Kabanata 38

2.7K 74 15
                                    


Azalea Castillano

"Jose!" Binalot ko agad ang aking mga kamay sa kanyang leeg at niyakap ko siya ng mahigpit.

"Teka lang, hindi na ako makahinga mahal ko." Inayos ni Jose ang aking buhok na tumatakip sa aking mga mata.

"Pagpasensyahan mo sana at hindi ako nakapagpaalam kanina, napakahimbing kasi ng iyong pagtulog, tumutulo pa nga laway mo kanina."

Mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap sa kanya. Ngayon na ang huling araw na magkakasama kami kaya lulubus-lubusin ko na ang mga pagkakataong katulad nito.

"Galit ako saiyo! Hmp! Okay lang sana kung babalik ka pero parang hinde na eh! Mabuti't napaki-usapan ko ang ilang guwardiya don."

Hindi alam ni Jose na narito ako upang samahan siya sa pagbibitay. Ang alam niya lang ay nandito ako para bisitahin siya.

Nagpilit nalang ako ng mga ngiti sa kanya. Hinayaan nila kami ng ilang sandali upang magkasama ni Jose sa isang kwarto.

Nag-usap lang kami kung anoman ang tumungo sa aming mga utak, napuno ng tawanan buong silid.

Hindi iniinda ang maaring dumating sa pagtatapos ng pagsasama naming ito.

Sa gitna ng aming pag-uusap ay biglang lumuhod si Jose sa harap ko at inilahad sa akin ang isang singsing.

Lubos ang aking pagkagulat at hindi ko na napigilan ang namumuong luha sa aking mga mata.

"Noong una kitang nasilayan hindi kita binigyan ng pansin, nakikita lang kita bilang isang kaibigang babae, kaibigan na nagmulat sa akin sa makabagong mundo. Maraming salamat Azalea dahil hindi mo ako kailanman iniwan sa ere, palagi kang nandiyan sa oras ng pangangailangan. Hindi ko man agad napansin ang nararamdaman mo para sa akin at nabulag ako sa iba, ngunit sana'y mapansin mo rin na sa bawat ngiti at tawa mo ay nagsimula ng mahulog ang loob ko para saiyo. Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa aking buhay. Nakakapanghinayang man dahil wala rito ang iyong mga magulang upang saksihan ang pagkakataong ito, alam kong kung ano man ang nanaisin mo ay nanaisin din nila, kung ano man ang ika-sisiya mo ay ika-sisiya din nila. Kaya ako si Jose Protacio Mercado Y Alonso Realonda Rizal, hinihingi ang iyong kamay Azalea Castillano upang maging asawa ko at mamahalin ko ng panghabang-buhay. Tinatanggap mo ba ako? O will you marry me?"

Tuloy-tuloy ang pagtulo ng aking mga luha dahil na rin sa mga nagaganap ngayon.

Hindi ko inaasahan ito.

Tinitigan ko lang si Jose at ninanamnam ang bawat sandali.

"Hindi mo ba ako sasagutin? Ano ba yan, ilang gabi ko ring pinag-isipan ang bawat katagang iyon. Tapos titigan mo lang ako ng ganyan? Pinagmumukha mo yata akong tanga rito eh. Sige, tatayo nalang ako. Hay."

Akma ng tatayo si Jose nang pigilan ko siya.

"Ano ka ba! Alam mo rin ba ang katagang 'savour the moment' muna? Speechless pa nga ako eh. Masyado kang excited, pero Jose,  siyempre."

Hindi ko na mapigilan pa ang mapangiti habang patuloy ang pagtulo ng luha ng aking kagalakan.

"Anong siyempre?" Tugon ni Jose.

"Oo! Oo na! Yes! I will marry you!" Nagliwanag ang buong mukha ni Jose at agad na isinuot sa akin ang kumukinang na singsing. Tinitigan ko ito ng may pagtataka. Nabasa naman agad ni Jose ang nasa-isip ko.

"Iyang singsing? Bigay ito sa akin ni inay, ang sabi niya ipagkaloob ko ito sa babaeng mamahalin ko ng pang-habang buhay. Akala ko nga hindi ko ito maibibigay sa magiging asawa ko dahil puro libro at pag-aaral lang ang pang-araw-araw kong buhay. Pero, nabago ang lahat ng ito. Salamat Azalea at dumating ka at nagbigay saya sa akin."

Rizal Meets The Present Time (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon