Kabanata 15

4.4K 125 66
                                    

3rd Person

Pinakawalan na ng mga tauhan ni Carlos ng sabay-sabay ang mga palaso.

Lahat ay nakatutok lamang kay Rizal.

Tinitigang mabuti ni Carlos ang kanyang mahigpit na kaaway na kaawa-awang nakapikit at naghihintay ng kanyang sasapiting kamatayan.

Abot tenga na ang ngiti ni Carlos ng biglang may humarang na itim na ibon sa kanyang mga mata na nagpalabo sandali ng kanyang paningin.

Kinuha niya ang kanyang punyal at sinaksak ang ibon, agad din naman itong humandusay sa lupa at namatay.

Binalik niya ang kanyang paningin kay Rizal dahil alam niya na sa mga oras na iyon ay magkahalintulad na sila ng sinapit ng ibon. Wala ng buhay at siguroy naliligo na sa sarili nitong dugo.

Nagulantang siya ng makita na nakatusok ang lahat ng mga palaso sa isang malaking puno na nasa likod ng nawawalang si Jose Rizal.

"Nasaan si Jose Rizal?! Bakit bigla siyang naglaho? Sinong may kagagawan ng kawalang-hiyaan na ito?!" Sinigawan at naglabas ng baril si Carlos, itinutok niya ito sa kanyang mga alagad.

Agad din naman nilang itinanggi ang paratang, lumuhod sila at nagmakaawa para sa kanilang mga buhay.

(Authors Note: Sa panahon pong ito, tanging mga nasa mataas na posisyon sa lipunan ang may karapatan na mag-angkin at gumamit ng baril kung kayat mga palaso lamang ang gamit ng mga tauhan ni Carlos)

Lumapit si Carlos sa malaking puno ng balete at hinugot ang isa sa mga palaso sa puno.

"Hindi ka makakatakas ng panghabang-buhay Jose Rizal. Mahahanap rin kita."

---------

Jose Rizal

"AHHH! SINO KA?!" Sigaw ng sigaw ang isang babae na hindi nagpapakita ng tunay na delikadesa ng bawat babaeng Pilipina.

"Paumanhin ako si-" Naputol ang aking pagpapakilala ng sumigaw na naman ang babae. 

"AHHCK! NAGSASALITA KA?!"
Hinarang niya ang kanyang mga kamay sa kanyang katawan.

"Paumanhin binibini ngunit nais ko lang sanang magtanong saiyo. Ako nga pala si-" Pinutol na naman niya ang aking pagpapakilala at may dinukot siya sa kanyang dalang bag. Mukha itong spray.

"MULTO KA ANO?! SAGUTIN MO AKO?!" Itinutok niya sa akin ang spray at bakas na bakas sa kanyang mukha ang labis na pagkatakot.

Tanda man ito ng hindi pagiging isang maginoo ngunit tinalikuran ko ang babaeng yon dahil mukhang wala akong mapapala sa kanya. Kailangan ko ng makapunta agad sa bayan kung nasaan ang aking mga kapatid at baka sila ay saktan ni Carlos.

"Pssssst."

"Psssst. Psssst. Hoy ikaw mamang maliit."

Baka guni-guni ko lamang ang aking mga naririnig.

"Psssst. Hoy ikaw pandak!"

Lumingon na ako.

"Sinong pandak? Ah ang ibig kong sabihin anong maipaglilingkod ko sa iyo binibini?" Magagamit ko rin pala ang aking nabasa tungkol sa epektibo na pang-akit ng mga babae. Sanay mapatawad mo ako Leonor.

Lumapit ako sa kanya.

"Totoo ka? Tao ka ba?" Kinurot niya ng marahan ang aking pisngi at itinaas niya pa ang ilang hibla ng buhok ko.

"Mukha ba akong kapre o kaya tikbalang binibini? Ang pagmumukhang ito? Marami rin ang umibig at nahumaling sa akin." Gustong kong iluwa ang mga sinabi ko dahil para na akong babaero kung kumilos. Ngunit hanggang sa kaya ko, sasabayan ko muna ang takbo ng isip ng babaeng ito at baka siya ang makatulong sa akin.

"Tikbalang hindi pero papalapit ka na sa pagiging Dwende, ang liit mo kasi." Ibinalik na niya sa kanyang bag ang spray.

Napapansin ko lang na kanina pa niya tinutuligsa ang pisikal na itsura ko, nami-mirsonal na ata ang babaeng ito. Inalis ko muna ang konting inis na namumuo sa aking pag-iisip at nagpakilala sa kanya.

"Ang tinatawag mong Dwende ay si Jose binibini at ikinagagalak kitang makilala." Hinalikan ko ang kanyang palad na gawain ng bawat maginoong Pilipino.

Halos lumuwa ang kanyang mata nang halikan ko ang kanyang palad. Bigla nga siyang namutla at nanlamig.

Natulala at ipinaypay niya ang mga kamay sa kanyang mukha. Biglang din syang ngumiti na parang baliw.

"Hehe huwag mo na akong pansinin. Ano nga ulit pangalan mo Mr?" Biglang nag-iba ang mood niya. Kanina ay gusto na niya akong kainin ng buhay pero nag-iba ito at naging malumanay.

"Ako si Jose. Jose Rizal." Pilit akong ngumiti sa kanya. Nawe-weirdohan na ako sa babaeng ito.

"Pasensya ka na Mr. Jose, hindi na kasi uso yang mga ganyang hokage chuchu moves na yan sa panahon ngayon kaya biglang nawindangs ang aking mga nerves. Sorry ulit." Kinukumpas-kumpas pa niya ang mga kamay habang nagpapaliwanag.

Chuchu? Anong salita iyon? Nasa Pilipinas paba ako?

"Teka, bago ang lahat magpapakilala narin ako. Ako si Azalea, Azalea Castillano. Maitanong ko lang Mr. Jose, anong ginagawa mo rito sa garden? Malapit ng magsimula ang event sa loob." Tumingin siya sa kanyang braso. May wrist watch pala siya doon.

"Anong oras na?" Di ko maiwasang maitanong, malayo na siguro ako ila Carlos at matagal pa bago nila ako makitang muli.

"Base sa nakikita ko sa aking Technomarino watch, the time is 7:05 in the evening. Diba nag-endorse pa ako. Kaya bili na!"

Napaka-delikado maglagi sa kagubatan ng ganitong oras, baka may mga mababangis na hayop sa paligid o kaya sila Carlos. Siguradong galit na galit na siya ngayon.

Ang pinagtataka kong lubos ay kung paano ako biglang napunta sa lugar na ito. Hindi ko kayang maipaliwanag.

"Ano pa nga ang petsa ngayon Mr. Jose?" Ina-adjust niya ang pagkakahigpit ng relo sa kanyong braso.

"Ngayon ay ika-1 ng Oktubre isang libo't walong raan at siyam napo't anim (1896) Ms. Lea." Kung hindi ako nagkakamali ay trenta (30) kahapon kung saan ako namalagi kila Mang Tasyo.

"Ahhh. Salamat. Teka ano nga ulit? English naman! Ang haba kaya non!" Nagkamot siya ng ulo na parang wala talagang naintindihan sa mga sinabi ko.

"Ang petsa ngayon ay October 1, 1896." Inulit ko ito ng malinaw pa sa pinakamalinaw na tubig ng Ilog Pasig.

Tumawa siya ng napakalakas. Magkamag-anak ba sila ni Carlos? Kopyang-kopya niya ang tawa ng taong yon. "Hahahaha nagpapatawa ka ba? Panahon pa ata yan ng kanuno-nunoan ng ninuno ko! Andami kong tawa sayo!"

Tinitigang kong mabuti si Ms. Azalea. Azalea Castillano.

Nasaan nga pala ako?

Kung titigan ko siya ng mabuti, mapapansin mo na ibang-iba ang kanyang dalang kasuotan. Maiksi ito ng konti.

Ang kanya ding pananalita, tagalog nga ngunit may hinahalo siyang ibang salita na hindi ko maintindihan.

May naiisip ako ngayon na makapagpapalinaw ng mga tanong na kanina pa tumatakbo sa aking kaisipan.

"Ms. Azalea, maari mo bang sabihin ang totoong petsa ngayon?" Halos nangangatog na ako at nagpapawis na ang aking mga kamay sa kaba.

"Base sa aking Technomarino watch na fully designed with accurate Date, Time, Temperature and Compass. Today is October 1, 2014. Mr. Jose."

Napatulala ako. Dalawang libo at labing apat?!

Bakit ako nasa ganitong panahon? Paano? At bakit?

~Nobalilong x

Rizal Meets The Present Time (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon