Chapter XXIV: Unexplained

837 22 0
                                    

11:00 PM

MOONLIGHT VALLEY

Madilim na at tahimik ang buong moonlight valley at tanging liwanag na lang ng buwan ang nagtatanglaw sa madilim na paligid.

Parang nagmistulang ghost town 

At wala ni isang tao ang buhay.

Sa isang tindahan doon ay may bukas na bintana at pumapasok doon ang malumanay na liwanag ng buwan.

Sasha’s POV

“ako lang ba?? O the moon is not in it’s usual size today?” komento ni yussen habang nakasilip sa may bintana, nandoon din si tray at pinagpapagitnaan nila si sora,

“ganyan talaga ang size ng moon dito sa moonlight valley” sagot ko sa kanya habang inaayos ang buhok ko, naghahanda na akong matulog dahil pagod na pagod ako sa kakulitan ng mga ito kanina pagkatapos kumain,

Hayyyy, napakahirap maging pinaka mature kaysa sa mga kasama mo,

Tapos aabangan pa daw nila ang “midnight nightmare”

I don’t have time for those things.

“kaya pala sabi ni tanda malalaman natin kung bakit moonlight valley ang pangalan nitong lugar” sora

“The moon is beautiful…. Yet scary” yussen

“lahat na lang kinatakutan mo..” tray

“Hindi mo kasi ako kasing yabang!” yussen

“sabihin mo takot ka talaga”

“GRRR!!! Tray!!”

Napapabuntong hininga na lamang ako sa dalawang ito.

Kahit may plano ata akong matulog hindi iyon magiging possible.

“hoy, mahiya nga kayo ang ingay ingay nyo” sora

“yan kasing si tray! Bawat sulok ata ng katawan kayabangan!”

“kaysa sayo, lahat ng sulok ng katawan walang laman!!”

“ulitin mo nga ang sinabi mo!!!”

“bingi pa”

Grrrr, mabibingi ako sa dalawang ito…

“TAMA NA NGA YAN!!!!”  at halos mag echo ang sinabi ko sa buong moonlight valley,

Nagkaroon ng mga pagtatanong at bulungan sa buong lugar.

At may mga batang nag simula ng umiyak.\

o well, o well.

Tray’s POV

@____@

@____@

sumosobra na ang athena’s power nitong si sasha!!

“hoi sasha! Mahiya ka nga sa mga tulog na” yussen

“kayo kasing dalawa” at kumalma unti unti ang kaninang umusbong na ingay,

Mukang takot talaga ang mga tao dito sa midnight nightmare, kaya imbis na magkagulo at kuyugin ang nag ingay, nanahimik na lang sila.

Skies Heart: The Hunting Past [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon