Narrator's POV
Nakakasilaw ang nakatirik na araw sa gitna ng asul na asul at maaliwalas na kalangitan. Masarap ding pakinggan ang mga ibon na naglalakbay sa gitna ng napakagandang panahon. Sa Sohurou Island, sa lugar kung saan nakatira si Sehire. Tahimik ang lahat... hanggang sa isang mabilis na pares ng paa na parang hanging dumadaan sa mga sanga ng punong nalaglag sa lupa ang parang kisapmatang dumaan, kumakalansing pa ang bilugang itim na bato sa kamay noon. Si Tray, iritang irita na sya sa napakadaming monster trap sa likod nya. "Bakit ba hindi nag au-automatic na umamo sa amin ang mga ito?!!!" Patakbong nakapasok sa parang Barrier si Tray na nakapamulsa pa, napatigil sa likod nya ang mga batallion ng halimaw na humahabol sa kanya kanina. Bagkus, para syang nawala sa ala ala ng lahat at naghiwahiwalay na para bumalik na sa dati nilang mga ginagawa. Napasinghal si Tray at nagpatuloy ng maglakad. Tahimik ang bawat kilos noon, walang ingay ang kahit na anong tapak nya sa lupa hanggang makapasok sya sa sirang mansyon. Dahil kilala na ng lugar ang aura nya, kahit hindi pinipindot ang buton ay nagbago na agad ang paligid. Ang dating sirang bahay ay naging napakagandang istraktura na may nakakakalmang puting pinta, napakagagandang halaman at malamig na hangin. Kung iisipin, parang naglalakad si Tray sa gitna ng tinatagong paraiso.
Sinubukan nyang pakirandaman o pakinggan ang paligid. Pero wala pa ang babaeng gusto na nya agad makita at matanong, si Sora Viesrayon at ang pagpunta nya sa mansyon ng pamilya nya. Pero imbis na iyon ay ang katakawan ni Yussen at Ayisha ang tumambad sa kanya. Sayang saya ang mga iyon habang dinudulutan ng naka airpon na si Sehire ng mga iba't ibang minatamis. May laman pa ang bibig ay nakasigaw agad si Yussen, "TRAY!!!" Napakunot ang noo noon at binato kay Yussen ang itim na pendat na hawak nya. Nanlaki ang mata ni Ayisha habang nahigop sa shake nya, hindi dahil sa malakas na impact at malaking bukol na nasa noo ni Yussen kundi dahil bumalik na parang bola ang pendant na binato ni Tray. Nasambot agad noon iyon. "Hobby mo na ba talagang maging nakakadiri?" Pinatalbog talbog nya pa sa semento ang bola.
"Whoa. A Peculiar pendant you have there..." Manghang komento ni Sehire na nakapako din ang tingin sa pinaglalaruang parang batong itim ni Tray. Sinambot nya iyon at tiningnan gamit ang isang mata. "Ito ba? It's from someone I know, She gave it to me"
"From Ziellhie? I'm surprised they gave you a warm welcome gift kahit nawala ka ng... siyam na taon?" Parang imbis na nagtataka ay nangaasar ang sinabing iyon ni Sehire. "I doubt those dudes gave it to him." Nakakunot ang muka ni Yussen habang hinihimas ang noo nya at ang malaking bukol doon. napapaaray pa sya sa nanunusok na sakit noon.
"Believe me this time. They gave it to me..." Bloods. Screams. Cry. Those were the memories na nag f-flash sa ala ala ni Tray habang nakangiting sinagot ang mga kaibigan. "Tray...d-dont! I'm your mother!!!" Sigaw pa ni Dialo sa memorya nya, duguan na ang muka noon at mamatay na sa pag iyak at pagmamakaawang wag syang patayin. Pero si Tray... He just carry that same cold terrifying stare. "You never were a part of my Family, you did a pretty good job giving intelligence report, but I guess it's time to end it... Too bad. If only hindi mo pinagplanuhang pakialaman ang buhay ko... at ng mga kabigan ko" Nagmakaawa pa din si Dialo, at kahit na sa gitna ng takot na takot na muka, she still manage to crack a sly smile. "You're technique can never beat me! Hindi ako nagaganahan ng slaughter mo!" Napataas ang isang kilay ni Tray at napatingin sa itim na kwintas sa leeg ni Dialo. "Because of that?" Dialo tries to deny it pero.. "Your heartbeat tells me so.."
Poker face na nakatingin sina Yussen kay Tray na nagpapaka hipokrita. "Ang muka at ekspresyon na yan ang nagsasabing HINDI yan binigay sa kanya." napatango tango sina Ayisha at Sehire.
Napakalakas ng sigaw ni Dialo sa ala ala ni Tray, dumanak pa ang mas madaming dugo sa sahig at pinaliguan pa noon ang nalulunod na sa likidong pulang alalay ni dialo na nakahilata din sa sahig. Nasagi din sa isip nya ang pigura ng isang butler, si Juno, na natali at napilit ng ama ni Tray na suportahan si Dialo. Pero dahil loyal naman talaga ang butler na iyon sa kanila at hindi sa babae, ay tinira nya pa sya. "Magiingat kayo Young Master..." Kumaway na lang patalikod si Tray habang hawak hawak na ang kwintas na nag nu-nullify ng technique ng Ziellhie. Not completely nullify it, just weakens it's effect, Juno said so.
BINABASA MO ANG
Skies Heart: The Hunting Past [COMPLETED]
AdventureThe end is here. Right before Sora's eyes And in a heartbeat the light embraces her, giving her doom, giving her fear, giving her a drowning darkness. When she opens her eyes, a new world surrounds her. Nakita na lang nya ang sarili nyang nagpipilit...