Chapter LXXV: Remember that shooting star

1.2K 34 12
                                    

A/N: EHEM. Before anything else gusto kong sabihin na hindi pa ito ang last Chapter, may isa pa siguro (^__^). Tapos, hihihihi. Sorry ngayon lang nakapag UD. ( ^ U ^ ). 

Narrator's POV

Napaubo ng dugo si Sasha ng sipain na naman sya palayo ni Reed, tinakbo agad sya ni Zhelone para harangan sa itim na usok na inihabol doon ni Reed, kinidlatan nya iyon at nawala na sa hangin. "Sasha..umalis na kayo dito ni Kria..." Napakunot ang noo ni Sasha at haras na inalis ang kamay ni Zhelone na nakaalalay sa kanya. "Ilang beses ko bang sasabihin sayo na... HINDI lang ikaw ang nagiisang dawit dito!" giit nya at pinaulanan na naman ng kidlat si Reed, bagay na wala man lang doon. Naiinis si Sasha, hindi nya alam kung paano pa tatalunin iyon. Kahit gaano kalakas ang kidlat nya o kahit gaano pa iyon kadami, walang talab kay Reed. She's now thinking she underestimate him... and overestimate her power. Akala nya kahit papaano may laban sya, at hindi nya alam kung bakit parang isang walang kwenta lang syang langaw sa harap noon.

Sasha's POV

Takot? Oo baka nga takot. Natatakot sya kay Reed at sa kung ano anong paraan ang pwede nyag ipapatay sa kanya. Natatakot din sya sa kung anong pwede pa noong gawin... sa kanya at lalo na sa mga kaibigan nya. Ayaw nya sanang maradaman ang walang kwentang pakirandam na iyon pero... mahirap talagang mag focus sa laban pag isang taong sobrang layo ng agwat sa kakayahan mo ang nasa harapan mo. 

Pero ano nga bang maitutulog ng takot? Nandito si Zhelone. at mukang balak gawin ang gusto kong gawin. Pero hindi ko sya hahayaan...

Ilang taon... ilang taon na nga ba ang lumipas mula noong huli kaming magkausap? Mula noong huli kaming nagngitian? Nang tawagan ako ni Zhelone patapos nang magkahiwahiwaay kami.. akala ko babalik na ang lahat sa normal. Naniwala ako na pag nagkahiwa hiwalay kami hindi na mauulit ang ginawa ni Reed... pero bakit ganoon? mas masalimuot ang nangyari... mas malungkot kaysa sa pag ekperimentuhan kami ni Reed. Kalayaan lang naman ang gusto namin, normal na buhay... pero.... bakit kailangan mamatay sina Jeloo, Borie, Viel at Cynthia? Bakit kailangang makulong sa pagsisilbi sa taong kinamumuhian namin sina Blood at Kroushus? at bakit kailangang magkahiwahiwalay kami simula pa lang? Nawala si Zhelone, nakulong si Yussen sa nakaraan, nalubog sa utang na loob si Kria sa pagbuhay sa kanya ni Yoshan, natapakan ang kabataan ni Ayisha na dapat ay ene enjoy nya, at si Sora...nadamay sya....

...gusto lang namin na makaalis sa selda... gusto lang naming maranasan na walang nananakit sa amin. PERO, kung alam ko lang na magkakaganito ang lahat... kung alam ko lang na madami ang masasakripisyo, madami ang masisira, ang masasaktan... DAPAT hindi na lang kami umalis noon. Dapat hindi na lang kami napagod sa kamay ni Reed.

Pero wala na... aanhin pa ang pag sisisi kung nangyari na. Nandito na lahat, nakahain na sa lamesa, at ang kailagang kong gawin ngayon ay galingan ang pag dedesisyon para tuluyan na nga kaming makalaya. Para wala ng madagdag sa listahan ng dahilan para patayin namin si Reed. Para wala ng madamay... wala ng mamatay pa. 

Nagkahiwahiwalay kami... nanlagas kami.... at alam ko na hindi maganda kung patuloy iyong mangyayari. Kailangan kong ilgtas ang natitirang kagandahan sa buhay ko....

Narrator's POV

Tumayo na si Sasha ng ayos at tinitigan si Reed, nagintay yon ng gagawin noon, confident na kahit ano man iyon... walang magagawa sa kanya. Dahan dahang iniangat ni Sasha ang kamay nya, nagtatakang nanlaki ang mata ni Zhelone at pilit binabasa ang balak noon. "RELEASE——-" Pero may kamay agad ang humawak sa nakataas na kamay ni Sasha at inihiga sya sa sahig, isang babaeng may mahabang Violet na buhok. YOSHAN. 

"Not a really good idea kiddo..." nang lingunin pa ni Sasha ay nandoon na din at nakatayo sa harap nila ang babaeng may mahabang dilaw na buhok, ang kakambal ni Yoshan. NOASHY. 

Skies Heart: The Hunting Past [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon