SKIES HEART I
Trailer
Nakahiga lang ako sa damuhan.
Nanghihina.
Hindi makagalaw.
At masaklap pa, masakit ang buo kong katawa.
Ramdam na ramdam ko ang pag daloy nang dugo sa kaliwang balikat ko, sobrang sakit. Hindi na lang ako makasigaw dahil.....
...wala na akong lakas.
Mamamatay na ata ako,
Pero bago mangyari yun, dahan dahang minumulat ko muna ang mata ko. Parang ang bigat noon at may nakapatong na weights, sobrang hapdi.
At para pang nagusot ang puso ko sa sunod na nakita.
Madaming tao ang nagtatakbuhan mula sa mga sunog na gusali. Ang mga sasakyan, nagkakabungguan. May mga batang inabanduna nang kanikanilang mga magulang, may namamataan pa akong mga matatandang natatapaktapakan na nang mga nagkakagulong mamamayan.
Pero hindi lang naman ako ang nasa kahabag habag na sitwasyon,
Madaming tao ang nakahandusay.
Duguan.
Walang buhay.
Lahat ng tao gustong makatakas sa isang malaking dilubyo. Dilubyong binabala na sa atin ng mga nagdaang sibilisasyon.
Isang dilubyo lang ang makakagawa nang ganitong pag kakagulo...
Isa lang,.
At nangyayari nayon ngayon.
Ngayon mismo, sa panahon ko, sa oras ko.
Alam nyo kung ano yun?
Ang pagkasira nang mundo.....
BINABASA MO ANG
Skies Heart: The Hunting Past [COMPLETED]
AdventureThe end is here. Right before Sora's eyes And in a heartbeat the light embraces her, giving her doom, giving her fear, giving her a drowning darkness. When she opens her eyes, a new world surrounds her. Nakita na lang nya ang sarili nyang nagpipilit...