Kabanata 34

2.9K 72 2
                                    

Azalea Castillano

Bakit ba ang lande nitong dila ko? Talak ng talak eh. Ito din si bunganga, buka ng buka at nagsasabi ng kung ano-anong kalandian sa mundo.

Niyaya ko si Rain na makipagdate sa akin tapos sinabi ko ring gusto ko siya?! Aba matende!

Bad mouth. Bad.

Ayan tuloy, ako ang gagastos nito dahil ako ang nagyaya. Mamumulubi na ako. Huhu.

"Azalea saan mo ba ako dadalhin sa DATE natin ha?"

Pangiting tanong ni Rain, nakapatong pa sa baba niya ang mga kamay niya na para siyang nagde-daydream. Nang-aasar na naman.

"Kahit saan!" Pag-iiwas ko ng tingin sa kanya.

"Ano pang hinihintay natin? Aba mahal kaya ang talent fee ko ha. Isang sikat na artista ang makaka-date mo sa araw na ito, so this is a once in a life time oppurtunity for you Hahaha."

Wow. Hangin.

"Tara na!" Sabay hatak ko sa kanya, ayaw pa kasing umalis sa mundo ng kapreskohan eh.

Bahala na kung saan kami dadalhin ng branded shoes namin!

•••MOVIE WORLD•••

"Movie date pala ito ha? ha?"

Tinuksok-tusok ni Rain ang tagiliran ko.

"Malamang! Teka!--tigil nga!" Sinapo ko nga ang malanding daliri niya, landi eh.

"SHHHHHHHHH!"

Alam mo yung halos lahat ng tao sa sinehan ay nakatingin sa inyo na para kayong nakapatay ng 10 tao kanina? Yunyun.

Napayuko ako dahil sa hiya. Kahit wala naman talaga akong hiya paminsan-minsan.

Napadako ang mga mata ko kay Rain, seryoso na siyang nanonood ng movie sabay dukot ng isang kumpol ng popcorn. Matakaw din pala siya. Pero gwapo parin naman.

"Baka matunaw ako niyan ha." Patuloy lang siyang lumalamon ng hindi tumitingin sa akin.

"May dumi ka kasi rito oh." Pupunasan ko sana ang labi ni Rain, nang bigla siyang lumingon at tumingin sa akin.

Magkalapit na magkalapit na ang mga mukha namin na halos nararamdaman ko na ang paghinga niya.

Oh noes, parang gusto ko yata siyang halikan. Nakaka-tempt naman.

Mas lalong naglapit ang mukha namin ni Rain.

Nabulabog lang kami ni Rain nang biglang may narinig kaming naghahalikan at naghaharutan sa likod namin.

"Ano ka ba, huwag nakakakiliti baby. Diyan, oo, diyan hawakan mo ako jan. Huwag mo masyadong idiin at huwag ding malikot baby baka may makakita sa atin Hihihi."

Nandilat ang mga mata namin ni Rain sa mga naririnig namin ngayon.

Diba Rated G naman ang pinapanood namin ngayon, pero bakit parang naging R-18 na yata? Live porn na ba ito?

Bumulong si Rain sa akin.

"Ano? Tignan natin?"

Sinapak ko nga siya, akala talaga niya gusto ko ng mga ganyan! Aba! Wala namang mawawala kung sisilip kami ng konti diba?

"Tara, tignan natin papaano gumawa ng bedscene sa sinehan."

Sumilip kami ni Rain at halos mandiri kami sa nakita, halos kinakain na nila ang mukha ng isa't isa, french kissing pala ang trip ng magkasintahang ito.

Kadiri.

Nag e-exchange sila ng germs and other bacterias.

Naghahawakan pa sila kung saan-saan at doon! OMG! Get a room!

Dahil sa live action na nangyayari sa likod namin ay napagpasyahan namin na lumabas nalang ng sinehan. 

Nakalagay sa tiyan ang mga kamay namin dahil sa sobrang tawa.

"Akala ko ba sci-fi yung pinanood natin ha, bakit parang naging bold yata?" Sabay punas ni Rain sa maluha-luhang mata niya dahil sa sobrang tawa.

"Umalis na nga tayo rito! Arcade tayo!" Hinatak ko si Rain dahil ramdam ko talaga na may namumuong ng masamang panahon sa ulo ng lalaking ito.

•••ARCADE•••

"Go! go! go! Woooh! Kunin mo si pororo! Kokaaaaak! Gooooo!"

Wala na akong pakealam kung mapagkamalan na akong baliw dito sa Arcade, basta ay makuha sana ni Rain ang aking paboritong pororo!

"Ayan na, ayan naaaaa."

Tutok na tutok at nakatitig ng maigi si Rain kay pororo.

Nakoo, kung mabo-bokya na naman yan siguradong mamumulubi na talaga kami! Nakakailang token narin kaya kami no!

"Huwag na huwag kang bibitaw pororo, kapit lang baby." Panaghoy sa hangin na sabi ni Rain.

Kung nagtataka kayo kung bakit wala pang dumudumog sa amin dito aba, red alert kami at laging handa. Nakasuot ako ng bonnet, black skinny jeans, tight white long sleeves, black converse, at eyeglasses.

Habang si Rain ay nakasuot naman ng red v-neck na longsleeve, with matching black skinny jeans, naka bonnet din siya at sneakers.

Nakalugay naman ng wagas ang mga bangs namin kaya hindi talaga kami mamumukhaan.

Baka ay mapagkamalan pa kami nitong may mga ketong at chicken pox dahil balot na balot kami. 

"Sa wakas!" Napatingin agad ako kay Rain na nagpupunyagi sa kanyang natamong tagumpay!

"Akin naaaaa! Yey nakuha mo rin si Pororo!" Inilahad ko kay Rain ang aking mga kamay at hinihingi si Pororo.

"Anong ibibigay ko sa iyo? Ang ibig kong sabihin ay sa wakas ay naubos na ang singko natin! Kaya ibang game naman, bumili nalang tayo ng Pororo mo!"

Nagtatantrums na si Rain na parang bata. Hala, halos magsilabasan na ang mga ugat niya sa mukha.

"Hindi pwedeng maiwan si Pororo sa glass cage na yan! Paano kung magutom siya, bangungutin, at ang pinakamalubha pa ay mamatay! Mamatay din ako kung mamatay siya!"

Napadako naman kaagad ang mata ng mga tao sa akin na nasa arcade, iniisip siguro nila na nababaliw na ako.

"Ano ka ba naman mister, maawa ka naman sa misis mo na naglilihi, kibabata niyo pa kasi at nag asawa na agad! Maagang ibinigay ang bataan kaya ibigay mo rin ang gusto niya dahil para din yan sa baby niyo. Hay kabataan nga naman ngayon."

Panunumbat ni lola sa amin habang inaakay ang apo niya sa pagsakay sa maliit na carousel.

Kinausap namin si lola. "Hindi po kami mag-asawa lola at lalong hindi po ako buntis."

Inarapan lang kami ni lola, aba bongga si lola.

"Mga ineng, pabalik na ako at papunta pa lamang kayo kaya alam ko na iyan. Sige iho, kunin mo na yang pinapakuha ng misis mo, at ikaw naman hija, huwag naman iyang palaka ang ipakuha mo, baka paglihian mo iyan at maging mukhang palaka ang magiging anak mo."

Napanganga ako sa mga sinabi ni lola.

Tinawag ko si lola.

"Hindi po ako buntis lola! Busog po ako, busog!"

Tinawanan ako ni Rain. "Ayaaan masiba kasi, napagkakamalan ka tuloy na buntis."

Tinignan ko siya ng masama. "May sinasabi ka ba ha?!"

"Ah wala naman po." Napakamot nalang si Rain sa batok at umalis para bumili ng token.

Me: Evil grin. Pero hindi ako buntis!

~Nobalilong x

Rizal Meets The Present Time (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon