Twenty Eight

9.6K 257 66
                                    

Chaos

JENESIS' POV

Matapos ang ilang weeks ng pagpprepare para sa kasal namin dumating na rin ang pinakahihintay naming araw.

Today is our wedding day.

Nandito kami ngayon sa mansion, da kwarto namin. Inaayusan pa ako habang si Jase naman ay nasa venue niya. Excited siya eh.

Outdoor yung wedding namin, oo, sa snow. Dinisenyo na ng maayos yung gown ko, hindi raw ako lalamigin sabi nung designer at sana hindi siya scammer. Pati na rin yung suit ni Jase, naayos na.

"Gosh, girl. Lalo kang gumanda dahil may makeup!" Tuwang sabi ni Sophia.

"Oo nga, para ka nang dyosa! Iba ka na talaga, di na kita mareach, teh! Penge beauty." Tumawa si Aya bago nilagay yung earrings niya.

"Oh sige na, yung ibang girls mauna na kayo. Ako ang sasakay sa bridal car ni Jenesis." Sabi ni Mummi habang sinusuot ang heels niya.

Nagpaalam na silang lahat sakin. Humalik sila sa pisngi ko bago umalis.

Humarap ako ulit sa salaman at inayusan na ulit ang buhok ko. Fapos na ako sa makeup, buhok nalang yung kulang.

"Ang bilis naman ng panahon, anak. Parang kahapon lang, paalis ka palang papunta dito tas ngayon ikakasal ka na." Ngumuso si Mummi.

"Mashado ba kaming mabilis, Mummi?" Kinakabahan kong tanong.

She chuckled. "Of course not, bat mo pa sasayangin yung oras niyo kung nahanap mo na yung the one."

"You're right, Mummi." I giggled.

Mummi sighed, lumapit siya sakin at sinuot yung necklace ko. "Ikaw pa rin ang baby girl namin ni Dada mo kahit Mommy ka na at ikakasal na."

I smiled before holding her hand. "I love you, Mummi."

****

(Play the music)

Inayos ni Mummi yung buhok ko bago humalik sa pisngi ko at naglakad na papunta sa pwesto niya.

Huminga ako ng malalim nang lumapit na sakin si Dada at pinahawak na ako sa kanyang braso.

"Hay, ikakasal na ang prinsesa ko." Natatawang sabi ni Dada.

"Wag mo akong paiyakin, Dada. Masisira ang makeup ko." I giggled.

Tumugtog na yung music at binigyan na kami ng signal nung organizer kaya naglakad na kami ni Dada.

Nakita ko si Caden sa tabi ni Jase at karga karga niya si Pierre. Tulog si Pierre at napangiti ako dahil sobrang cute nilang tingnan ni Caden.

Nandito rin si Dakota, kahit naman di ko pa siya bet, inimbitahan ko pa rin siya. Joke, pinilit ako ni Caden na isali si Dakota. Tss.

Si Sophia at Aya naman ay kinukunan ako ng litrato habang naglalakad, natawa naman ako nang kumaway sila sakin na parang mga bata.

Sina Theo, Wade, Melissa at Selena ay nasa kabilang side. Si Wade at Theo ay tinutukso si Jase kahit malayo sila sa kanya habang si Melissa at Selena naman ay nakatingin sakin habang nakangiti.

Everything was perfect. I loved it. The venue, the arrangement, everything.

Inimbitahan din namin yung mga Alpha mula sa iba't ibang packs except sa Black Venom. They were happy when they heard the news that I'm a wolf now pero si Lukas? Galit pa rin.

Hulaan niyo kung sino yung sumugod sa mansion nung nalaman niyang lobo na ako at may anak na?

Yes, you're right! Si Dawn!

The ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon