Fourteen

10.9K 321 128
                                    

Warning: Medyo SPG

MAY 26

Claim

JENESIS POV

"Punyeta talaga tong si Theo! Inimbitahan pa si Dawn." Umirap si Selena.

"Nakakairita na yang babaeng yan, kanina pa nakacling sa braso ni Alpha! Nako, pasalamat siya at nandito si Alpha Richard dahil kung hindi! Nako! Makikita niya!" Gigil na gigil na sabi ni Melissa habang mahawak ang higpit sa tinidor niya.

Dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya ay nabali niya ito.

Nanlaki naman ang mga mata ko.

"H-Hala yung tinidor!"

Selena chuckled. "Wolf strength, Jen. Masanay ka."

"Di bale, sa caterer naman to." Humalakhak si Melissa.

"Baliw, ikaw ang magbabayad sa damages." Umirap si Selena.

"Hay nako, si Alpha nang bahala diyan. Mayaman naman yan, parang tinidor lang." Melissa.

Tumawa ako saka binalik ang atensyon ko kina Jase at Dawn.

Wow, ang sweet. Goals!

Ngayon ang birthday ni Jasen at nagkakaroon ng party dito sa mansion. Dito sa garden nakaset ang event, nagpacater kami tsaka maraming tables and chairs, parang debut lang. 22nd birthday niya na ngayon.

"Kung makaasta yang Dawn na yan, parang siya yung Luna natin eh si Jenesis naman mas bet kong Luna!" Iritadong sabi ni Red habang umuupo sa tabi ni Selena.

"Kaya nga, mas bagay pa si Jenesis at Alpha Jase." Umirap si Selena.

"Pigilan niyo nga ako, mahahampas ko na tong baso sa ulo ni Dawn." Sabi ni Melissa sabay hawak ng mahigpit sa baso.

Agad kong hinawakan ang kamay niya at tumawa. "Melissa, kumalma ka. Masisira mo nanaman yan."

She sighed before giggling. "Naiirita kasi ako kay Dawn. Siya yung umalis alis tas ngayon babalik ng biglaan. Kung kelan masaya na tayo saka manggugulo."

Napatigil ang lahat nang may magsalita.

"Happy birthday to the youngest Alpha in Alaska."

Pagtingin ko, it was Lukas.

Bumilis ang tibok ng puso ko at ginapangan ako ng kaba. Holy tae, baka kunin at patayin ako ng lecheng yan.

"Oh great, first Dawn, now Lukas." Rinig kong bulong ni Melissa.

Nagsitayuan ang lahat at bumati kay Lukas pati sa mga kasama niyang lobo. Marami din silang mga taga ibang packs na inimbitahan, at half of them ay hindi alam na may tension sa pagitan ng Red Moon at Black Venom.

Sabi ni Selena, may ilang nakaamoy ng human scent ko, kaya lagi silang nagbabantay sakin ngayon dahil kung anong gawin sakin.

Nakita kong tinanggal ni Jase ang kamay ni Dawn na nakacling sa kanya at humakbang palapit kay Lukas.

"Who invited you? Hindi ka welcome dito." Matigas na sabi ni Jase.

"All of the Alphas are here, Alpha Jase. Kaya dapat nandito ako." Lukas smirked.

"Alpha Jase, is there something wrong between you and Alpha Lukas?" Kunot noong tanong nung isang Alpha.

Huminga ng malalim si Jase bago ngumiti ng tipid sa Alpha na yon.

The ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon