Sora’s POV
Parang nasa earth lang din naman ako, ang kinaibahan lang, kakaiba ang athmosphere dito na kanina ko pang napapansin. Tapos yung gravitational pull, mas mababa din. Yung amoy ng hangin, ibang iba din. Tapos ang mga tao dito halatang ibang iba ang cultures, kasi may mga taong ang suot labas ang pusod yung iba parang nag co cosplay tapos ang iba balot na balot.
Hula ko mga spring siguro ang klima dito, ayos lang ganun. At infareness. Kahit saang linga ko maganda at malinis ang lugar, alam nyo iyong pinaghalong vintage modern village na city? Hahaha. Di ko din gets pero yun na yun.
Pero anyway enihaw, nandito nga kami ngayon ni yummen .. nag lalakad.
Dinala nya ko sa isang siguro hula ko…palengke? Kakaiba din ang mga tinda doon at hindi na ko magtataka kung may makita akong mata ng kung anong nilalang dito. Herbs, medicines, clothing at kung ano ano pang kakaiba, all sounds, looks and smells WEIRD.
“ano,.. Yummen” Tinantanan ko ng titigan ang mga queer na nakikita ko at lumingon sa babaeng katabi ko.
“hmmmm?” grabe hindi talaga nawawala ang ngiti nito.
“may itatanong akong kaintriintriga”
“ano?”
“bakit naiintindihan ko ang salita nyo? Hindi ba teka,… bakit parang .. ayyyy!! Naguguluhan ako”
“naiintindihan kita “ **smile** “may dalawa lang kasing klase ng lengguahe ang eula, ang dyovio at ang heloi ang heloi ang ginagamit natin almost everytime samantalang ang dyovio ang ginagamit sa mga chants o rituals”
“ibigsabihin hindi na tagalog ang sinasalita ko ngayon? He helo her...—ano nga ulit?” Grabe, tongue twister??
“heloi...he..—loi… HELOI,. At yup! Yun na nga yun”
“bakit para namang hindi naninibago ang dila ko?”
“dahil simulat sapol naman yan talaga ang language natin, nag kaamnesia ang mga napunta sa earth hindi nila alam kung paano magsalita, kaya nung una gestures at whistles ang way nila nag pakikipagusap pero nagdaan ang panahon na imbento ang alphabet” teka. Hindi naman kami ang nagka amnesia ah? I mean. Hindi pa ako SIGURADONG buhay noon. Pero taking every 'supernatural' things around me, baka parte ng what they called 'magic' ang nangyari.
“ganun?” Tipid na tipid ang vocal cords ko ngayon ah.
“ang pagkakadinig ko nga sa pilipinas kung saan ka nanggaling, may alibata pa tapos nadevelop na mula doon”
Wow ang galling ng babaeng ito ah.. bookworm ang peg? Hahaha. Hindi ko nga alam yun. CHOS. Masipag na estudyante ito. (Minsan)
“edi sinasabi mo na parang bumalik lang ang alaala naming ganun?” kahit sigurado akong wala pa kong nasasalitang 'heloi' sa tala ng buhay kong nahinga.
“I know it sounds abnormal pero ganun na nga” Sa wakas pareho na yata kami ni Yummen ng definition ng 'abnormal'.
Pero na cu curious na ako sa kanya teka.
“Yummen ? ikaw ba ay isang nilalang na mahilig magbasa ng ibro?”
Napatawa sya sa sinabi ko. (--__--) Kailan kaya ako nito seseryosohin?
“ha? Paano mo nasabi?”
“e kasi ang dami mong alam e, about eula, alphabet, alibata, and etc.”
“yung sa eula alam ng lahat iyon, pero siguro oo masasabi nating mahilig akong magbasa ng libro,.”
“e, member ka ng council?” usisa ko ulit.
BINABASA MO ANG
Skies Heart: The Hunting Past [COMPLETED]
AdventureThe end is here. Right before Sora's eyes And in a heartbeat the light embraces her, giving her doom, giving her fear, giving her a drowning darkness. When she opens her eyes, a new world surrounds her. Nakita na lang nya ang sarili nyang nagpipilit...