Warning: Walang kwenta
Growl
JENESIS' POV
Nagmadali akong umalis don sa backstage at bumalik sa canteen. Sumalubong sakin ang mga nakasimangot na mga mukha nina Aya at Sophia.
"Oh, bakit?"
Tinaasan nila ako ng kilay.
"San ka galing?" Aya asked. Eyebrow still raised.
"35 minutes ka ba talagang magccr?" Sophia
I glanced at my watch. "35 minutes na ba talaga ang lumipas?"
"Oo, bhe! Bat ka ba kasi natagalan?" Aya
Umupo na ako sa spot ko kanina at ininuman yung coke in can ni Sophia, di naman siya umangal.
"Ano kasi, ano diba, yung ano." Nahihirapan akong mag-isip ng alibi. Ayokong sabihin yung tungkol kay Jasen. Amp.
"Ano?" Sophia
"Isa mo pang ano, Jenesis, susuntukin kita." Aya warned.
I laughed. Aha! "Diba nakakatakot dun? Yung sa cr sa may gym? Kaya natagalan ako kasi natakot akong pumasok."
Tumawa ng malakas si Aya. "Leche kang babae ka, napakaduwag mo!"
"Pano ka titira ng mag-isa sa Alaska kung duwag ka mashado?" Sophia giggled.
"Heh! Napakaano niyo! Kaya ko namang tumira ng mag-isa noh. Di ako ganon kaduwag." I rolled my eyes.
"Magdala ka nalang kasi ng kasama!" Sophia
"Hanapan na kita ng boylet! Hihihi." Tumili si Aya kaya nabatukan siya ni Sophia.
****
Dismissal na rin sa wakas at heto ako, sa locker ko, nag-iimpake. Ayoko kasing dalhin ang mga natitira kong gamit bukas. Graduation na graduation tas magliligpit ako. Wag ganon, bawas beautybells.
Habang busy ako sa pagliligpit, may perfume scent akong naamoy. Papalapit sakin, tsaka familiar. Liningon ko ang kanan side ko, pero wala namang tao. Liningon ko ang kaliwa side ko at halos mapamura ako nang makita ko si Jase.
What the fudge! Magkatabi lang pala lockers namin?!
Nag-iwas ako ng tingin at nagmadaling magligpit.
Narinig kong sinara niya na ang locker niya pero di pa rin siya umaalis.
"What's the rush, Jen?" Damn that husky voice of yours.
"W-What?" Nilingon ko siya habang nakahawak sa pinto ng locker ko.
"Nagmamadali ka ata?" He smirked.
Tinaasan ko siya ng kilay at kinalma ang sarili ko. "Hindi ah. Mabilis lang talaga ako."
He chuckled. "Nga pala, kayo ng boyfriend mo, napakapda niyo."
Natigil ako sa pagliligpit. Boyfriend? Wow, bat alam niyang may boyfriend ako pero ako, hindi?
"Baliw? Wala akong boyfriend." Natawa ako ng mahina.
"Eh sino yung lagi mong kasama?"
"Marami naman akong laging kasama ah."
"Yung kasama mo sa billiards tsaka sa 7/11." He rolled his eyes.
Nang marealize ko na kung sino yung tinutukoy niya ay agad akong napatawa ng malakas, tumigil lang ako nang samaan niya ako ng tingin at nang makitang nakatingin sakin yung ibang students.

BINABASA MO ANG
The Protector
Hombres LoboWill Jenesis Lacson survive this wolfy chaos? #LacsonSeriesII #WolfSeriesI