KathNielReads made me suuuper happy last night kaya nainspire akong gumawa ng special chapter. Tsaka marami ring may gusto ng special chapter eh. So here! I love you guys hihi :">
_________
Special Chapter
JENESIS' POV
Inis kong binato yung diaper na puno ng ihi kay Jasen.
"Tumigil ka, ah! Wala kang makukuhang kiss sakin! Malandi ka, malandi!" Sabi ko bago binato yung tissue roll sa pagmumukha niya.
Tumawa siya bago binalik sa lalagyan yung tissue roll na hinagis ko at tinapon yung diaper sa basurahan.
"Calm down, woman. Sayo lang naman ako malandi, ah?"
"Sakin?! Sakin?!" Galit kong sabi habang pinapalitan ng diaper si Zimiena. "kelan pa naging Jenesis yung Regina?!"
Regina. Kairitang babae yon! Nilalandi ba naman si Jase habang bumibili kami ng laruan para sa aso. Eto namang asawa kong may dugong malandi, pinapatulan pa.
Humalakhak siya. "Nagseselos ka pala kay Regina?"
"Ay, hindi! Tuwang tuwa ako sa kanya kaya pupuntahan ko siya ngayon at kakainin ng buhay!" Umirap ako bago kinarga si Zimiena at hinalikan sa pisngi.
"You know what? I love the jealous Jenesis. Lumalabas talaga na mahal na mahal mo ako." Lumapit siya samin ni Zi at hinalikan ako sa pisngi.
"Aba, hindi naman siguro ako papayag na pakasalan ka kung hindi kita mahal, diba?!"
"Kahit naman ayaw mo, papakasalan mo pa rin ako. Hindi pwedeng hindi ka maikasal sakin." He winked.
Tinapakan ko ang paa niya kaya napaaray siya.
"Tigilan mo--.." Natigil ang pagsigaw ko nang umiyak ng sobrang lakas si Zimiena.
Tumawa naman si Jase bago ako tinusok sa tagiliran ko. "See? You're too loud."
Ngumuso ako kay Zimiena. "Baby, why? Kampi ka ba sa tatay mong mabaho ang hininga?"
Nakita ko namang sumimangot si Jase. "Kelan pa bumaho ang hininga ko?"
"Simula nung ngumiti ka kay Regina." Sabi ko bago pinakalma si Zi.
Magsasalita pa sana siya nang takpan ko ang bibig niya at bahagya siyang tinulak palayo sakin.
Kumalma na rin si Zi at unti unting pumipikit. Hinalikan ko siya sa noo bago nilagay sa crib niya. Lumapit naman ako sa kama namin kung san natutulog ang baby Alpha namin. Hinalikan ko sa noo si Pierre bago naglakad papunta sa pinto.
Nakita kong pinaulanan ng halik ni Jase si Pierre, humalik din siya kay Zi. Sa pisngi at noo siya humalik, hindi na siya nagkissing spree kay Zi dahil baka magising.
Lumabas na ako sa kwarto namin, sumunod naman siya at sinara ang pinto. Tumikhim siya mula sa likuran ko pero di ko siya pinansin.
Pupunta nalang ako sa 7/11. 9 PM pa naman kaya bukas pa ang 7/11 na medyo malapit lang dito sa mansion.
Narinig kong tumikhim muli si Jase pero, no, hindi ako lumingon.
"Ayaw mo ah." Rinig kong sabi niya.
Napatili ako nang buhatin niya ako ng parang bagong kasal. Tumawa siya bago at pinaulanan ng halik sa leeg.
"Jasen, ano ba!" Kinikilig kong sabi.
Yak, Jen. So pabebe.
"Mmm, bango naman ng baby ko," He whispered against my skin. "shit, Jen, baka mabuntis kita ulit."
BINABASA MO ANG
The Protector
WerewolfWill Jenesis Lacson survive this wolfy chaos? #LacsonSeriesII #WolfSeriesI