Twenty Six

9.7K 334 137
                                    

White

Months later..

JENESIS' POV

"Jase naman kasi, bilhin na kasi natin yon!"

Umirap siya bago ako inakbayan. "Baby, nandito tayo para bumili ng baby stuff, hindi aso."

I pouted. "Pero I'm sure na matutuwa ang anak natin kapag may puppy tayo."

"Yung anak natin o ikaw?"

I frowned. "Gago ka talaga."

Humalakhak siya bago nagnakaw ng halik sa pisngi ko. "I love you."

"Ulol." I rolled my eyes.

Nandito kami sa mall, kasama namin sina Theo at Selena. Naiwan sina Wade at Melissa sa mansion dahil magttrain sila ng mga warriors ngayon.

Bibili kami ng mga baby stuff ngayon, nalaman na rin kasi namin ang gender ng anak namin.

Our baby is a boy at hindi lang yun. Isang lobo ang dinadala ko.

"Tol, bili tayo ng fries. Tomguts na ako." Ngumuso si Theo habang lumalapit kay Jase.

"Busy ako, alis." Sabi niya sabay tulak ng pabiro kay Theo.

"Wala talagang kwenta tong si Jase," Umirap si Theo. "samahan mo na lang ako, babe." Sabi niya kay Selena.

Aangal pa sana si Selena nang hilahin na siya ni Theo papunta sa mcdo.

"I want fries too." Sabi ko sabay tingin kay Jase.

"Okay," Sabi niya bago tumingin sa kawalan. Siguro immind link niya si Theo. "nasabi ko na."

"Thank you, baby." I smiled.

I'm eight months pregnant at sabi nila, imbes na tumaba ako, pumapayat daw ako. Sabi ni doc, lahat ng kinakain ko ay napupunta sa baby at wala nang natitira para sakin kaya pumapayat ako. Malaki daw ang kain ng isang lobo kaya ayan. Natatakot si doc para sakin dahil baka mapahamak ako at maaring mamatay.

Jase is scared too kaya lagi niya akong pinagluluto ng maraming pagkain. Kahit busog na ako, pinapakain niya pa rin ako.

Pero kaya ko namang magtiis para sa anak ko. I know kailangan ko rin maging healthy pero ano namang magagawa ko kapag yung anak ko ang nagcoconsume ng mga kinakain ko. Tiis tiis lang, Jenesis.

Di nagtagal ay nakarating na rin kami sa pabilihan ng mga gamit ng baby. Una naming nilagay sa shopping basket yung mga bottles, lampin, at baby wipes.

Naglakad ako papunta sa mga damit at namili ng magaganda. Napili ko yung pantulog na may mga kotse kotse.

Dumating na sina Theo at Selena dito, dumiretso silang dalawa sakin.

"Uy, Jen! Bilhin din natin tong pantulog na may flowers!" Humalakhak si Theo.

Tumawa ako. "Baka gusto mong makatanggap ng sapak kay Jase."

Habang ginagala ko yung tingin ko dito sa store, napunta ang mga mata ko sa lalaking nakatayo sa harap ng store.

Leo?

Nakita kong ngumisi siya bago nawala. Pinikit ko ang mga mata ko at mabilis na binuksan.

Wala na siya don.

Imagination ko lang ba yun? Bat naman maabot si Leo dito sa Alaska?

****

"What?! Mummi, are you serious?!"

"Yes, anak. Nasa Davao na siya ngayon, dun na muna siya titira kasama ang mga kaibigan niya." Sabi niya bago uminom sa coke niya.

12 na ng hapon dito samin so 8 na ng gabi sa kanila. Late na nagdinner sina Mummk and Dada dahil galing sila sa office dahil nagkaemergency.

The ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon