Kabanata 28

3.1K 84 6
                                    

Azalea Castillano

Umalis ako sa library ng luhaan at sugatan ang aking puso't katawan. Literal pa dahil nadapa pa ako kanina habang pababa ng hagdanan.

Paglabas ko ng pintuan ay agad bumungad sa akin ang maingay, busy at progresibong syudad. Nakatingin lang ako sa kawalan at hindi ko alam kung saan ako pwedeng tumungo para magkapagmuni-muni at makapag-isip na rin hinggil sa mga kakaiba at sunod-sunod na nangyayari sa aking buhay sa nakalipas na mga buwan.

Wala na talaga si Jose.

Ganon nalang ba ang kahahantungan ng pagkakaibigan namin? Hindi manlang siya nagpaalam. Ang gusto ko lang namang sanang malaman ay kung may halaga ba ako sakanya.

Patuloy parin ako paglalakad at sa tingin ko halos lampas limang kilometro na ang tinatahak ko. Mabuti na lamang at ni walang nakapansin kung sino man ako. Nakadisguise na ako simula nang pumunta ako sa library.

Habang naglalakad ay marami akong nakakasalubong na mga magkasintahan, magkaibigan at meron ding masayang pamilya na hawak-hawak ang kanilang mga anak. Napakasaya nila kung titignan, napaka-kabaliktaran sa nararamdaman ko ngayon.

Napatigil ako sa paglalakad ng biglang natanggal ang pagkakasintas ng kaliwang sapatos ko. Luminga-linga ako at naghanap ng bench na pwedeng upuan, mabuti nalang at may kalapit na bench na siyang kong inukupa. Yumuko ako at inayos ang sintas ng sapatos ko, inayos ko narin ang kanang bahagi nito. Nang matapos ay iginayak ko ang aking ulo pataas mula sa pagkakayuko, namangha at nalungkot ako sa aking nakita. Agad na tumulo ang aking luha at parang isang mabigat na bato ang dumagan sa akin na nagpabigat rin ng aking buong pakiramdam.

Nanggaling na ako sa lugar na ito kasama si Jose. Masaya kaming nagkukwentuhan at nagtatawanan rito. Sariwang-sariwa pa sa aking buong memorya.

Pumikit ako ng ilang sandali at huminga ng napakalalim; Wala na si Jose Azalea kaya kalimutan mo na siya. Isinaisip ko ang mga katagang iyan ng makailang ulit na syang nagpakalma ng aking buong sistema.

Tumayo at nagsimula na akong maglakad, isinuksok ko ng mabuti ang aking mga kamay sa bulsa ng hoodie jacket ko nang may maramdaman akong patak ng tubig sa aking pisngi.

Umiiyak na naman ba ako?

Tumingala ako sa kalangitan at nakita ang makulimlim na panahon. Kung minamalas ka naman oh. Wala akong kahit isang kusing at wala rin akong load, susulitin ko nalang itong ulan. Matagal na rin akong hindi nakakaligo sa ulan. Matagal na matagal na.

Humakbang ako at doon na bumuhos ang malakas na buhos ng ulan. Habang dumadampi sa aking buong katawan ang lamig na dulot ng ulan ay hindi ko na napigilan pa na mapaiyak.

Nakikisabay ata ang panahon sa nararamdaman ko ngayon. Nais din niyang umiyak nang dahil sa kalungkutan.

Kasabay ng pagpatak ng ulan ay ang pagpatak rin ng aking luha. Mabuti narin ito dahil hindi mapapansin ng makakakita sa akin na umiiyak ako, na isa ako sa mga tao na may mabigat na pinagdadaanan sa buhay at idadaan na lamang sa pag-iyak ang taglay na kapighatian.

Nakayuko lang ako at ramdam na ramdam ko sa aking buong katawan ang kakaibang sensasyon na dulot ng ulan. Bigla akong napatigil nang may malakas na busina ang bumulahaw sa akin.

"Hoy miss kung gusto mong magpakamatay huwag kang mangdadamay! Makukulong pa ata ako dahil saiyo! Bwiset!" Pinandilatan ako ng mata ng driver at parang kakainin na ako ng buhay dahil sa galit.

Tinignan ko lang siya at patuloy na naglakad. Pasensya na manong at masyado akong broken-hearted para bigyan ka ng kaunting pansin.

Patuloy akong naglakad at inaliw ko ang sarili sa pagsunod sa puting guhit na nasa kalsada, kamuntikan pa akong matumba nang may mabangga akong isang lalaki.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Mukhang pariwara ang taong ito at lulong sa maraming bisyo. May dalawa pa siyang kasama na mukha ring mga adik.

"Anong problema miss ganda? Lungkot na lungkot ka ah tsaka basang-basa rin. Gusto mo bang sumama sa amin? Magbyaheng langit tayo alam mo ba, masarap doon. Halika." Pinilit akong hawakan ng isa niyang kasama, pero inunahan ko na siya ng sipa sa ano niya.

"Kung gusto niyong magbyaheng langit, mauna na kayo! Susunod nalang ako!" Tinignan ko sila ng masama at muling tinadyakan ang lalaking namimilipit sa sakit dahil sa ginawa kong pagsipa sa junjun niya.

-----

Malakas parin ang buhos ng ulan at patuloy lang akong naglakad hanggang sa nakarating ako sa isang pamilyar na lugar. Tumigil ako at tinignan ang buong paligid. Hindi ko na namalayan na nasa harap na pala ako ng bahay. Napakaraming nangyari sa akin bago ako makarating rito.

Nakita ko si Aya sa may pinto na may kausap sa telepono. Mababakas sa kanyang mukha ang pag-aalala. Dinig na dinig ko siya mula rito sa may gate.

"Hinahanap pa nga namin siya Sir Rain! Hindi ko rin siya ma-contact! Saan ba nagsuot ang babaeng iyon kasi! Sige po, babalitaan ko kaagad kayo kapag nahanap na namin siya na complete ang body parts at ligtas. Keep in touch, bye po."

Tinitigan ko lang si Aya, mukhang hindi pa niya ako napapansin. Napabuntong hininga siya hanggang sa magtagpo ang aming mga paningin.

"Azalea?! Omg halos mag-iisang araw ka ng nawawala! Hindi rin kita ma-contact! Saan kaba galing ha? At bakit basang-basa ka? Umalis ka ng walang pasabi at hindi nagpapaalam, tsaka-- ow bakit umiiyak ka? Hoy anong nangyari?"

Niyakap ko nalang si Aya, parang wala na akong lakas para magsalita, hindi ko mahanap ang aking boses.

Hinigpitan ko pa ang pag-akap kay Aya. Hindi narin niya pinansin kung gaano ako kabasa at kadungis, yumakap rin siya sa akin ng napakahigpit.

"Alam mo Azalea, bespren, hindi ko man alam ang pinagdadaanan mo, parati mo lang sanang tandaan na nandito lang ako sa lahat ng panahon. Handa akong makinig at maging sandalan mo sa ganitong pagkakataon. Hinding-hindi kita pababayaan at iiwanan."

Aya comforted me, hinagod niya ang aking buhok at likod. Hindi ko nalang namalayan na nakatulog na ako at nawalan ng malay. Mabuti naring lamunin muna ako ng  kadiliman kahit ilang oras lang, gusto ko ng humupa ang suliranin kong ito. Sana sa pagising ko, narito na si Jose sa tabi at bisig ko. Sana.

~Nobalilong x

Rizal Meets The Present Time (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon