WARNING: May konteng spoilers dito sa kwento ni Caden since nakafastforward na dito ng limang taon. Pasensiya :>
_________
Truth
THIRD PERSON'S POV
Kanina pang umiiyak si Jase habang naghihintay sa labas ng Emergency Room.
Thirty minutes na ang nakalipas simula nung sinugod niya ang kanyang asawa dito sa ER.
Gustong gusto niya nang magwala at pumatay. Gusto niyang patayin at sunugin ang may gawa sa kanyang mag-ina at sa kanyang pack.
Pati ang kapatid niyang si Evan ay nalason rin.
Swerte si Jase dahil hindi siya nalason o baka naman sinadya na hindi siya lasunin?
"Orb, pupuntahan ko muna yung anak ko." Sabi ni Wade kay Jase sabay tapik sa balikat niya.
Pinunasan ni Jase yung luha niya bago tumango. "Sige, orb."
Umalis na si Wade para puntahan ang anak niyang si Wilder na nasa kabilang side ng building.
Umalis sina Red at Flynn para tumulong sa paghahanap sa mga sangkot sa paglason ng mga pagkain.
Kinulong na ni Alpha Richard ang mga caterers dahil kasabwat pala sila rito. Hinahunting pa nila yung manager ng catering service na to.
Pumikit si Jase at sinandal yung ulo niya sa pader.
Nagdasal si Jase.
Hindi siya madasalin at minsan lang nagdadasal. Simula nung nawala ang Mama niya, nabawasan ang pagiging madasalin niya. Iniisip niya na parusa to sa kanya ng Diyos dahil hindi siya nagdadasal.
Dumilat si Jase nang bumukas ang pinto ng ER, bumilis ang tibok ng puso niya nang lumabas si Doc at inalis ang surgical mask niya.
Tumayo na si Jase at lumapit kay Doc.
"Alpha, stable na si Luna. Kinabitan na namin siya ng dextrose at kailangan niyang maubos yun dahil yung dextrose na yun ang mag-aalis sa lason sa katawan niya. Ililipat na rin namin siya sa Suite Room niyo, kasama si Pierre. Nakamind link yung doctor na nagasikaso kay Pierre, ayos na daw yung lagay niya."
Tumango naman si Jase at nakahinga ng maluwag. Lumundag ang puso niya nang marinig niya ang balita ni Doc.
"Thanks a lot, Doc."
"No problem, Alpha. Maiwan na muna kita, aasikasuhin ko pa yung ibang nalason. Pwede mo nang matingnan si Luna kapag nailipat na siya ng mga nurse." Sabi ni Doc bago umalis.
Tumango nalang si Jase at umupo ulit. Pumikit siya at dinikit ang mga kamay niya sa noo niya.
Pinasalamatan niya ang Diyos.
After one week..
JENESIS' POV
"No," Umiling ako. "no, Pierre."
Ngumuso ang anak ko. "But, Mama! I thought you said we can buy a puppy when I'm big already!"
"You're still a baby, Pierre Brysen. Saka na kapag thirteen years old ka na." I giggled.
Tumawa si Jase bago hinawakan ang kamay ko. "Mama is such a killjoy, right baby?"
Umirap si Pierre. "Yes! Very!"
Nandito kami sa Mall, nagbobonding since Sunday naman ngayon. Kakagaling lang din namin sa simbahan, kasama naming nagsimba ang mga White, Kill at Saige. Sumama rin samin sina Rain, Evan, Red at Flynn pero nagsiuwian rin agad matapos ang misa.

BINABASA MO ANG
The Protector
Kurt AdamWill Jenesis Lacson survive this wolfy chaos? #LacsonSeriesII #WolfSeriesI