Kabanata 16

4.2K 126 15
                                    

Azalea Castillano

Na-tokhang kaya itong si Mr. Jose? Parang wala kasi siya sa kanyang sarili at ibang-iba ang kanyang mga kinikilos. Mukhang hindi na normal. Parang ako lang din, abnormal.

Kanina pa niya ako tinatama dahil mali raw ang ipinahayag kong petsa ngayon.

Sinabihan nga ng totoo hindi naman naniwala! Hala! Doon nalang kaya siya sa PAGASA magtanong para siguradong precise at accurate!

Kanina habang pabalik na ako sa lokasyon ng event, ay bigla nalang sumulpot mismo sa aking harapan si Mr. Jose. Nakapwesto pa siya na pinuprotektahan ang kanyang sarili, nakaharang ang kanyang mga kamay sa kanyang mukha.

Napagkamalan ko pa nga siyang lamang lupa o kung ano mang uri ng dwende. Ang liit kasi niya I mean mukhang pandak, ay ewan!

Halos magkasing tangkad rin kami, kung hindi naitatanong maliit rin ako kaya may guts talaga akong mangutya sa mga kalahi ko ng height! Yeah. Thug life.

Narito na kami sa event at napagdesisyunan ko na isama nalang siya. Baka kasi may mga Werevolves at Vampires ang sumulpot doon. Ayan na naman, nahuhumaling na ako ulit sa series ng Twilight Saga.

Umupo muna kami sa isa sa mga vacant seats, bali magkaharap kami ngayon. Nakikita ko sa malayo na nandoon na sila Rain at Leon sa front row, katabi ni Leon si Direk Del. Habang si Rain naman ay mukhang hindi mapakali, palinga-linga kung saan at parang may hinahanap. Nakabante ang katabi niyang upuan which is my personal reserved seat. 

Hindi muna ako sumama sa mga co-stars ko, dito muna ako dahil parang autistic itong si Mr. Jose at kailangan ng striktong paggabagay ng magulang ika nga; Ito ay Rated SPG.

"Nasaan tayo binibini? Bakit nagkukumpulan ang mga tao rito?" Nakakarindi na ang kanina pa niyang pagtawag sa akin na binibini ah!

"Mr. Jose for your information, isa akong normal na mamamayan ng Pilipinas at hindi ako isa mga candidates ng Binibing Pilipinas kaya huwag mo akong tawaging binibini!" Sasagot sana siya ng harangan ko ang kanyang bibig.

Tumango si Mr. Jose at nagpunas ng bibig. Aba! Hindi madumi ang kamay ko no! Baka may kunting germs lang! Konti lang!

"Ipagpaumahin mo Azalea,  naway tanggapin mo ang aking panghingi ng kapatawaran. " Akmang hahalikan na naman ni Mr. Jose ang aking palad nang pigilan ko siya. Jusko! Hihimatayin ata ako sa pinaggagawa ng lalaking ito!

"Hep hep hep! Parang awa mo na Mr. Jose, napakaraming media personnel ang narito at baka ako'y mablind item mamaya sa isang late night talk show! Shenetch eteey na agad yan! Nako po! Mag-shake hands nalang tayo." Inabot ko ang kanyang dalawang kamay at nakipag-kamay.

Nang bitawan na namin ang isa't-isa ay saka lang ako nagkaroon ng pagkakataon na matitigan ng malinaw ang buong pigura ni Jose from head to foot, kasama na roon ang kanyang physical features.

Napaka-formal ng kasuotan niya,  naka-amerikana siya with slacks pants at leather shoes. Sobrang linis at tigas rin ng buhok niya, parang di uubra ang super typhoon dito. Hindi mahawi-hawi.

Mukhang invited naman siya sa event na ito. Porma palang pamatay na!

Inilapit ko ng kaunti ang aking mukha sa kanya at itinukod ko ang aking mga kamay sa lamesa. "Maari ko bang malaman kung taga saan ka Mr. Jose?"

"Ako ay mula sa Laguna Ms. Azalea." Mabuti at tinatawag na niya akong Ms. ulit.

"Hmm okay. Anong trabaho mo?" Tumatango-tango ako at inilagay ang kamay sa aking baba na parang nag-iisip.

"Isa akong Doktor." Wow sosyalin pala itong si autistic! Kaya pala mukhang matalino!

"Ano pa nga yong full name mo Mr. Jose? Medyo makakalimutin kasi ako." Nagkamot ako ng batok. Umaariba na naman ang pagiging medyo mapurol ko.

"Ako si Jose Protacio Mercado Alonso Y Realonda Rizal. Alam kong medyo mahaba kung kaya't pagpasensyahan mo na."

Napansin ata ni Jose na naglo-loading na naman ang mga braincells ko, kaya inulit niya ang buong pangalan ng tatlong beses para klaro.

Nagpapatawa ba siya? Pangalan ata iyon ng Pambansang bayani ng Pilipinas. Imposible.

Magre-react na sana ako nang biglang dumating si Maam Ethyl at inagaw ang atensyon naming dalawa.

"Thank God at nahanap rin kita! Ikaw nalang ang kulang sa main casts! Come on Ms. Lea! Tumatakbo ang oras!" Napasabunot ng buhok si Maam Ethyl at agad akong hinatak patayo.

Nilingon ko si Jose at nginitian niya lang ako.

Teka! May itatanong pa ako!

~Nobalilong x

Rizal Meets The Present Time (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon