Kabanata 23

3.6K 99 30
                                    

Azalea Castillano

Nasa taping kami ngayon ng new product endorsement ko na pang TV Commercial.

At alam niyo ba kung ano ang product?

Medyo nahihiya ako at gusto kong magtakip ng mukha sa tuwing kini-kembot ko ang aking pwet. Dance action kasi iyon na kailangan sa commercial.

"Nga pala, nasa contract na may one-year supply ka ng Flawless Napkins. Pahingi ako ha." Umupo si Aya sa tabi ko at sumandal sa upuan niya. Parang mas napagod pa siya kesa sa akin eh, ako naman tong nagsasasayaw!

"Okay pack-up na tayo!" Sigaw ng shoklang director namin. Pumalakpak siya at binigyan ako two thumbs up sign.

"Salamat at natapos rin! Bakit ba kasi nahihiya kang kumendeng-kendeng kanina?" Tanong ni Aya sa akin sabay pindot-pindot ng tablet niya. Aba, yumayaman na talaga itong bestfriend ko.

Inirapan ko siya. "Ikaw kaya gumiling-giling sa harap ng camera! Kitang-kita ko pa ang mga inggeterang staffs na tawang-tawa sa pinaggagawa ko!"

"Ano ka ba bes, think on the brighter side! Gumiling-giling ka nga roon pero at least ikaw sikat, sila nganga." Pumorma pa si Aya na sinuksok ang kamay sa bibig sabay sabi ng salitang nganga.

Tumango-tango at naintindihan ang point ni Aya. Napadako ang aking paningin sa yayaming tablet niya. Aha! May naisip ako.

"Peram nga niyang tablet mo bes." Inilahad ko ang aking kamay na parang nanghihingi sa magulang.

"Mamaya na! Nagcha-chat pa kami eh." Inilayo niya ng kunti ang screen ng tablet sa paningin ko na parang tinatago niya ang conversation nila ng boylet niya.

Kailangan kong mag-isip ng pangblack-mail sa kanya. Ngumisi ako ng matagumpay at hinarap si Aya. "Ah okay, sayang naman ang One year supply ko ng napkins, ibibigay ko nalang sa mga teenager sa kalye."

Walang pang isang segundo ay may tablet ang agad na bumungad sa aking mukha. Sabi na nga ba eh.

"Basta tungkol talaga sa pagtitipid first honor ka! Pwede ka ng gawaran ng award bes! Ang gara ng tablet hindi naman makabili ng napkin!" Bulyaw ko kay Aya.

"May kasalan ka rin sa akin no! Hindi ko pa nalilimutan ang pag-iwan niyo sa akin sa library ha!" Bigla tuloy akong naguilty sa sinabi ni Aya. Niyakap ko siya ng mahigpit. "Oo na, sige na, share na tayo ng one year supply ng napkins ko. Ano sayo? With wings or without?"

-------

Nasa akin na ngayon ang tablet ni Aya, lumabas muna siya at may binili na kung ano.

Huminga muna ako ng malalim bago sinimulang pindutin ang kwadradong gadget.

Browser *tap* *typing* www.google.com

Loading...

*google opens* *tap search bar* *typing* *Jose Rizal* Sinuswerte ako* *tap*

Loading...

Gara nga tablet, nganga naman ang internet connection. Pwe.

Si Jose Protacio Rizal Mercado Y Alonzo Realonda ay pangpito sa labing isang magkakapatid, ipinanganak noong ika- 19 ng Hunyo--"

"Huli ka balbon! Ano yan?! Stalker kana pala ni Jose ha! Umamin ka!" Nako naman, nahuli pa ako.

"Eto oh, ang hina ng internet connection bes." Enixet ko na ang link at ibinalik kay Aya ang tablet.

"Nanghiram na nga, mangungutya pa! Pero bakit parang nagba-blush yata ang dakilang Azalea Castillano? May sasabihin ka bang hindi ko pa nalalaman bes?" Tinusok-tusok pa niya ako sa tagiliran at mukhang natutuwa si Aya sa pang-aasar sa akin.

"Ah--wal--a Hoy! Itigil mo yang pagtusok mo sa akin! Ano ako fish ball?!" Busalan ko to si Aya eh.

"And you are unbelievably stammering! If I knew may crush ka na kay Jose."

"Hindi! Ano kaba! Si Rain lang crush ko! Loyal ako sa kanya."

"Sus! Hindi ba pwedeng crush mo rin si Jose? Maging salawahan naman paminsan- minsan! Basag na yang loyalty is the best policy!"

"Honesty is the best policy yon! Bangag!"

"Pero crush mo nga si Jose?" Patuloy parin sa pang-aasar si Aya.

"Hindi."

"Oo."

"Hindi nga."

"Weh?"

"Hindi nga sabi." Pagmamatigas ko

"Pero gwapo si Jose no?"

"Oo naman."

Napatakip kaagad ako ng bibig. Traydor din ito eh! Bahala ka! Hindi kita papakainin buong araw!

"Sa wakas at umamin ka rin! Hindi ka yata makakatakas sa ala-matang agila kong pag-iimbestiga." Ginaya pa ni Aya ang tono ng boses ni Gus Abelgas na parang baliw.

"Matanglawin kaya yon! Buang!" Nasapo ko nalang aking noo out of frustration.

Out of all people si Aya pa ang nakaalam ng deepest secret ko. Well, she has the full rights na malaman ang pagka-crush ko kay Jose because she's my bestfriend  but knowing Aya, her mouth is just like an assault riffle with thousand bullets on it. She's unstoppable!

------

Jose Rizal

Sa tuwing may nilalakad sila Azalea at Aya sa tala-aklatan lang ako namamalagi.

Kamangha-mangha ang lugar na ito. Napakarami ko ng nalamang mga bagong bagay na magagamit ko sa aking mga pag-aaral.

Nalaman ko na rin kung paano ako makababalik sa aking panahon.

Mukhang magpapaalam na ako sa mundong ito.

~Nobalilong x

Rizal Meets The Present Time (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon