Thirty Two

7.1K 261 36
                                    

Hi, guys! Btw, may story na po si Andrew Padilla. You and Me po yung title! Sana basahin niyo hehehe :))

______

Sick

JENESIS' POV

"Jenesis." Kalmado niyang sabi.

Umatras ako ng konte para makapaghanda kapag magsshift ako or siya.

Naghintay ako na magshift siya at atakihin ako.

"Michelle," Huminga ako ng malalim. "what are you doing here?"

"Dumaan ako dito para makausap si Alpha Richard. Paalis na rin ako."

Wait, what? Hindi niya ako papatayin? We killed his son and husband, hindi ba siya maghihiganti?

"Um, Michelle, sorry--.."

"No, iha, don't say sorry," She smiled. "alam ko namang mangyayari yun, alam kong mawawala sakin ang mag-ama ko. Handa na ako, hinanda ko na ang sarili ko sa sakit na mararanasan ko kapag nawala na sila."

Naaawa ako kay Michelle, hindi niya deserve tong mga nangyari sa kanya. She's a lovely woman, napakabait niyang lobo.

"Dun ka pa rin ba tumitira?"

"For now, uuwi na ako sa Pilipinas bukas. Dun kasi ililibing si Leo at Lukas." She gave me a sad smile.

"Is it okay kung...bumisita kami?"

"Yes, of course! Ayos lang, Jen."

"Sige, Michelle." I smiled.

"In three days ililibing na namin sila. Dun sa libingan ng mga lobo."

Kumunot ang noo ko. "May libingan pala ng mga lobo sa Pilipinas?"

"Yup, maraming lobo sa Pilipinas pero mas marami dito. May libingan at paaralan para sa mga lobo dun kaso malayo at hindi ganon kalaki kumpara dito sa Alaska."

"Okay, salamat sa impormasyon Michelle."

"Walang anuman. Mauna na ako, iha," Ngumiti siya at bahagyang yinuko ang ulo niya bago naglakad paalis. Aalis na sana ako nang tinawag niya ako ulit. "oo nga pala, Jen."

"Ano yun?" Tanong ko nang makalingon ako.

"May naaamoy akong kakaiba dito sa mansion niyo lalo na sa pagkain. Nag-offer ng pagkain yung mga caterer sakin pero tumanggi ako dahil iba yung amoy. Icheck mo, baka kung ano na."

I frowned before nodding. "Okay, kakausapin ko si Jase tungkol dito. Salamat, Michelle. Mag-iingat ka."

"Ikaw rin." Ngumiti siya bago umalis ng tuluyan.

Nagmadali akong pumunta sa banyo at umihi. Hindi ko na inayos ang sarili ko dahil mabilis akong lumabas sa banyo papunta sa lamesa namin.

"Oh, Jen, ayos ka lang? Anong problema?" Tanong ni Selena nang makarating na ako sa lamesa namin.

"Baby, you okay?" Tanong ni Jase bago hinawakan ang kamay ko.

Yumuko ako para makabulong sa tenga niya. "I need to talk to you."

"Okay," Tumango siya bago tumayo. "excuse us."

Hinila ko siya papunta sa dulo kung san walang tao. Agad namang pinulupot ni Jase yung isa niyang kamay sa bewang ko.

"Jase." Sabi ko bago sumulyap sa mga pagkain na dinaanan namin.

Fuck! Michelle was right! Kakaiba nga yung amoy! Ganito rin yung amoy ng pagkain na kinain ko, bat hindi ko napansin yon?!

The ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon