Hugs ang kisses
JENESIS' POV
Nandito kami sa kwarto ni Jase, tulog na siya pero dun siya sa ibabang mattress natutulog. Ako nga dapat dun kasi kwarto niya to but he insisted.
9 pm na nung nakauwi kami galing sa grocery kaya ngayon 11 pm na. Tulog na tulog ang mga wolves na nakipaglaban kanina. Si Wade ay nandun sa clinic, medyo masakit pa raw kasi ang chest niya. Si Melissa rin ay nasa clinic, masakit ang likod.
Hindi ko alam kung bat hindi pa ako dinadalaw ng antok. Dahil siguro fresh pa sa utak ko ang mga nangyari kanina.
Blood, dead bodies, broken necks.
I shivered. Pumikit ako ng mariin at niyakap ang unan ni Jase. Ang bango.
Huminga ako ng malalim at sinubukang matulog. Napairap ako dahil ayaw talagang bumigay ng mga mata ko.
Dahan dahan ako lumapit sa edge ng kama para masilip si Jase. Napangiti ako nang makita siyang natutulog ng mahimbing. Yung left arm niya ay basa ilalim ng ulo tas yung isa nakapatong sa chest niya. Medyo nakabukas yung bibig niya. Natawa ako ng mahina.
Ang cute.
"Ang gwapo mo, tas ang ganda ko. Perfect match." I giggled.
Lumapit pa ako konte, muntik pa nga akong mahulog eh.
"Gwapo mo talaga, bango pa."
Naamoy ko na kasi siya, medyo malapit na kasi ako sa mattress niya.
"Alam mo, Jase. Gusto din ata kita eh kaso," I sighed. "pure human ako tas wolf ka. We're not meant to be."
I sighed. Bumalik na ako sa dati kong pwesto at natulog.
****
"Theodoro!! Sabi kong wag kang kukuha ng chichirya sa closet ko diba?!" Sigaw ni Wade kay Theo.
Nandito kami sa likod ng pickup ni Wade. Kakagising lang kasi namin tas ayaw pa naming kumilos kaya tatambay muna kami dito. Si Selena tulog pa. Si Melissa at Theo lang ang kasama ko, maayos na rin ang mga kalagayan nila.
Napairap si Melissa. "Ikaw talaga," sabay batok kay Theo. "alam mo namang magwawala yan kapag kinuha ang mga chichirya niya."
"Ssh ka lang, bruh. Isa lang din naman kinuha ko. Hehe." Nagpeace sign si Theo bago humarap kay Wade na nasa tapat na namin. Nalasimangot at nakacross arms.
"Wag kayong magbugbugan ha." I giggled.
"Hoy, Theodoro! Bakit fourteen nalang ang mga chichirya ko?! Fifteen yon! Fifteen!" Wade
"Baka naman kinain ng closet mo," Humalakhak si Theo. "tsaka, kingina mo! Wag mo nga akong matawag tawag na Theodoro! Theodore ako!"
Humalakhak kami ni Melissa. Bigla ko namang naalala sina Gab, Leo, Rob at Rye. Hay, nakakamiss na sila.
"Pake ko kung anong pangalan mo?!" Sabi ni Wade sabay tapon ng kanyang towel sa mukha ni Theo. "bat ka kumuha sa closet ko?! Sakin yon!"
"Tinutulungan lang kitang ubusin yon, ugok. Sayang naman kung mabulok lahat." Theo
"Suntukan nalang!" Wade
"Tara!" Sabi ni Theo sabay baba sa pickup.
Akala ko magsusuntukan talaga sila. They both shifted kaya natawa si Melissa. Napailing nalang ako.
BINABASA MO ANG
The Protector
Hombres LoboWill Jenesis Lacson survive this wolfy chaos? #LacsonSeriesII #WolfSeriesI