Kabanata 25

3.5K 98 20
                                    

Jose Rizal

Sa hinaba-haba man ng panahon na hindi ko siya nasilayan at nakita, hindi parin nagbabago ang taglay niyang kagandahan na nag-paibig sa akin araw-araw.

Si Leonor nga itong nasa harapan ko at nakangiti sa akin. Magkahawig na magkahawig silang dalawa, mula sa buhok, kulay ng balat at higit sa lahat ang kanyang mga mata na nagpabihag sa akin.

Halos ako ay mamatay ng nalaman kong si Leonor ay ipinagkasundo sa isang lalaki sa kabilang bayan at sila na ngayon ay masayang nabubuhay bilang mag-asawa.

Sabik na sabik na ako sa kanya.

Lumapit ako kay Azalea saka ibinigay ang wallet na naiwan niya. Hindi ko naman mapigilan na sumulyap at tumingin kay Leonor.

Lumakas ang tibok ng puso ko nang inilahad niya ang kamay para makipagkamay sa akin.
"I know you! You're the guy on the internet with Azalea! I knew it! By the way I'm Leon Rivera nice to meet you!"

Magkasingtulad din sila ng tinig ni Leonor. Parang hindi ko na kakayanin ang sobrang lapit ng presensya niya sa akin.

"Oh? What happened? Ayos ka lang ba?" Matagal ko rin hinagad ang pagkakataong ito, ang mayakap muli si Leonor.

"Ipagpatawad mo sana ang ginawa kong ito, may nakikita kasi akong tao sa katauhan mo. Nasasabik lamang ako na makapiling sya." Halos pabulong ko na itong isinambit sa kanya nawawala ang aking tinig sa tuwing ganito ako kalapit kay Leonor.

"Shh, don't worry I will be here for you and of course Azalea, alam ko this is awkward dahil ngayon lang tayo nagkita pero parang matagal na kitang kilala Mr?" Natatawa niyang sabi, kumalas ako mula sa pagkakayakap sa kanya at ipinakilala ang sarili.

Ang mga tawa at ngiti ni Leonor na nagpapaligaya sa akin.

"Ako si Jose. Jose Rizal." Hinagkan ko ang kanyang kamay at hinalikan ito.

"Wow your name sounds like our National Hero and your actions too, so vintage." Mukha namang hindi nagulat si Leon sa paghalik ko sa kanyang kamay, di katulad nila Azalea at Aya na halos bitayin na ako.

Iginala naman ni Leon ang mata at tumingin kay Azalea. "Azalea, what have you done to your boyfriend? He's definitely longing for someone and I think it's you. Huwag nga kayong mag-LQ, I don't want to see my new found friend Jose sad okay? " Mataray na sabi niya kay Azalea. Napangiti ako, ganito rin kung magtaray si Leonor. Teka boyfriend ako ni Azalea? Nobyo?

"Bb. Leon, nagkakamali ka siguro ng akala, hindi ko nobya si Azalea. Mabuti lamang kaming magkaibigan." Nginitian ko siya at parang gusto kong ipakita kay Leonor na siya at siya parin ang tinitibok ng puso ko.

"Talaga? So you're telling the truth kanina Azalea? That means, Jose is single and available?" Hinawakan ako ni Leon sa braso.

"Oo, magkaibigan lang kami ni Jose. You know, no strings attached. S-sige, punta muna akong powder room babalik din ako." Tiningnan ko si Azalea at parang siya'y naluluha at nalulungkot.

Bago pa siya makaalis ay tinawag ko siya. Lumingon naman siya. "Babalik ka ba talaga Azalea? Parang may pinagdadaanan ka."

Tumango ng marahan si Azalea saka nagsimulang maglakad. Sa kaloob-looban ko, gusto ko siyang sundan at yakapin nang maramdaman kong mas humigpit ang hawak ni Leon sa akin.

"I know babalik si Azalea. Well she needs to, may obligatory speech kasi siya and the big bosses are there. If she fails, pupulutin siya sa kangkungan." Mataray man si Leonor pero hindi niya kailanman magagawa ang mangsira ng ibang tao.

Totoo nga na kamukhang-kamukha ni Leon Rivera na nasa harapan ko si Leonor Rivera na minamahal ko ngunit dapat ko parin isaisip na iba si Leon Rivera kay Leonor Rivera. Magkaiba silang tao at kailanman, walang makahihigit kay Leonor Rivera sa puso ko.

---------

Leonor Rivera

And one point goes for me! Akala ko ay susundan at hahabulin pa nitong si Jose ang pabidang si Azalea. Mabuti nalang at hinawakan ko agad siya. I think I'm Jose's weakness.

Malay ko bang mahahalina kaagad tong si Jose sa akin. Well, I'm not shocked after all, sanay na ako na halos lahat ng lalaki ay kinalulugdan ako. I'm very used to it and it's my daily routine.

Napagkamalan pa akong minamahal niya? Like duh. Kaisa-isa lang kaya tong tinataglay kong kagandahan at hindi ako makakapayag na inihahantulad ako sa ibang babae.

Well, mula sa aking pagmamatyag mukhang may gusto itong aking ex-alalay kay Jose. She can't hide her feelings on me, napaka-easy to read talaga ni Azalea pabida. Mabuti na rin at may magagamit akong decoy sa Operation: Pagbagsakin si Azalea Castillano sa Showbizness.

Kung tutuusin panggulo lang si ex-alalay sa industriyang ito, para siyang basura na nagpaparumi at nagbibigay ng polusyon sa mga katulad naming itinadhana na matapat sa spotlight, na DAPAT siya ang humahawak. She can be an effective lights man. The thought makes me want to laugh.

Makakapaghiganti na rin ako sa kanya. Halos inaagaw na niya ang ibang mga projects and show na dapat ay SA AKIN.

Habang nakahawak ako kay Jose ay halos diring-diri na ako. Haler don't talk to strangers touch pa kaya?

I look at Jose at mapapansin ko na nag-aalala siya kay Azalea. Well, I'm doing something subukan natin kung gagana.

I stare at Jose and He stare back at me. I cupped his face then hinalikan ko siya. Tulala lang siyang nakatitig sa akin. Niyakap ko siya uli.

And let's start the show Azalea Castillano, ihanda mo na ang foam sa pagbagsak mo. Masakit kaya yun.

Authors Note:

And the "Assumera ng Taon" award goes to Leon Rivera!

Please don't be confused with Leon and Leon(or) Rivera. Magkaiba silang tao.

~Nobalilong x

Rizal Meets The Present Time (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon