ang aking boses para hindi ako marinig ng striktang librarian na nasa likod. "Hoy bes, babasahin mo ba lahat ng Alamat ng Pilipinas?"

Yumuko din si Aya at sumagot. "Eh ikaw gusto mo bang tigilan ang pasulyap-sulyap jan kay Jose. Nakakahalata na ako ah."

Bigla ko namang naramdaman na nag-init ang magkabila kong pisngi. Natameme ako sa naging pahayag ni Aya.

"Kung ako ang papipiliin, nais kong mamalagi rito ng pang habang buhay, ang lugar na ito ay pinaliligiran ng karunungan na magagamit ko sa aking mga pag-aaral. Kahanga-hanga." Naputol ang kaninang seryosong aura namin ni Aya nang magsalita si Jose.

Halos hindi na nga namin makita ang mukha niya dahil sa nakahilira at pahagdang libro na nakapaligid sa kanya. Hindi lang sana lumindol at baka kami pa ay mabagsakan.

Siniko ko si Aya at tinitigan siya ng masama. "Ikaw ang sumagot sa bugtong niya."

"Bugtong ba yon? Akala ko nagdi-disclaim siya." Nasapo nalang namin ni Aya ang aming mga noo. Jose is very complicated inside and out.

---------

Tini-ning! Tini-ning! Tini-ningBlagadak! Naglaro nalang ako ng Flappy Bird, sobrang naiinip na ako.  Mag lilimang oras na kami rito!

Si Aya naman biglang nawala, may nakita kasi siyang gwapo kanina. Baka hina-hunting, niya iyon.

Napako ang tingin ko kay Jose na kasalukuyang nakasandal sa bookshelf. Nagbabasa siya ng isang napaka-kapal na libro. Iisipin ko palang ang laman niyan hihimatayin na ako.

Nag-kisapmata ako nang mahulog ni Jose ang libro na pinagtutuunan niya ng pansin saka siya tumingin sa aking direksyon.

"Sa loob ng tatlong buwan....Ako'y mamamatay at papanaw na." Halos di-makapaniwalang pahayag niya.

Nilapitan ko siya hinawakan sa braso. "Ha? Anong ibig mong sabihin?" Isa na naman ba ito sa katalinghagaan niya?

"Ika-30 ng Disyembre 1896 si Jose Rizal ay binaril sa Luneta at namatay." Binasa niya ang linyang iyon na nakasulat sa libro. Halos mapahandusay si Jose sa sahig pero agad ko din naman siyang nasalo at hinawakan ng mahigpit.

"Makagagawa ka pa naman siguro ng paraan! Mahaba-haba pa ang panahon." Sa kaloob-looban ko, ayaw ko siyang mamatay at ayaw kong iwan niya ako.

Tiniklop niya ang libro.

"Huwag kang mag-alala, mabuti nga at nalaman ko ang aking sasapitin, makakapaghanda ako." He gave me an assuring smile para hindi ako mag-alala at nagpatuloy sa pagsasalita.
"Ang aking lamang pinagtataka ay kung paano ako napunta sa panahong ito, wala naman akong ginawang kahit ano."

Nagsalita ako ng pabiro kay Jose. "Baka naman may tinatago kang powers."

-------

Jose Rizal

Kapangyarihan?

Si Mang Tasyo.

"Magliligtas sa iyo sa anumang kasamaan at kapahamakan."

Hinugot ko sa aking baluti ang anting-anting na ibinigay ni Mang Tasyo.

Maari kaya?

Tinitigan ko ito.

Nailigtas ako ng isang anting-anting? Paano?

"Jose may problema ba?" Naputol ang aking pag-iisip nang tawagin ako ni Azalea, nakakahalina sa tenga kung paano niya bigkasin ang aking pangalan.

Sa totoo lang, ako ay isang napaka-mapalad na tao dahil sa kabila ng pagiging isang stranghero sa kanya at sa matalik niyang kaibigan pinaniwalaan nila ako at sila'y hindi nag-alinlangan na ako ay tanggapin. Napakabuti nilang tao.

"Mukhang totoo ang hinala mo Azalea, tignan mo ang bagay na ito." Inilahad ko sa kanya ang anting-anting. Nagulat siya nang makita ito.

"Isang papel? Ano namang kinalaman niyan sa pagkakapunta mo rito?" Bakas sa tono ng boses niya ang pagtataka.

Ikinuwento ko sa kanya ang mga mahahalagang detalye na isinambit sa akin ni Mang Tasyo.

"Anting-anting ba kamo? Wow! Kakalurkey naman niyan! Pahiram nga minsan nang makabalik sa nakaraan at itama ang mga pagkakamali ko!" Natawa si Azalea ngunit hininaan niya ito dahil nasa tala-aklatan parin kami kung saan bawal ang paggawa ng ingay.

"Mukhang ang papel na ito ay sinalinan ng kung anu-anong mga orasyon at panalangin. Ngunit ang nais ko lamang malaman kung paano ako makakabalik sa aking tunay na panahon, siguradong ang aking pagmamalagi rito ay lubos na makaka-apekto sa kasaysayan at sa balanse ng mundo." Biglang naging malungkot ang ekspresyon ni Azalea pero nung nakita niya na nakitingin ako ay pinalitan niya naman ito ng ngiti.

"Aalis kana agad? Ang bilis naman." Sumimangot siya ng husto.

Tinitigan lang namin ang isa't-isa.

"Hindi pa naman, pero huwag kang mangangamba, babalik ako. Nais ko rin naman na suklian ang iyong nagawang kabutihan sa akin." Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa mukha niya. Naka-sombrero si Azalea na parang isang tulisan na natatakot na makilala siya ng mga tao. Ang sabi niya lang sa akin ay isa siyang artista at kailangan daw ang pagbabalat kayo niya.

"Teka! Diba si Azalea Castillano iyon?! Dali pa picture tayo!" Sigaw nang lalaki sa di kalayuan at itinuro si Azalea. Nagtinginan rin ang ibang tao at nagmamadaling pumunta sa kinaroroonan namin.

"Tsk. Lagot na. Palpak ang disguise ko. Dali, hawakan mo ang kamay ko Jose." Nakita naman niya kaagad ang pagtataka ko. "Huwag kang mag-alala babalik tayo rito." Inilahad niya ang kanyang kamay na agad ko namang tinanggap. "Handa ka ng tumakbo? Dapat mabilis tayo ha?" Tumango ako sa kanya at ramdam ko ang init na nagmumula sa magkahawak naming kamay.

Hinatak niya ako.

Nakangiti kaming tumatakbo ngayon.

Ang lambot ng kanyang kamay.

Nilingon ko si Azalea.

Nililipad ng hangin ang kanyang buhok, napakaganda pala niya.

~Nobalilong x

Rizal Meets The Present Time (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon