Luna
JENESIS' POV
Pagbukas ng mga mata ko, narealize kong nasa kwarto ako ni Jase.
Hindi ako makagalaw ng todo dahil masakit ang ulo ko. Masakit din ang leeg ko. Parang binugbog.
Ganito ba ang mangyayari kapag icclaim ka?
Dahan dahan kong nilapit ang kamay ko sa leeg ko at nang mahawakan ko na ang kagat ni Jase napasigaw ako sa sakit.
Ang sakit! Sobrang sakit!! Yung tipong isang hawak mo lang, mababasag ka na sa sobrang sakit!
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Jase. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala kaya dali dali siyang lumapit sakin. Umupo siya sa gilid ko at pinatong ang kanyang palad sa noo ko.
Ang lamig ng kamay niya.
"May lagnat ka." He said.
Kumunot ang noo ko. "Bakit? Umulan ba kagabi? Nabasa ako?"
He chuckled. "No, baby. Remember? I claimed you last night, tas human ka. Hindi kinaya ng katawan mo ang sakit kaya magkakalagnat ka. Kung she-wolf ka, hindi ka magkakalagnat. But don't worry, mawawala din to mamaya."
"I won't die right?"
Linapit niya ang mukha niya sakin at dinampi ang kanyang mga labi sa labi ko.
"Of course not, I won't let that happen."
Kumunot ang noo ko. "Bat mo ako hinalikan! Baka mahawa ka!"
He laughed. "Hindi ako mahahawa."
Umirap ako. "So pano yan? Dito lang ako buong araw?"
"Pwede, teka can you stand already? Can you walk?"
Sinubukan kong galawin yung legs ko pero hindi ko kaya. Mabigat.
Umiling ako saka bumuga ng hangin.
"Hindi pa." Ngumuso ako.
He sighed. "I'm sorry."
"Huh? For what?"
"For claiming you. I know this is bad, so bad pero ginawa ko pa rin tas ganito pa, nanghihina ka. Are you regretting last night?"
Agad akong umiling. Ngumiti ako sa kanya. "Baby, kung ayaw ko naman palang magpaangkin in the first place, dapat sinabi ko na diba? I told you to do it and you did. It was my choice too. Hindi ako nagsisisi sa nangyari kagabi."
"I love you." He smiled.
Napangiti ako. Kinikilig ako! Pano ba naman kasi, nagsasabi ng 'i love you' ng biglaan. Shet.
"I love you." Nahihiya kong sabi. Hindi ko alam kung bat ako nahihiya, boyfriend ko naman siya.
Char, boyfriend. Kilig!
****
Kakatapos lang naming kumain ng lunch, medyo malakas lakas na ako dahil nakakatayo at lakad na ako. Sumasakit pa rin ako ulo ko pero di gaanong masakit.
Alam na ng buong Red Moon na inangkin na ako ni Jase, akala ko tutol sila, akala ko magagalit sila, pero hindi. They were happy, so happy.
They even called me their Luna!
"Jasen, Luna na raw ako." Sabi ko kay Jase.
Nasa porch kaming dalawa, inienjoy ang malamig na panahon.
Nasa iisang upuan kami, malaki naman kasi. Nakahiga ako sa dibdib niya at nakaakbay siya sakin.
"Yes you are, when I claimed you, you were already a Luna." He chuckled.
BINABASA MO ANG
The Protector
WerewolfWill Jenesis Lacson survive this wolfy chaos? #LacsonSeriesII #WolfSeriesI