A/N: ( ^ U ^ ) Sora Xinoe >>
Sora's POV
3 hours before
JUNE 17,
5:01 PM
Binuksan ko ang pinto ng bahay at lumakad papunta sa may kusina. Nakita ko agad ang dalawa kong kapatid na sina shenie at sherry, busy na busy ang dalawa sa kung ano man.
"arg! I hate my new school!" sumbong ko agad at nabulabog sila, aba! kanina pa akong naghahanap ng mapapagbuntunan nang kairitahan na nasa ilalim nang dermis ko. Dinig ko may chance daw na maging suicidal state pag kinikimkim.
"Bakit?" takang tanong ni Shenie, ang bunso kong kapatid na nagsusumigaw ang FULL bangs, nagsusulat ito ng kung ano sa may lamesa.
"Hayaan mo na sya shenie" Rinig ko na naman pangongontrabida ni ate sherry. Ang panganay at pinaka paiyakin HAHA papatayin na naman ako nyan pag nalaman na pinagkakalat ko. "...ganyan din ang sabi nya sa school nya noong high school, pero tingnan mo ngayon, miss na miss." oy ate ko hindi naman miss two times. Miss lang. (^ U ^)
Hindi ko na sya pinansin at naglitaniya ako ng bad vibes. "Hay nako! Anak nang tinapa, kung alam nyo lang. simula noong first day ang dami ng maaarte! Bullies! Touchy feely! At ......"
(??? o ???) Ano pa ngang klase ng tao dun?
"Basta lahat na! parang zoo na yun ng mga endangered animals e!" Ang malambot na sofa ang pinagdiskitahan kong sampal sapalin.
"OA ka talaga kahit kelan" seryoso pa din si shenie at sinuklay nang kamay ang hanggang balikat nyang buhok, saka inayos ang full bangs nya.
"pwerket SHE BANGS ka!" nakangiti ko namang tugon at saka sya binato ng unan.
Sinambot nya ang binato ko at ibinalik iyon. "Warever. Para kang bata." At nagpatuloy ito sa pagsusulat. WOW hiyang hiya ako sa maturity level ni bunso.
Iniba ko na ang tanong at baka makisali si ate. Mahirap na. Talo tayo dyan. "Si mama?"
Si ate sherry ang sumagot. Nagluluto iyon. (TT ^ TT) patay... "nasa office pa, overtime daw ulit sya e"
Tumayo ako at ngumata ng nakahayin na fruits na kinakain ni Shenie. Tiningnan agad ako BANGS ng masama. "e si papa?" I said while munching.
"ewan, may ilalakad na papeles ata, hindi ko din alam." naguguluhan din ang nagluluto naming panganay. Nakita ko ang niluluto nya, LECHE kakaiba ang tunog ng pagkakabula noon.
Nanlalaki na ang mata ko pero tumalikod na lang at di na nagsalita. "Pagod na pagod ako!" Binaling ko na lang ang neurons ko sa bawat kirot ng muscles ko, better kesa mapatay ako ni ate sa alangan kong titig sa niluluto nya. Naginat inat si ako at humiga sa may couch doon.
"grabe ang araw na toh! June 17, pinagod mo ko!!" I was like cursing the ceilling sa lahat ng katamlayan ng katawan ko.
Para namang tenga ng tuta na napa alert si Shenie. "June 17?" napasilip ako doon, aba parang nababaliw ang luka. "june..."
"o? anong problema mo?" tanong ni ate sherry sa bunso naming nasasapian ata.
"Baka monthsary nila ng boylet nya." hula ko na din, pero ang totoo, windangengers ako sa asta ni bunso.
"JUNE 17!!!!!" Napataas ang paa ko sa gulat at naitapon din ni ate shenie ang hawak nyang panghalo. Aba ang babaeng ito! Balak yatang pumatay ng dalawa nyang kapatid. Mabilis pa sa alas kwatro na tumayo si shebangs sa kinauupuan at lumabas sa kusina , narinig na lang namin ang pagbukas at sara nang front door.
BINABASA MO ANG
Skies Heart: The Hunting Past [COMPLETED]
AdventureThe end is here. Right before Sora's eyes And in a heartbeat the light embraces her, giving her doom, giving her fear, giving her a drowning darkness. When she opens her eyes, a new world surrounds her. Nakita na lang nya ang sarili nyang nagpipilit...