Kabanata 12

4.5K 119 14
                                    

Azalea Castillano

So far so good ang kinahinatnan ng buong shooting namin, ang nakakatuwa ay nagkaroon ako ng pagkakataon na makakilala ng mga bagong tao na may iba't-ibang kwento ng buhay. Naging ka-close ko narin ang halos lahat ng staff and crew, napaka maasikaso din naman kasi nila at higit sa lahat ay napakabuti at ipanararamdam nila sa akin na sila na ang aking bagong pamilya.

Pero higit sa mga bagong nakilala at kaibigan ko ngayon, may isang tao ang lubos na namamayani sa puso't isipan ko na hindi ako dinidismaya sa pagpapakilig sa akin sa bawat oras na magkasama kami. Luma-love life na ata ako.

At kung hindi niyo naitatanong, sobrang lapit na namin ni Rain Delgado sa isa't-isa. As in, super close.

Meron pa ngang rumors na we're dating daw. Sa tuwing ini-interview nga kami ng showbiz press parati akong nagde-deny sa status namin ni Rain. Habang siya naman ay nakangiti lang habang nakahawak sa kamay ko at pinaglalaruan ang mga daliri ko.

Halos tumagal rin ng anim na buwan ang naging shooting namin. Super unforgettable at memorable ang lahat ng mga nangyari.

All the hardwork has been paid off.

At ngayon na nga magaganap ang Grand Premiere ng pelikulang pinaghirapan at minahal ng lahat ng bumuo nito, mula sa mga artists hanggang sa mga tao sa likod ng camera.

Media Reporter on the background:

Good Evening Phillippines! May I welcome you to the The Grand Premier of the most awaited movie this year ang Rizal: The Most Wanted Bachelor!

This story tells about Rizal, and all of his love interests and I prefer they are all nine loving ladies!

And tonight, I will be talking to the director of this wonderful creation, Mr. Del Francis Ceniza! Sir-- blah blah blah ayun, ininterview na si Direk!

Nangangatog na ako rito, nangagamba, natatakot at kinakabahan! This is really is it!

"Azalea, ikaw ba yan? Kanina pa kita tinatawagan sa phone mo hindi ka naman sumasagot. Nagtatampo na tuloy ako." Sumimangot ang gwapong mukha ni Rain na parang bata at itinaas ang kanyang cellphone.

"Sorry! Hindi ko kasi dala ang phone ko, naiwan ata sa hotel room. Kanina ka pa rito?" Nginitian ko siya. Bigla siyang lumapit sa akin at kinurot ang aking pisngi.

"Ang cute mo talaga. Halika na, baka hinahanap na tayo nila Direk." Pag-aaya niya sa akin.

Yumuko ako at wala sa isip na pinaglaruan ang mga daliri ko. "Ah kasi, sobrang kinakabahan ako. Diba mga isang oras pa bago ang call natin? Diyan muna ako sa may garden at magmumuni-muni."

Nakatitig parin ako sa lupa ng may maramdaman akong mainit na sensasyon sa aking labi. 

Teka lang.

Teka.

I mean sa kaliwa ko palang pisngi.

Hinalikan ata ako ni Rain sa lips! Pero imahinasyon ko lang iyon!

Sana sa lips nalang!

"Good luck charm yan Azalea para hindi ka na kabahan, huwag kang mag-alala andito lang naman ako sa tabi mo. I mean literal dahil magkatabi lang naman tayo ng upuan mamaya presscon." Tumawa siya ng mahina, ako naman ay nakahawak sa aking mga pisngi at ninanamnam parin este kinikilig parin sa ginawa niya.

"Ah...sa..salamat sa palaging pag-aalay Rain." Hindi ko maiwasang mabulol, mabuti nga at nakapagsalita pa ako. I was supposed to be speechless.

Nagpaalam na si Rain at confident na naglakad papasok ng hotel. At sa kinikilos niya, parang wala siyang naa-alala na may ninakawan siya ng halik ah! Pwede namang sa lips bakit sa pisngi pa! Willing naman ako!

Tumingala ako at tinignan ang clock tower sa di kalayuan. 6:00 palang pala, 7:00 pa magsisimula ang event.

Sa katabi ng clock tower, ay may malaking LED Billboard at doon biglang nag-flash ang lalaking nagnakaw ng halik sa akin kanina! Pero ginusto ko naman! Hokage eh.

Sa commercial na ipinapakita, ngiting-ngiti si Rain with his complete set of white teeth. Commercial kasi ito ng toothpaste. Closegate ata ang brand name niyan.

Sa pagtitig ko sa malaking kahon na umiilaw, doon ko lang napagtanto na malayo narin pala ang aking narating.

Noon kahit makita ko lang si Rain sa personal ay napaka-wish granting na.

Ngayon, halos kausap at kasama ko na siya araw-araw. Hindi parin ako makapaniwala.

Nang natapos na ang commercial ni Rain ay napapagdesisyunan ko munang maglakad-lakad sa garden. Hindi sa mall hineld ang premier ng movie kundi sa isang magarang hotel na may sariling movie house.

Umupo ako sa isang swing, nagmuni-muni at tumingin sa kalangitan. Napangiti ako, sa kabila ng mga hindi magandang nangyari sa akin sa nakaraan ay hindi parin ako pinapabayaan ng lumikha. Maraming salamat po.

~Nobalilong x

Rizal Meets The Present Time (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon