Gray
JENESIS' POV
Habang naglalakad ako sa garden ng campus namin, may naramdaman akong tumama sa likuran ko.
"Jenesis!" Inis kong nilingon yung taong yon.
Pagkalingon ko, nawala ang simangot sa mukha ko. "Andrew!"
Tumatakbo yung loko kaya agad siyang nakarating sakin.
Hingal na hingal siya nang makarating na siya sa tapat ko.
"K-Kanina pa kita hinahanap, punyeta." Huminga siya at pinunasan ang pawis niya.
"Bat mo ba ako hinahanap? Is that important?" Tanong ko bago siya tinaasan ng kilay.
"Caden. Kanina pa kami naghihintay sayo sa parking lot. He kept on yelling and cursing. We can't reach your phone as well. What the hell is wrong with you?!" Sumimangot siya.
"Kumalma ka nga!" Sabi ko sabay tulak sa kanya ng mahina. Umirap naman siya. Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ko bago pinakita sa kanya. "my phone's dead. Not my fault." I shrugged before returning my phone back to my pocket.
"Tell that to your brother. Lagot ka talaga don." He smirked.
Ginapangan ako ng kaba. Habang tumatanda kasi kaming dalawa ni Caden, mas malala na siyang magalit at manermon. Minsan nga, nagmumukha ko siyang tatay o kuya.
"Omygosh, he's going to kill me!" Nininerbyos kong sabi.
Tumawa siya bago kinuha ang bag at libro ko. "Yan kasi, kinalimutan mo ba ang event mamayang gabi?"
Nanlaki ang mga mata ko. "Meron ba?!"
Umirap siya. "Yup, your mother's victory party. Psh."
Napatakip ako ng bibig. "Omg! Oo nga pala!"
Mamayang gabi ang victory party ni Mummi, nakuha niya na kasi ang napili niyang locations para patayuan ng maraming KittyKath. I'm so proud of my Mummi! And ang nakakatuwa rin ay kasali si Caden sa tumulong kay Mummi na makuha ang locations.
Papasok si Caden sa mundo ng business at ako? Wapakels. I don't care about business, okay? I hate numbers!
"Bilisan na nga natin, baka ako pa ang patayin ng kapatid mo." Sabi niya.
Di na ako nagsayang ng oras at kinuha ko ang braso ni Andrew at tumakbo.
Hindi pwedeng pinahihintay ang isang Caden Lacson, sasabog yan!
****
"Ang arte arte mong lintek ka, sorry na kasi." I pouted.
Mygosh, this is the worst part of my life. Ang sinusuyo si Caden. Siya na ang pinakapabebeng lalaki sa buong mundo! God. Kaya ayokong nagtatampo o nagagalit sakin tong lecheng to, ang hirap suyuin. Minsan, inaabot pa ng isang buwan ang tampuhan namin.
Kung ako nga ang tatampo, bumibigay ako agad kapag sinusuyo ako through food, letters or even songs.
"Ako pa tong maarte ngayon? Psh, pasalamat ka nga, di kita iniwan." Umirap siya.
I hugged him again. "Sorry na my baby twin bro."
Nakaupo kami sa sofa dahil hinihintay pa namin sina Mummi and Dada. Nagrready pa kasi sila. Hindi kasi dito sa bahay magaganap ang event, dun sa club house na pinatayo ni Dada, and he even named it after me! So, I basically own it. I have the best Dada in the world!
"Di mo ako madadala diyan and," Lumayo siya sakin konte para makita ang suot ko. "what are you wearing?"
Yumuko ako para makita ang suot ko. A short backless red dress, and silver heels?
BINABASA MO ANG
The Protector
WerewolfWill Jenesis Lacson survive this wolfy chaos? #LacsonSeriesII #WolfSeriesI