Kabanata 2

12.3K 266 36
                                    

Azalea Castillano

Nabulahaw ako ng makarinig ako ng umaalingawngaw na tunog mula sa maliit na teknolohiya na kayang makipag-ugnayan sa lahat ng nilalang dito sa mundo.

Oo. Cellphone.

Agaran naman akong nabadtrip ng makita ko ang pangalan ng maldita kong amo sa screen.

Magbiro ka na sa lasing hwag lang sa bagong gising.

"Prepare all my things in 30 minutes, we will meet up at the station. Bilisan mo!" Pangbubulyaw niya sa kabilang linya.

Pero bago pa man ako makasagot ay binabaaan na niya ako ng telepono.

Walang nagawa ang gusto kong matulog na pagkatao kundi ang labag sa kalooban na gumising. Napalingon ako sa aking bedside table kung saan naroon ang aking orange na alarmclock.

3:10am.

Agad akong nabalikwas at pumunta sa banyo, ginawa ang aking mga mahiwagang seremonyas sa umaga at inihanda na ang mga gagamitin ni bruhilda.

Nang matapos ako ay tinignan ko ang dalawang malalaki at mabibigat na maleta na nasa aking harapan. Mukhang magiging kargador yata ako ngayon ah.

Dahan-dahan ko itong hinila at pinilit na hwag gumawa ng kung anomang ingay dahil baka magising si Aya at sumama pa sa akin. Boardmates kasi kami ng babaeng yan.

Malapit na ako sa pintuan ng nakita kong nakaharang doon si Aya at may dala pang flashlight.

"Hephep! Saan ka pupunta ha? Makikipagtanan ka na ba? Alam mo bang napakamahal na ng mga bilihin ngayon at malulusyang ka kaagad kung mag-aanak ka ng napakarami! Hay jusko po!" Ipinaypay ni Aya ang kanyang dalawang kamay sa kanyang mukha.

Patuloy ako sa paglakad palabas ng pinto ngunit hinarang naman niya ako na parang naglalaro kami ng patentero.

"OA ka kung makareact ha! Wala nga akong jowa, tanan pa kaya! Tabi na jan at baka hindi na talaga ako sikatan ng araw kay Leon!"

Hindi manlang gumalaw si Aya sa kanyang kinatatayuan at tumingala sa kisame na parang may iniisip.

Yan na nga ba ang sinasabi ko eh.

--------

Kasalukuyan kaming naglalakad ni Aya ngayon patungo sa station building habang buhat-buhat ang mabibigat na bagay na ito. Tig-iisa naman kami ng dala. Nasapo ko nalang ang aking ulo dahil wala talaga akong nagagawa kapag ang babaeng ito na ang kadebate mo, siguradong matatalo ka. Hay.

Mag attorney ka nalang kaya Aya?

Pagkalipas ng 10 minutong paglalakad slash pagtakbo ay natanaw na namin ang napakataas na building na mayroong napakalaking station signage. Mabuti at malapit lang talaga ang station sa boarding house namin ni Aya. Mga isang kilometro mahigit din ang layo.

Nakapasok na kami sa loob habang si Aya naman ay kapit na kapit sa akin. "Sis, ngayon ko lang napansin na nakakatakot pala ang station tuwing madaling-araw. Napakatahimik at parang isang haunted building."

"Alam mo sis, mas natatakot ako sa iyo dahil malapit ng mapunit tong suot kong damit sa higpit ng pagkakahawak mo. Konting loosen up naman." Idinako ko ang aking mga mata sa bawat silid na aming madadaan na walang laman o sinumang tao ang naroon sa loob.

Nakakapangilabot rin ng kaunti dahil ang ibang ilaw sa hallway ay naka-off. Baka magulat nalang kami at may gymnast na whitelady jaan katulad nung nasa mga pelikula.

Patuloy lang kami sa paglalakad nang may makita kaming mga anino na nakasunod sa amin.

"Teka lang, bakit parang napakalayo ata ng staff room rito. Nararating ko lang naman ito ng mabilis." Pati narin ako ay napakapit na kay Aya dahil natamaan narin ako ng kaunting takot.

Rizal Meets The Present Time (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon