Kabanata 35

2.8K 88 11
                                    


Azalea Castillano

Umalis muna si Rain at bumili ng sandamakmak na token grabe naman no kung hindi parin niya makuha si pororo!

Nasa machine na ang sira non at pupunta na akong DTI kung nagkataon!

Halos 5 minuto na akong naghihintay rito pero wala paring Rain Delgado ang dumadating. 

Baka naman nakilala siya ng mga tao at pinagkaguluhan si Rain!

Or kinuha na siya ng mga aliens? 

Mahaba siguro ang pila at baka rin nilalandi din siya ng kahera kaya medyo natagalan si Rain.

Nakaupo ako ngayon sa isang bench sa gitna ng mall. Nakatanaw ako sa mga taong dumadaan nang bigla akong marinig na pamilyar na boses.

"Aalis na ako hanggang sa muli nating pagkikita Azalea. Mag-iingat kang parati."

Napakaraming boses ang maririnig at iba't ibang ingay ang nilalaman ng lugar na ito, ngunit alam na alam ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon.

Si Jose. Boses ni Jose!

Nilibot ko ang aking paningin sa buong lugar tungo sa kayang abutin ng aking paningin. Tumayo ako at maiging tinignan ang buong mall nang may nakita akong kahawig niya at nilapitan ko ito.

Tumakbo ako at nilapitan ko siya.

"Jose!"

Walang pagdadalawang isip na hinawakan ko ang kanyang balikat. Nagkaroon ng ngiti ang aking mga labi, alam ko na hindi pa siya patay. Nararamdaman ko parin ang koneksyon, ang tumitibok niyang puso.

Hinihintay ko na lamang ang pagtama ng aming paningin ng lalaking ito.

Ngunit ng lumingon siya sa akin, napalitan ang aking ngiti ng kalungkutan. Isang di pamilyar na lalake ang nakaharap sa akin ngayon. Kitang-kita mo sa mukha ng lalaki ang pagtatanong. 

"Sorry po sir akala ko kayo yung kaibigan ko. Sorry po."

Hindi manlang ako sinagot ng lalaki at agad siyang naglakad palayo sa akin.

Nakatayo ako sa gitna ng Mall may napakaraming tao, may nagtatawanan, kumakain, may magkasintahan, pamilya, barkada, at iba pa. Doon ko lang napag-isip-isip na paano mapupunta rito si Jose?

Habang ako'y nagmumuni-muni, naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. Teka si Rain!

"Sorry Rain! Oo, ganon nga. Babalik na ako jan. Okay hintayin mo ako. Bye."

Kinalimutan ko muna si Jose, nawawala lang siguro ako sa konsentrasyon at kung ano-ano na ang mga naririnig ko. 

Nagsimula na akong maglakad pabalik sa arcade ng biglang may humablot sa akin at dinala ako sa di mataong lugar.


--------------------------------------------


Jose Rizal

Mabilis ang takbo ng oras at mabilis din kumilos ang mga kaaway kaya kailangan ko siyang ilayo agad sa lugar na ito dahil kung hindi ay maaring manganib ang kanyang buhay.

Hindi ko kakayanin na may mangayari sa babaeng minamahal ko.

Sa ika-30 ng Disyembre ay nagulat na lamang ako ng makarating rito ang mga tao na nasa mundo ko. Mga kastila na naghahangad ng kapangyarihan at digmaan.

Ang pinagtataka ko lang ay kung paano sila nakapunta rito?

Maaring nahanap nila si Mang Tasyo at natonton ang kinaroroonan ko. Sana nama'y ligtas siya at nasa mabuting kalagayan.

Alam ko na sa araw na iyon wawakasan ang aking buhay, sa araw din na iyon ang aking nakatakdang kamatayan.

Mabuti nalang at ako'y nagsaliksik at nabasa ko ang kasaysayan ng aking buhay na inilithana sa iba't ibang mga libro.

Kung kaya mas maaga kong naagapan ang maaring mangyari.

Pumunta ako sa Calamba, Laguna na ang aking tahanan at doon muna ako nagtago. Dahil alam ko na kung nasaan ako ay naroon rin ang mga kalaban na tumutugis sa akin.

Doon nabuo ang desisyon kong lumayo kay Azalea nang manatili ang kaligtasan at kapayapaan sa buhay niya. Pero palagi ko parin siyang binabantayan ng hindi niya nalalaman, parati lang akong nakatanaw sa malayo at ninanais na mahagkan siya.

Nagseselos na nga ako tuwing magkasama sila ng Rain na iyon.

Gumagawa na nga siya ng iba't-ibang mga hakbangin upang mahulog ng tuluyan ang loob ni Azalea sa kanya.

Kaya todo bantay ako.

Habang minaman-manan ko si Azalea at Rain kanina, nakita ko na sinusundan pala sila ng mga kastila. Nagbabalat kayo ang bawat isa sa kanila at hindi mo malalaman kung silay kaaway.

Nahanap nila si Azalea at hindi maari ito, hindi ako makakapayag na may masamang mangyari sa kanya.

Si Azalea ang pinakamahalagang babae na nagpapasaya sa akin ngayon at siya rin ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko.

Siya ang nag-iisang tao na nagpapalakas at nagpapahina sa akin.

"Teka--Ano ba--Sino ka ba! Kidnaper ka tulong!!!!"

Napangiti nalang ako sa inaasal ngayon ni Azalea hindi naman masyadong mahigpit ang pagkakapit ko sa kanya.

"Hanggang ngayon maingay ka parin Azalea."

Sabay ngiti ko sa kanya. Napalingon siya sa akin at doon ko na nakita ang babaeng mamahalin ko habang buhay.

~Nobalilong x

Rizal Meets The Present Time (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon