Yussen's POV
(TT_______TT) Sa lahat na pinaka kawawa sa lahat ng kahabag habag na nilalang sa mundo, ako na yata ang pinaka nakakapanlumo ang kalagayan. (TT ^ TT). BAKIT BA NILA AKO INIWANAN?? Napaka sasama ng ugali nilang kaibigan, WAHHHHH. Nakaka depress na!!, Hindi ko sila makita!!!!!.
"YUSSEN!" (----_____---) nagda-drama yung tao, istorbo.
"(O_____O), Lovie?? i-ikaw pala?"
"Ang tagal nating hindi nagkita ah, balita ko nga dumaan kayo sa LEN kaninang umaga , pero nagkasalisi yata tayo"
"si-siguro nga... TEKA, Kasama mo ba si ate yummen?"
"Si Mantha ang kasama ko, Pinahabilin muna sya sa akin ni Lila at yummen. Papunta kasi silang Central"
"Sinong Mantha?"
"hindi ba nya na kwento sayo?? Galing syang earth, at somehow,.. na attach na sila sa kanya, inagaw nyo daw si sora na dapat ka team nila"
"(^____^) hehehe, Papunta na ba sila ngayon sa central?"
"Yup, pero... dadaanan daw muna nila si horio, DUMATING na nga pala si miyaya!, nabalitaan mo na?"
"(----_____----) mukang ang batang yun lang ang kasama ko mamaya sa bahay"
"pati si mantha (^___^) , kay lila kasi sya nakikituloy, pero dahil wala nga si lila, kasama mo daw muna sya sa bahay kasama si miyaya" (O_____O) ginawa naman akong instant babysitter ng dalawang iyon! (----_____---) mukang mga mababait na tao PERO mga may madilim ding ugali, (TT___TT) ayokong mag alaga ng bata!
"Hm? nasaan nga pala yung mantha na kasama mo?" napakamot si lovie sa ulo, WAG mong sabihing hinahanap din nya si mantha,
"hinahanap ko sya, (^___^) nagkahiwalay kami" at talagang nakakangiti pa sya?? BABAE talaga, napaka pabaya!!
"nasaan nga pala sina sasha?? akala ko kasama mo?"
"hihihi, hinahanap ko din" ako itong nagsalita pabaya sya, hinahanap ko din pala kasamahan ko, (O____O) TEKA, sila naman ang nagwala esteee!! nangiwan sa akin!!
"gusto mo hanapin natin sila ng sabay? Sigurado ako pakalat kalat lang sina sasha at si mantha, malay mo makita pa natin sila sa iisang lugar"
"HA?? ( O //// O ) H-hindi na, m-may-------"
"tara na, arte pa.." (TT____TT) nahigit na agad ako ni lovie papunta kung saan. Sana po hindi kami makita nina kria, (TT____TT) masama ito.
Sora's POV
TINATAWAG KO NA PO LAHAT NG SANTO!! (TT____TT) tulungan nyo na ako!!!!! Ipakita nyo na sa akin lahat ng bagay wag lang MULTO o nakakatakot na pangitain!!!!. WAHHHHHHH. Ayoko nito!! ayoko ayoko ayoko!!!! Titigan pa lang nakakatkot na ang lalaking ito!! DUUUUHHH!! Sana bumukas ang kisame para makatalon na ako palabas!!
"..ikaw babae.... bakit parang nalunok mo na dila mo??" Wag mo kong kausapin!!! di tayo close!!!!!! (TT ^ TT).
"takot yan kaya ganyan..." isa pang asungot ang Tray Iraes na ito!, GRRR.
"sinong takot?" OWGHAD, hangang hanga talaga ako sa sarili ko, Kahit sasabog na ang PUSO, UTAK, AT KALULUWA KO, chill lang ang outer aspects ko. (TT ^ TT), buti talaga excempted ako sa heartbeat monitor ni tray, kung hindi binging bingi sya ngayon.
"talaga di ka takot?" TRAY!!, awa na! bago pa kita mapatay! tumahimik ka na!
"takot ka nga..." isa pang parang hunghang ang lalaking may palakol sa ulo.
BINABASA MO ANG
Skies Heart: The Hunting Past [COMPLETED]
AdventureThe end is here. Right before Sora's eyes And in a heartbeat the light embraces her, giving her doom, giving her fear, giving her a drowning darkness. When she opens her eyes, a new world surrounds her. Nakita na lang nya ang sarili nyang nagpipilit...