Gustong gusto
JENESIS' POV
Sumimangot ako. “Aba, bakit? Bawal na pala ako dito sa 7/11? Sayo ba to, ha?”
“No, it's just that..kung nasan ako nandun ka rin.” He chuckled. Luh.
“Are you saying that I'm following you? Kapal ng fes!” Umirap ako saka naglagay ng slurpee.
“Kilala mo ba siya?” Rinig kong sabi ni Theo. Kilala ko yan, nasa campus rin siya. Theo White.
“Classmate.” Tipid na sabi nung gunggong.
Nang matapos na akong maglagay ng slurpee, tinignan ko sila Jase at umirap. Umalis na ako don at kumuha ng chips. Binigay ko kay Caden ang mga pagkain pati na rin yung pera.
Napansin ni Caden na nakasimangot ako kaya minasahe niya yung noo ko. “What's wrong?”
“Nothing. Oh sige na, ikaw na oh.” Sabi ko sabay turo dun sa cashier.
“Okay. Mauna ka na nga sa kotse, here.” Binigay niya sakin ang car keys at tumango ako.
Naramdaman kong may tumitingin sakin kaya nilingon ko yun, nakita ko ang masamang titig ni Jase. Tinaasan ko siya ng kilay bago lumabas sa 7/11.
Kung makatitig yung gunggong na yon, kala mo naman kung sino. Hmp.
Sumakay na ako sa kotse at pinaandar ang makina. In-on ko ang aircon at tinapat anv mukha ko ron. I need to cool off, literally.
Mayamaya ay dumating na rin si Caden at binigay sakin ang paper bag na nilalaman ng mga pagkain nina Mummi and Dada.
Nagdrive na siya paalis rito. Nang makalayo na kami, sumulyap siya sakin. “Can you tell me now? What's bothering my twin sis?”
“Nothing, Cad. I'm okay, just tired.” I lied. Actually, I'm pissed off. Pesteng Jase na yon, kapal ng fes para sabihin yon. Ano siya, chix?!
“Okay. Ayaw mo bang magdrive thru tayo sa Mcdo?” Ngumiti siya habang nakatingin sa daan.
He's trying to cheer me up, awie, I love my bro so much.
“Sige na nga. BigMc ha? Tsaka large fries tas regular coke.”
“Coke nanaman? Pineapple nalang, ha?”
I sighed bago tumango. “Fine.”
He chuckled. “Coke ka lang ng coke, tingnan mo yang mukha mo. Para ka nang coke.”
Sinamaan ko siya ng tingin. “Pasalamat ka at nagddrive ka kaya di kita masuntok.”
“Thank you.” He teased.
“Jerk.” I rolled my eyes and he laughed.
Nakarating na kami sa Mcdo at nag-order na siya Caden, nag-order rin siya ng para sa kanya.
Biglang tumunog yung cellphone ko kaya agad kong kinuha yon mula sa bag ko.
Andrew calling..
Napangisi ako bago sinagot yung tawag.
“Miss mo ako agad?” Pambubungad ko.
“Mandiri ka.” He chuckled.
“Bastos,” I giggled. “bat ka napatawag?”
“San si Caden me labs?”
Kung nagtataka kayo kung bat siya ganyan eh kasi naman, close na sila ni Caden. Kung noon, iniinsulto ni Caden si Andrew, ngayon pinupuri niya na. Ang rason? Kasi di ako pinatulan ni Andrew. Bwisit na kakambal.
“Nag-oorder sa Mcdo. Bakit?”
“Sa inyo ako matutulog ngayon, ha? Aalis kasi sina Mama at Papa papuntang Davao, gusto kong sumama kaso limang araw sila don at ayokong umabsent next week.”
Napakagood student, parang tatay niya lang.
“Bat samin? May condo ka diba? Dun ka nalang, dagdag ingay ka lang sa bahay.” I joked.
“Para kiligin ka.” Tumawa siya.
“Yucks! Lamunin mo nga yang brip mo, tomguts lang yan.” Umirap ako.
“Shut up. Basta, sa inyo ako matutulog. Tatlong araw lang naman, boring kasi dito sa bahay tas after three days dun na ako sa condo.”
“Bat di ngayon?” I giggled.
“Pake mo?”
“Sungit mo. Pwe. Alam na ba nina Mummi?”
“Yup, kahapon pa.”
“K. Bye, bitch.”
“Bye.” Binaba ko na at saktong nakuha na ni Caden ang order namin.
“Who was that?” Agad niyang tanong habang binibigay sakin ang mga paper bags.
“Boyfriend mo,” Tumawa ako, tinaasan niya naman ako ng kilay. “si Andrew, tanga.”
“Kung makatanga, panget,” Pinitik niya ang noo ko kaya nahampas ko siya. “bat daw?” Tanong niya bago nagdrive ulit.
“Pakiss daw.” Sabi ko habang nagpipigil ng tawa.
“Ihahagis na kita diyan sa gilid ng kalsada.” Pagbabanta niya.
“Wooh, scary,” I rolled my eyes. “dun daw siya satin matutulog. Aalis daw sina Tita Vieve at Tito Tyler papuntang Davao tas five days.”
“Five days ba siya satin?” Excited niyang tanong. Kapag kasi magsama yang dalawang yan, puro kalokohan ang ginagawa. Minsan, ako pa ang pinagttripan.
“Three days lang, wag kang ano.”
“Maglock ka na ng pinto, Jenesis.” He laughed.
Hinampas ko siya ng mahina. “Subukan niyo akong pagtripan at pasasabugin ko ang kwarto niyo!”
****
“CADEN, ANDREW NAPAKAWALANGHIYA NIYO!!!! YUNG POSTER KO PA!!!!!” Malakas kong sigaw ko pagkalabas ko sa banyo. Nagshower kasi ako.
Pagkalabas ko kasi, yung One Direction posters ko ay may mga drawing na. May tattoo si Niall, si Harry may bigote, si Louis may lipstick, si Liam may boobs! Tas si Zayn may makeup! Grr!
Ito pa naman ang pinakamahal nilang poster. Walangya!
Narinig ko ang malalakas nilang tawa mula sa kwarto ni Caden. Yung kwarto ni Andrew ay nasa gilid ng kwarto ni Caden tas yung kwarto ko ay nasa tapat ng kwarto ni Caden. Oo, may sariling kwarto yung pisteng Andrew na yon. Meron din naman kami ni Caden sa bahay nila.
Nilock ko naman yung pinto ah!
Nilapitan ko ang pinto ko at may susing nakita sa doorknob. Umusok ang ilong ko sa inis. Lumapit ako sa pinto ni Caden at kumatok ng napakalakas.
“WALANGYA KAYONG DALAWA!! MAGHIHIGANTI AKO, MGA PANGET!!” Sigaw ko at pumasok muli sa kwarto ko. Binagsak ko yung pinto at nilock ulit.
Tinago ko na yung susi ng kwarto ko sa chest ko na hinding hindi mabubuksan nina Caden at Andrew. Code kasi yung lock. Ha.
“Caden at Andrew, ano nanamang ginawa niyo kay Jen?” Rinig ko ang boses ni Dada mula sa labas. Dinikit ko ang tenga ko sa pinto para marinig ko ang panenermon ni Dada kina Caden.
“Wala kaming ginawa, Pa. Nabigla nga kami nang sumugod si Jenesis dito. Nagxxbox lang kami ni Drew.” Caden
“Oo nga, Tito. Si Jen nalang yung pagalitan mo. Hihi.” Andrew
“Whatever. Wag na nga kayong mag-ingay. 10 PM na, natutulog na kami ni Jill. Mga storbo, palayasin ko kayo eh.” Dinig ko ang footsteps ni Dada pabalik sa kwarto nina Mummi.
Tawang tawa naman ako.
“Dinig mo ba yon, Jen! Wag ka raw mag-ingay, storbo ka raw, pero sige lang para palayasin ka ni Papa.” Tumawa ng malakas si Andrew at Caden.
“LECHE!!” Inis kong sigaw bago binagsak ang sarili ko sa kama at pinilit ang sarili kong matulog.
****
Two days after..
“Sipain mo nalang sa itlog yung lecheng yon.” Aya
“Wag naman, baka mapano.” Tumawa si Sophia.
“Balita namin nakarera ni Caden si Issa, totoo?” Tanong ni Aya na nakakunot ang noo.
Nagkatinginan kami ni Sophia at ngumisi kay Aya.
“Bakit, bhe? Selos ka?” I teased.
“Mukhang naiinis ka eh, selos ka noh?” Sophia.
Tumawa kami ng malakas nang murahin niya kami. Binatukan pa.
Lunch na ngayon at patapos na kaming kumain. Nagmadali kasi kami para may time pa kaming magrelax.
Wala na kaming regular class schedule, nagrready nalang kami for graduation. Bukas na kasi at sobra kaming na-eexcite. Finally, magiging free na kami.
“After graduation, san kayo?” Sophia
“Pupunta kaming Brazil nina Mommy at Daddy eh, family vacay.” Sabi ni Aya bago uminom sa juice niya.
Brazil, naalala ko naman si Tita Ana. Namimiss ko na siya, two years ago pa kasi yung last bakasyon niya dito, tsaka yung mga nagttrabaho sa SnowBlake ay namimiss na rin siya.
“Teka, akala ko bang pupunta tayong Canada?” Sumimangot ako.
“Pag-uwi ko nalang!” Aya
“Eh? Pupunta akong Hongkong, nagpromise kasi sina Mom and Dad na papayagan nila akong pumunta ng HongKong na mag-isa kapag grumaduate na ako.” Sophia sighed.
“Ilang days ka ba sa Brazil, Aya?” I asked
“Months, I guess. Tsaka di lang naman sa Brazil, baka pupunta rin kami sa Singapore.” She shrugged.
I turned to Sophia. “Ikaw?”
“Months rin. Dream ko kasing pumunta sa Hongkong eh.” Sophia
“Pwede pa sana tayong pumunta ng Canada eh pero kapag aabutin kayo ng months, di na ako pwede.” I pouted.
“Bakit naman?” Aya
“Aalis ka ba?” Sophia
“Oo.” I sighed.
“Saan?” Sophia
“Sa Alaska.” I grinned.
“Ikaw lang? O sasama sina Caden?” Aya asked kaya napangisi ako. Tumawa naman si Sophia.
“Ako lang, dito lang muna raw si Caden, papasok na siya sa company eh.”
“Naks naman, ibang iba na talaga to si Caden! Shet, di ko na mareach.” Sophia
“Gusto niyang sumama pero marami pa siyang gagawin.” Nalungkot ako. I'm planning to stay at Alaska permanently. Nakakalungkot kasi mawawalay ako kina Mummi at Dada tsaka Caden. Kina Aya at Sophia rin, pati na rin si Andrew.
“Si Andrew? Sasama?” Aya
“Nope. Magbbusiness din yon, ittake over niya na ata yung position ni Tito Tyler.”
Napawow naman si Aya at Sophia. “Ang tuhray! Magbusiness ka nalang din!” Sophia
“Nako, baka kapag magbbusiness yan si Jenesis, babagsak kaagad ang company nila.” Tumawa ng malakas si Aya kapag hinampas ko siya.
“Bastos! Mukha kang pwet, Aya! Pwet!”
Tawa lang sila ng tawa, natuwa ako nang umiba na ang topic at nalipat na kay Sophia.
Nagpaalam akong pumunta sa cr. Ang cr na malapit dito sa canteen ay nasa likod ng gym tas medyo madilim don. Scary.
Naglakad na ako papunta don habang hawak hawak ang ballpen ko. Weapon ko to eh, bat ba?
Pumasok ako agad sa cr at umihi agad. Natatakot na ako eh, huhu, ang dilim kasi tsaka yung ilaw ay nagfflicker. Nagmadali akong lumabas at nakahinga ng maluwag nang malamang buo pa ako. Aalis na sana ako nang makarinig ako ng ingay sa gilid. Sa backstage ng stage. Malamang.
Bumilis ang tibok ng puso ko, naccurious ako pero natatakot. Gusto kong malaman kung ano o sino ang pinagmulan ng ingay na yon. Lalapitan ko na sana pero tumigil ako. Ihh! Takot ako!
“Answer me!” May sumigaw.
Uy, teka, kilala ko yang boses na yan ah. Lumapit ako konte sa may backstage para sumilip. Napanganga ako nang makita si Jase na hawak hawak ang kwelyo ng isang lalaking di ko kilala. Di sila ganon kalayo sakin kaya dinig na dinig ko ang mga boses nila.
“Bitawan mo nga ako!” Sigaw nung lalaki kaya nasuntok siya ni Jase. I gasped. Agad kong tinakpan ang bibig ko nang makitang lumingon si Jase sa gawi ko. Nagtago ako agad sa may pader at nagdasal na sana di ako nakita ni Jase dahil baka magkablack eye ko.
Tumahimik ang paligid, at tanging pagtibok ng mabilis nalang ng puso ko ang naririnig ko. Lumunok ako at pinunasan ang pawis ko at napagdesisyonan na tingnan kung wala na ba si Jase at yung lalaki.
Dahan dahan akong lumingon at napasigaw nang makita ko si Jase na nasa harap ko na. Tinakpan niya ang bibig ko gamit ang kamay niya para pigilan akong sumigaw.
“Why the fuck are you here?!”
Natakot ako sa sigaw niya. Malalalim na ang paghinga ko at sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
“Wag kang magsusumbong kung ayaw mong masaktan kita.”
Nanlaki ang mga mata ko, pero mas nagulat ako nang tanggalin niya ang kamay niya sa bibig ko at sinandal ako sa pader. Nilapit niya pa ang katawan niya sakin at binaon ang kanyang mukha sa leeg ko.
Sinubukan kong sumigaw pero nanuyo ang lalamunan ko.
Jusko, anong nangyayari?! Rapist ba to?! Manyak?! Omygosh!
“You smell so good, Jenesis.” He whispered against my skin.
Yung puso ko, sobrang bilis! Nakakahiya kung nararamdaman niya!
Nilayo niya yung mukha niya sakin at natuwa ako.
Napanganga ako nang makitang nagpalit ang kulay ng mata niya. From light gray to dark gray.
Pumikit siya ng mariin at dinilat ang mga mata niya. Bumalik sa pagiging light gray ang kanyang mga mata kaya mas nagulat ako.
Sumimangot siya bago ako iniwan don. Mabilis siyang nawala na parang bula. Naiwan ako don na nakahawak sa leeg ko at mabilis pa rin ang tibok ng puso ko.
Anong meron kay Jase? What's with his eyes? Sino yung lakaking yon at bat niya sinuntok yon? Bat niya ginawa sakin yon?!
Mas lalo akong naintriga kay Jase at gusto ko siyang makilala lalo. Mukha siyang mapanganib, sa mga titig niya palang, pero gusto ko siyang makilala. Gustong gusto._____
Penge ako guy handler for Jase :(
BINABASA MO ANG
The Protector
Manusia SerigalaWill Jenesis Lacson survive this wolfy chaos? #LacsonSeriesII #WolfSeriesI