Thirty

8.6K 260 33
                                    

Hi, namiss ko to huhuhu. Sorry kung mabagal na yung updates, sobrang busy kasi ako sa school.

______

Warning: SPG

Honeymoon

JENESIS' POV

I whimpered while crying. Narinig ko ang mga tahol ng mga lobo na paparating samin.

Inangat ko ang ulo ko at nakita ang asawa ko na tumatakbo papunta sakin. Agad niyang pinatong ang kanyang ulo sa leeg ko, ganito magyakapan ang mga lobo.

"Anong nangyari dito? Are you okay?" Kalmado pero nag-aalala niyang tanong.

"I-Inatake raw sila. Okay lang ako pero si...Selena.." Umiyak ako.

Lumayo muna si Jase sakin at lumapit kay Selena na nakahiga sa loob ng sasakyan at walang malay. Si Theo naman ay nakahawak sa kamay niya habang umiiyak.

"She's still alive!" Sabi ni Jase matapos amuyin si Selena. "dalhin niyo na siya sa mansion, bilisan niyo! Maaari siyang mamatay kapag tumagal pa siya rito!"

Dali dali namang nagshift si Theo at dahan dahang sinakay ng ibang lobo sa likuran niya si Selena.

Tumingin ako sa mga warriors. "Sumunod yung iba sa kanila, secure the mansion."

Tumango yung ibang warriors bago tumahol at sinundan si Theo.

Tinignan ko naman si Jase na nakatingin kay Rain na kakalabas lang sa kanyang pickup. Mukhang nag-uusap sila.

Tumango si Rain kay Jase. "Opo, Alpha."

Tumingin naman si Jase sakin. "I told him to clean this mess with the others."

Tumango ako. "Hanapin na natin yung anak natin please, baka kung ano pang gawin ni Leo sa kanya."

"Subukan niya and I will rip him apart." Matigas na sabi ni Jase.

****

Kami ni Jase, Melissa, Wade at dalawang warriors ang naghahanap kina Leo at Pierre.

Medyo nahihirapan kami sa paghahanap dahil luma na yung scent na naamoy namin.

Habang naghahanap kami ay nilingon ko si Jase.

"Anong nangyari dun sa mansion ni Lukas? Marami bang nabawas satin?"

Sana hindi. Masakit sa parte ko kapag nawawalan kami ng kamiyembro. Shempre, ako yung Luna eh.

Humarap siya sakin. "Medyo," Napayuko ako. Fudgecakes, I feel so bad. "but don't worry. Patay na si Lukas."

The ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon