Kabanata 26

3.1K 88 11
                                    

A/N: Hindi naman talaga mahal ni Rizal si Leon pero nakikita niya si Leonor sa katauhan ni Leon. Therefore I conclude: Nabubulagan lang siya at hindi pa nakakamove-on si Bayani.

------

Azalea Castillano

Pagkatapos kong ayusin ang aking buhok, ngumiti ako at tinitigan ang aking pigura sa salamin.

Well bakit ba ako mate-threatened kay Leon? Of all people si Leon pa? Buo ang tiwala ko kay Jose. He's a different guy at hindi siya magpapaakit sa kaahasan ni Leon.

I turned my last glance in the mirror saka nagsimulang maglakad pabalik sa lounge.

I was smiling very widely but it was suddenly faded away when I opened the door and saw a heartbreaking scene.

Leon and Jose are kissing.

I was dumbfounded, hindi ako handa na ganito ang maabutan ko. Ngayon ko lang din napansin na they were like pieces of puzzle that matches together. Bagay na bagay sila.

I think they're meant for each other.

The intimacy radiating between them is magical. Unlike me, I was expecting a fairytale with Jose that supposed to be my prince charming but I guess, I'm the wicked witch in the story and not Leon.

Hindi ko maigalaw ang katawan pati na rin ang mga paa ko. I want to run away but I can't. I want to run in place where no one knows me, when no one care about how I look or who I am.

Ilang segundo palang ako dito but I think isang oras na akong nakatitig at nakatayo.

Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa. Wow? Live audience ba ako? 

I don't deserve this.

Sa mga oras na ito, kating-kati na ang mga kamay ko para sabunutan si Leon at alisin ang mukha niya sa mukha ni Jose.

Si Jose naman nagpapadala kay Leon, He can push her away diba? Pero bakit hindi iyon ginawa ni Jose. Is he enjoying the moment? Ganon nalang ba talaga ang pagkagusto niya kay Leon? I'm asking questions na ako din naman ang makakasagot. I'm such a fool.  

This scene says it all Azalea. No further explanation and elaboration needed.

Dalawang segundo na ang lumipas pero parang dalawang oras na. My heart broke into pieces when Jose smiled while kissing Leon, parang ngayon ko lang din siyang nakitang ganyan kasaya. With her not with me.

Hindi parin nila napapansin ang presensya ko. Well, I'm used of being disregarded with the people I've cared and loved. Mapapansin lang nila ang halaga ko kapag wala na silang ibang choice. Just like my family.

Lampas isang buwan na naming kasama ni Aya si Jose sa bahay. Araw-araw na pagkukulitan, pagtatawanan at siya ang nagsisilbi naming pinagtatanungan sa mga bagay na hindi namin alam.

Nakalimutan na nga namin ang pagiging isang bayani niya, Jose acts normal at ayaw na ayaw niya ang mga special treatment. Napakabuti niyang tao at makapagkumbaba.

Sa konting panahong iyon, lumalim na ang pagtingin ko kay Jose, na ang simpleng crush na naramdaman ko ay umusbong na sa love. Ngumiti ako ng mapakla habang inaalala ang lahat.

Tatlong segundo na ang lumipas, huminga ako ng malalim nang magbitaw na ang kanilang mga labi.

Ngunit lumapit muli si Leon at niyakap si Jose.

Hindi ko na kaya.

Naramdaman ko nalang na parang may mainit na bagay ang dumampi sa aking pisngi. 

Pinahiran ko ito gamit ang aking kamay saka tinignan ang likido na nanggaling saaking mukha.

Luha.

Hindi ko na ata kakayanin na manatili pa dito. Kailangan kong makaalis. Nahihirapan na akong huminga.

Sinubukan kong gumalaw at nabuhayan ako ng loob nang maramdaman ko na ang aking katawan. Hindi na ako namamanhid.

Nagsimula na akong maglakad ng paatras, ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang may nabunggo akong isang matigas na bagay. Nagulat ako at lumingon.

"Azalea?"

~Nobalilong x

Rizal Meets The Present Time (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon