Kabanata 1

17.4K 370 44
                                    

Azalea Castillano

"Annd cut! Prepare for the next scene in 10 minutes! Wardrobe bihisan si Leon! Go! Go! Go!" Pumalakpak si direk na nagpapahayag ng change scene.

Ako ay nakaupo lamang dito sa malayo at tinitignan ang bawat eksena para sa bagong teleserye na ginagawa ng estasyon. Naglakad patungong VIP lounge ang aking amo na nagpapahayag na kukutyain nanaman niya ako, at kasama na roon ang pag-uutos sa akin.

"Hoy alipin! Halika rito bilis!" Tinignan niya ako ng masama pero agad din naman itong napawi nang makita niya ang screen ng cellphone niya.

Agad akong tumakbo at pumunta sa kinaroronan niya. "Ano pong kailangan niyo maam?"

Tinakpan niya ang speaker ng cellphone niya at humarap sya sa akin. "Gusto ko ng Shake."

"Sige po--" naputol ang sasabihin ko ng sumenyas siya na pinapaalis na niya ako. "In five minutes."

Nagtatakbo akong lumabas at pumunta sa pinakamalapit na Convenience Store.  All in One naman lahat rito kaya convenient talaga.

"Miss, shake nga po." Tinitigan kong mabuti ang product signage na nasa harap ng stall na binibilhan ko, nakasulat roon ang Mr. Shakeys.

"Anong flavor maam?" Doon ko lang napagtanto na hindi pala nagsabi ng flavor si Leon.

Tinignan kong muli ang product signage ng may makita akong Strawberry Flavor. "Dahil maarte si maam, at pink ang nail polish niya, baka strawberry flavor ang gusto niya." Bulong ko sa aking sarili.

Agad namang natapos ng crew sa paghahanda sa order kaya ng pagkabigay niya sa akin ng Strawberry Shake ay agad akong nagtatakbo patungong shooting location.

"Hayy salamat nakaabot rin ako! Maam Leon, hindi niyo po kasi nasabi sa akin kung ano ang flavor ng shake na pinapabili niyo kung kaya't Strawberry Shake nalang ang pinili ko." Inabot ko sa kanya ang inumin. Agad naman akong nakaramdam ng pagkapagod, bakas na bakas pa mula sa pawis na onting tumutulo sa aking mukha.

"Naaah, I want soda nalang." Tinignan niya ako saglit ngunit bumaling agad siya sa matitingkad niyang mga kuko.

Binigyan ko lang siya ng ngiti at naglakad akong muli patungo sa convenience store. Mahirap din pala ang maging alalay ng isang primadonnang artista.

Nakarating ako ng hingal na hingal, nakikisabay rin ang init ng araw na mahapdi na dumadampi sa aking balat.

Nagulat ng kaunti ang crew ng makita niya akong muli. "Is there any problem with your order maam?"

"Wala naman." Nginitian ko lang siya at umorder ng soda.

Pagkarating kong muli sa set ay inabot ko kay Leon ang soda. Pinunasan ko ang aking noo na tagaktak na ng pawis, halos malayo-layo rin pala ang aking nilakad ng pabalik-balik.

Hawak ko parin ang soda at sinusubukang iabot ito kay Leon ngunit tinitigan niya lang ako na parang may kung anong kwestyon sa kanyang mukha. "Ano yan?"

Bulag ba siya o Nagbubulag-bulagan? Napupuno na ako ng kaunti rito.

Pinihit ko ng pakanan ang soda nang makita niya kung ano ito. Nakasulat roon ang katagang "Coke".

Biglang nagsalubong ang kanyang mga kilay kasabay ang pagkunoot ng kanyang noo. Ops, mukhang napipikon na yata itong si Leon. "Are you kidding? At bakit hindi sugar free yan? Gusto mo ba akong tumaba?"

Magsasalita na sana ako ng iharap nya sa akin ang kanyang kamay na nagpapahiwatig na hindi na niya kailangan ang aking mga paliwanag.

Yumuko ako at pinahiran ang aking mukha. "Pasensya na po Maam Leon."

"Okay blah blah blah. Umalis kana. Shoo shoo."

Nakarating nanaman akong muli sa Convenience Store, nasa isang kilometro din yata ang layo nito mula sa taping location.

Nakabalik ako sa set na dala na ang mahiwagang sugar free na soda ni Leon. Ipinatong ko ito sa lamesang nakaharap sa kanya. "Ito na po maam. Hindi Strawberry Shake kundi Soda na sugar free. May kailangan pa po ba kayo?" 

"Itapon mo nalang yan, magtataping na kami. Bye."

Asdasdasdasdasd. Yan nalang masasabi ko sa mga oras na ito. Napakaarte talaga ng amo ko!

Lumingon siya sa akin at binigyan ako ng demonyitang ngiti, nang nakatalikod na siya ay tinignan ko agad ang kanyang likod ng napakasama.

Kung nakakapatay ang tingin, sisiguraduhin kong nakahiga na siya sa kabaong at pinaglalamayan na ng kanyang masugid na mga fans club ngayon.

Nakakabanas narin ang kaartehan ng bruha nayun.

Kaya kung sino man ang may balak disturbuhin ako sa pagkakataong ito ay siguradong papatayin ko. 

Serious!

"Boo!" Sinuntok ko kaagad sa mukha ang taong walang awang nanggugulat sa akin.

"Aray naman sis ha. Galit sa mundo ha? Galit?" Inalalayan ko kaagad si Aya, napalakas ata ang  pagkasuntok ko sa kanya. "Masakit ba?"

"Malamang!" Tinignan niya ako ng masama kasabay ng paghimas niya ng kanyang ulo na parang may namumuong bukol doon. "Nawala na tuloy ang pagiging matalino ko nito."

"Please Aya, hwag kang mag-jojoke baka maniwala ako." Nag beso-beso kami ni Aya na parang walang nangyari.

"Hindi parin ba gumaganda ang amo mo?" Heto nanaman siya sa change of topic.

"Hindi parin kahit kaunti. Nakakaawa nga ang mga sponsors niya."

Ganito lang kami ni Aya araw-araw, masayang inookray at inaapi ang aking amo sa mga isipan namin. Nakakagaan naman sa loob, mabuti nang inilalabas ang mga hinaing kesa sa magtimpi.

Ako si Azalea Castillano or Lea na karaniwang itinatawag ng mga taong nakakakilala sa akin. Isa akong dakilang Personal Assistant at minsan sumesegway rin bilang extra sa mga pelikula at soap opera. Kaya alam na alam ko ang mga pasikot-sikot sa mundo ng showbizness, mga secrets, scandals mga alam nyo na. Si Leon Rivera naman ang dakila kong amo.

Ang kasama ko sa pang ookray sa aking amo ay si Aya Martinez na matalik kung kaibigan simula pa nong nadiskobre ang apoy. Katulad ko Personal Assistant rin sya, pero mas swerte naman si Aya dahil sa crush kong si Rain Delgado pa talaga siya napunta. Ang pogi kaya nun sa mga billboard at magazines. Sigurado din akong napakabait niya dahil sa mga kinukwento ni Aya sa akin tungkol sa kanya, hindi katulad ng Leon nayon. Mukha parang tigre, ugali parang lion! 

Nga pala, sayang at  hindi nadidiscover nila Oprah at Ellen ang angking kagandahan namin ni Aya. Sayang.

~Nobalilong x

Rizal Meets The Present Time (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon