Kabanata 14

4.2K 119 19
                                    

Jose Rizal

Ako ay patuloy na naglalakbay, nakalayo na ako sa templo at sa ngayon ay naghahanap ako ng bayan na maari kong pamalagian. Kinakailangan ko rin makahanap ng mga bagong gamitan na makakatulong sa aking pananaliksik at pag-aaral.

Lumiko ako sa isang makitid na daanan at sa aking paglalakad ay biglang may palasong itinira sa akin, nadali nito ang aking sombrero. Mabuti nalang at nakaiwas ako kaagad.

Napahiga ako sa damuhan at inilibot ang aking buong paningin sa paligid. Tumayo ako at tinitigan ang sombrerong bigay sa akin ng inay. Napunit na ito at mukhang hindi na mapapakinabangan.

Biglang nagsilabasan ang nasa-sampung lalaki, lahat sila ay nakasuot ng itim na baluti na nagtatakip ng kanilang buong pagkatao. Tanging mga mata lang nila ang tangi mong makikita.

Pero sa mga matang iyan, alam na alam ko parin kung sino ang nagmamay-ari ng mala-agilang tingin na nasa gitna. Ito ay ang kanilang pinuno na wala ng iba kundi si Carlos.

Nabasag ang katahimikan ng magsalita siya.

"Mabuti't nagkita tayong muli Laong Laan, Pepe, Jose ah ano pa bang ginagamit mong pangalan at palayaw? Alam mo bang hinalugad na namin ang buong kanayunan hanggang sa kasarangan makita ka lamang? Para kang daga, magaling sumuot kahit saan, lalong-lalo nasa pagtatago." Tumawa siya ng napakalakas na nakabulahaw sa tahimik na kagubatan.

Naiyukom ko na lamang ang aking kamao sapagkat sa pagkakataong ito, alam ko na wala akong laban sa kanila. Mag-isa lang ako at tsaka ni wala akong kagamitang makakapagtanggol sa aking sarili. 

Tumigil sa pagtawa si Carlos at nakangiting tumitig sa akin. "Tirahin na siya."

Inihanda ko na ang aking sarili sa nalalapit na kamatayan, mahaba-haba narin naman ang tinahak ng aking buhay. Marami na akong nagawa na ikinatuwa at ikinalungkot ko. Masasabi ko na naging sulit ang aking naging takbuhin sa mundong ibabaw.

Leonor kung nasaan ka man naroroon sana ay lagi mong isapuso na iniibig kitang lubos. Ikaw lamang ang nagpatibok ng aking puso sa simula't sapol na nasilayan kita. Nakatatak ka na sa aking buong kaisipan.

Higit sa lahat, ang aking pamilya.

At sa bansang Pilipinas Mi Ultimo Adios!

Ipinikit ko ang aking mga mata at handang-handa na sa pagsalubong sa paparating na kapahamakan.

Papanaw na ako at mamatay.

Sandali lang.

Bakit ang tagal?

Wala akong nararamdamang sakit sa aking pangangatawan. Nasa langit na ba ako?

Lumipas pa ang ilang sandali ay inimulat ko ang aking mga mata.

"AHHHH! SINO KA?!" Nagising ako na may babae sumisigaw at nakaharap sa akin.

Teka, nasaan na ako?

~Nobalilong x

Rizal Meets The Present Time (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon