Narrator's POV
Muntik ng madapa si Ayisha sa pagtalon sa isang malaking batong tinatawid nila, buti na lang ay nahawakan sya agad ni yussen na nasa likod. "..Whooops, Thanks yussen.." naghahabol ang hiningang napapangiti si Ayisha habang tinitingnan ang nagbabagang lava na dapat ay babagsakan nya.
"...Keep going, baka may makakita sa atin.." tumango si Ayisha at hinugot lahat ng lakas ng loob nya para magpatuloy maglakad ulit. "..Yussen, matagal na tayong naghahanap kina Jeloo, pero parang hindi din nagana ang abilidad na sinasabi mo...I think we're lost.."
"Yah, medyo nahihinaan na din ako ng loob.." at napasinghal si Yussen at nilaro ng kamay nya ang mga dahon sa gilid nya habang natawid naman sila ngayon sa isang makipot na daan. "..Pero hindi dapat tayo mawalan ng pag-asa, not now. Dalawa na ang magiging problema natin, una...hindi natin sila makikita, pangalawa, kung totoo ngang wa epek ngayon ang abilidad kong makatagpo ng interesadong bagay, then... wala na din tayong pag asang makabalik.."
Nanlaki ang mata ni Ayisha pero pinilit ngumiti at tumawa, tawang natatakot at parang malapit ng mabaliw. "...Sana malayo lang talaga sila.." napalunok iyon. "..May dalawang aftermath ang pangalawa nating problema. Papatayin ka na ni Sasha, o pag hindi din nila tayo nakita... mamamatay na tayo dito.."
"Tapos mananalo na si Reed, dahil kahit mamatay tayo ngayon kasama ang hinahanap hanap nyang malakas na source na si Sora. Ma re-reincarnate sya.. tapos dahil alam na nya ang lakas ng Priestess of the Star, bata pa lang si Sora kukuhanin na nya.." nanlaki ang mata ni Yussen sa nasabi at napa "O" pa ang bibig.
"Tapos paparusahan din tulad ng ginawa sa atin.." napatigil na din si Ayisha at parang nagkaroon na face of a distress widow.
"Habang tayo walang magawa dahil hindi pa din tayo ma re-reincarnate.." Nagkatinginan na sina Yussen at Ayisha at nanaig ang katahimikan sa kanila. At saka pagkaraan ng ilang anghel na dumaan ay nagsalita din si Yussen.."...Tapos makukuha na nya ang kapangyarihan ni Sora, and who knows kung anong gagawin nya sa mundo?"
"Aalisin nya ang balanse ng S-type classes, Tapos sisirain nya ang mundo at papatayin lahat ng tao"
"Walang matitira sa atin!!! Magiging extinct na ang mga taga EULA!!!" Medyo napasigaw si Yussen sa huling part kaya mabilis syang umupo agad ang nagtakip ng sariling bunganga. Napaupo na din si Ayisha para taguan ang mga guards doon na baka nakarinig kay Yussen.
"...Mamamatay tayong lahat?" Naluluhang tanong ni Ayisha at nagtakip na din ng bibig. "..Yussen! paganahin mo ang abilidad mo, kailangan nating mahanap si JELOO!!" ungot noon na natulo na si pisngi ang mala-dagat na luha. Hinawakan ni Yussen ang dalawang kamay noon at parang nag inspirational speech pa ng sinabing.."...Wag kang mag alala ayisha, Malalaman natin kung nasaan sila. Dito nakasalalay ang buhay ng lahat ng tao... ng buong mundo.."
Tumango tango si Ayisha at saka sila gumapang na uli palayo para ipagpatuloy ang iniisip na nilang "DEADLY MISSION".
Sa di kalayuan naman ay may isang babaeng nasa likod nila ang sumunod ng makita ang dalawang nag uusap. May violet iyong buhok at narinig ang kakaibang takbo ng isip nila. "..Medyo OA ha.." Napangiti iyon "...Hindi pa din kayo nagbabago.." at iyon sumunod sa kanila.
Sora's POV
Gumapang na kami ni Sasha palayo kay Tray at nag intay ng gagawin nya, Sana naman may matino at matalinong plano si Tray noh? Hindi iyong basta lang sya magsasakripisyo para makatakas kami sa pamamagitan ng pagtayo at pagkaway sa mga bungo at mangaasar sa kanila at pagtakbo na lang basta. SIGURO! at sana, meroong maganda gandang planong---
"Hoy mga panget!!!" ( > m < ) ARAY ko po! muntik na akong mabaon sa kailaliman ng maabong lupang ito sa narinig kong sinigaw ni Tray. Nababaliw na ba ang lalaking iyon? Akala ko pa naman may coolest plan ever na sya, TAPOS ang walang kwentang paghiyaw at pamumula pala ang nasa kokote nya? WHAT THE HELL!? That...is...so.... STUPID!!!
BINABASA MO ANG
Skies Heart: The Hunting Past [COMPLETED]
AvventuraThe end is here. Right before Sora's eyes And in a heartbeat the light embraces her, giving her doom, giving her fear, giving her a drowning darkness. When she opens her eyes, a new world surrounds her. Nakita na lang nya ang sarili nyang nagpipilit...