Kabanata 6

5.8K 144 10
                                    

Del Ceniza

"Direeeeeeeeeeek! Direeeeeeeek!" Bumalik ako sa totoong mundo mula sa malalim na pag-iisip nang biglang dumating ang super energetic na tumatakbo at papalapit na sa akin na isa sa aking mga Head Staff na si Ethyl. Oh diba, okay na bayun na maging grand entrance line ng isang gwapong batikang direktor na katulad ko?

"Direeeek!" Inilagay ko sa kanyang bibig ang aking kamay at pilit pinapatahimik ang mala rifle na bunganga ni Ethyl.
"Ano bayun? Napakaingay mo! Alalahanin mo nasa set tayo at kailangan ng katahimikan rito! Kaya shh ka muna. Okay?"

Napakamot sa batok si Ethyl at naluluhang tumingin sa akin.
"Kasi po direk may bad news tayo! Tinawagan po ako kanina ng manager ni Ms. Maryel Case na isa sa bida ng pelikula na hindi na po sya makakasama sa movie dahil napilayan sya at pinapayuhan siya ng doktor na magkaroon ng one month ng pahinga mula sa injury bago ang full recovery nya at tsaka- bakit po direk?"

Hindi ko mapigilang hindi mapanganga kung gaano kabilis at kalinis magsalita ni Ethyl, at with hand gestures at facial expression pa. Aba matende.

"Grabe Ethyl, hindi ka talaga nabulol ano? Kasama ka ba sa mga nagfi-fliptop jan sa tapat tuwing gabi?" Binigyan ko siya ng naguguluhang tingin.

"Ako po kasi si Gloc-8 ang minus one version ni Gloc-9! Nagets niyo direk? Nine minus one is equals to 8? Diba kaya naging Gloc-8?! Gets niyo? Joke yun ah! Kaya tawa na! Hahaha!" At doon bumulahaw sa buong set ang tawa ng kababalaghan mula kay Ethyl.

Napitigil ng paghalakhak si Ethyl ng lagyan ko ng packaging tape ang bibig niya. Yeah solitude. Salamat naman.
Napasabunot nalang ako ng buhok kainis! Malapit na nga akong mapanot dadagdag pa ang problemang ito! Malapit na maubos buhok ko!

"Hindi pwedeng madelay ang showing nito! Yun na ba talaga sinabi ni Jade?" Si Jade ang manager ni Maryel.

"Hmmp hmmp!" Sumagot si Ethyl habang may nakasalampak pa na tape sa kanyang bibig. Magaling talaga ang babaeng ito pagdating sa multi-tasking, kaya siya ang naging Head Staff eh.

Napa-face palm nalang ako. Ang pagiging isang direktor ay isang napaka-crucial na trabaho dahil nasa mga kamay mo ang magiging flow ng mga artista, staff's, production at minsan ang pagbili ng breakfast hanggang dinner! Nakaka-awa po ako! Hello!

Pero kailangan ko na agad gumawa ng paraan! As in ngayon na! Hindi mabubulilyaso ang aking work of art ng dahil lang mawawalan ako ng isa sa aking mga main casts!

Nakakaiyak talaga dahil main cast pa.

Isa rin sa pinakamahirap na gampanin ng direktor ay ang pagpili ng artistang aayon sa role na ipo-portray niya. Dapat deserving at nararapat sa kanya ang magiging karakter niya. Maswerte siguro ako dahil nagtataglay ako ng pambihirang kakayahan pagdating sa sining ng pag-arte at pagdi-direktor. May personal instincts ako sa pagpili ng mga artista na gagaganap sa mga characters ko.

"Okay Ms. Ethyl kindly send a message of "get well soon" to Ms. Maryel with a bouquet flowers. Thank you and you may go."

"Hmmp hmmp!" Nag-salute pa sa akin si Ethyl bago umalis. Kakaiba talaga ang babaeng yun, naka-graduate yon ng cumlaude sa University of the Philippines pero napaka-vague ng personality niya.

Napasalampak nalang ako sa mesa at yumuko ng may naramdaman akong pigura sa aking harapan.

"Problema mo Del?"

Napatingala ako ng marinig ang boses na iyon at agad akong nabuhayan ng loob.
Agad akong tumayo at yumakap sa kanya. "Malaki ang problema ko bestfriend. Napakalaki! Parang-awa mo na tulungan mo ako! Oh mahabaging langit!"

"Tssss." Pilit na inilalayo ng aking bestfriend ang aking mukha palayo sa kanya. Napaka manly kaya nito at ang pinaka-ayaw niya ang mapagkamalan akong boyfriend niya. Yes Boyfriend. Parating napapagkamalang babae si Patrick, mukhang babae kasi siya at hindi gaanong built ang katawan kaya ganon. Were practically childhood friends, magaling din yan when it comes to movies at kung hindi niyo naitatanong, si Patrick ang producer ng pelikulang nililikha ko este namin. Diba madatong? Yan ang bestfriend ko! At sa kanya rin nakasalalay ang sweldo ko!

"Ugh your face! Keep it away from me! And I heard na-injured raw si Maryel? How about the movie? It is cancelled now?"

"Cancelled ka jan, walang cancellation na magaganap dahil hahanap ako ng 11th hour artist na gaganap sa role ni Maryel! Itaga mo yan sa poknat ko esprin!" Dinuro-duro ko pa si Patrick para maramdaman niya na seryoso ako. Rawr.

"I think I can nominate a deserving aspirant with the vacant position of Ms. Maryel."

"Hala, sino? Nag ultimate brainstorming na ako sa industriya at si Ms. Maryel lang ata ang tanging alam ko na magma-match sa role ni Segunda Katigbak." Tinignan ko ng maigi si Patrick para sa susunod niyang sasabihin.

"Um, I don't know her physically  but I think she's one of your staff."

Naguluhan ako sa mga kataga ni Patrick. "Physically? Bakit wala ba syang katawan? Tinatakot mo na naman ako eh!"

"No! It's not what you think! I mean I've only heard her voice doing some acting you know. But I didn't have the chance to glance or actually meet her physically."

"Narinig mo lang sya! Baka naman mukhang butanding din yan ha. Alam mo naman, kailangan natin ng complete package pagdating sa characters natin." Hindi sa against ako sa mga well hindi pinagkalooban ng magandang mukha pero nasa Pilipinas tayo at kabisado na natin ang matatalim na kritisismo at panghuhusga ng mga tao.

"You don't believe my exceptional abilities Del? I'm a star maker remember? And even if she's not the prettiest, then, I think this is the reason why make-up and other beauty products were made for diba?"
Tama nga naman si Patrick, ilang wax at peel lang siguro kikinang na sya sa big screen.

"Okay bestfriend. It's a deal! Let's find that girl! Tara!" Nagsimula na akong maglakad at napatigil kaagad ako. "Teka, saan ba natin makikita ang the chosen aspirant mo? Saan esprin?" I hug him in the waist. Mabango pala si Patrick.

"Tsss remove your hands on my waist! Let's just proceed with a plan on how to find that girl. Hey! Get off on me! You imbecile!" Inalis ko na ang pagkakayakap kay Patrick at agad na tinawagan si Ethyl.

"Thank you bestfriend!"

Bago ako umalis ay hinalikan ko si Patrick sa pisngi. At doon na siya nag super saiyan four.

"You Del Francis Ceniza! There's always a time for payback! Ugh! Ew!" Nakikita ko pa sa malayo ang diring-diri at halos maburang mukha ni Patrick na busy sa pagpupunas sa kanyang pisngi na hinalikan ko. Sorry bestfriend!

At ngayon, back to reality. Time to find the next protègè.

~Nobalilong x

Rizal Meets The Present Time (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon