Chapter XI: Into The Depths

945 31 2
                                    

Tray's POV

Papatayin ko na sya,

Handa na akong wakasan ang buhay ng babaeng sea serpent pero..

Tsk, nagkulang ako sa oras.

nagkamali ako ng tansya sa mga bagay bagay.

akala ko mabagal syang magtransform.

pero,.. huli na.

Naging isang malaking sea serepent na ang babae,

Ang kaninang green nitong balat.. gray na.

Ang matutulis nitong ngipin, mas matulis na.

Mas nakakabingi na din ang sigaw noon.

At dinig na dinig ko,..

Hawak hawak ako ng malaking halimaw ng karagatan  gamit ang buntot,

Ramdam na ramdam ko ang sugat ko sa kaliwang paa,

Hindi ko alam kung paano ko nakuha iyon pero tumutulo na ang dugo ko mula doon.

"TRAY!!!" rinig kong sigaw nina sasha,

Arghhhh..! ayoko ng ganito, ayokong nag aalala sila sa akin!!! Damn it!

Inatake na ni sasha ang halimaw na nag sasara ng daanan ng hangin ko, pero parang bato na ang balat ng serpent at hindi na iyon matablan ng kidlat ni sasha.

Kitang kita kong kabang kabang nagiintay sina yussen at sora kung ano ang mangyayari sa akin.

"BITAWAN MO SYA!!!" sigaw pa ni sasha at nagbabaan mula sa langit ang ilang kidlat, natamaan noon ang serpent  pero hindi iyon natinag.

Sora's POV

Ngayon lang kami nagkakilala nina sasha, yussen at tray. Pero parang ramdam  na ramdam ko ang lalim ng pagkakaibigan nila.

Mas matagal silang magkakasama.

Pero ramdam ko na parang matagal ko na silang kaibigan, matagal ko na silang kasangga.

"yussen!! Hindi kaya ni sasha ng mag isa iyon!"   sigaw ko sa gitna ng napakaingay na kapaligiran

"kita ko!"

"pumunta ka na doon!!"

"pero paano ka?!"

"ayos lang ako! Ako na ang bahala  kay tanda!" at hinawakan ko ang matandang papatay na sa pag hawak sa gilid ng bangka  "PUNTA!!"

Alam kong ikakamatay namin pag iniwan kami ni yussen dahil iyon ang nag pe prevent na mag taob ang Bangka,

Pero.. alam kong ikakamatay din ni tray pag hindi pa sya nailigtas.

"hindi pwede!! Hindi kita iiwan!!"

"pupunta ka doon o sisipain kita palayo?!"

"sora!! Ayokong agang aga mamamatay ka!"

"OA ka!! Punta ka na doon!!!" at sinipa ko si yussen paalis ng Bangka.

Ramdam na ramdam ko ng mawala si yussen ay naging unstable na ang lagay ng sinasakyan namin.

"miss sora, .. ayos lang na mamatay ako pero ,.....

...ikaw?" rinig kong bulong ng matanda

"ayos lang ako tanda" at ngumiti ako

Umahon si yussen sa tubig

"SORA!!!" malakas nitong sigaw

"tulungan mo na nga si sasha!!!!!" sinigawan ko si yussen na may halong pagtataboy at pag uutos, napatigil ito

Skies Heart: The Hunting Past [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon