Seven

12.4K 286 185
                                    

Jasen's story

JENESIS' POV

Madaling araw na nang makatulog kami ni Jase. Sumiksik siya kina Wade at Theo, nalaman ko rin na dun pala natulog ang ibang warriors na hindi na nagkasya sa kabilang kwarto at yung may ayaw sa sala. Natuwa ako nang mag-iwan ng space sina Melissa at Selena sakin sa kama.

Kahit late kaming natulog ni Jase, kami ang unang nagising. Pinagtimpla ko siya ng kape at pinagtimpla niya ako ulit ng hot chocolate. I loved his hot chocolate. Tama lang sakin yung lasa.

Unti unti nang nagigising ang mga warriors, pati na sina Selena at Melissa pero sina Theo at Wade, borlogs pa. Nagluto kami ng breakfast para sa kanilang lahat. Kumain ako ng konte bago naisipang maligo. Gray shirt, skinny jeans tsaka leather jacket ang sinuot ko. Sinuot ko na yung boots ko at kinuha ang phone ko.

Nakasalubong ko si Jase nung lumabas na ako sa kwarto ko. Tinaasan niya naman ako ng kilay.

"Where are you going?" He asked.

"Uupo lang ako sa snow." I shyly said. Simula nung dumating ako dito, una kong goal is umupo sa snow, at gumawa ng snow angel.

"Seriously?" He chuckled.

I rolled my eyes. "Whatever."

Aalis na sana ako nang hawakan niya ang braso ko at hinarap ako sa kanya. "Hindi ka pwedeng lumabas na mag-isa, Jen."

"Magpapasama nalang ako kina Selena--.."

"They're still eating, I'll go with you." Umirap siya bago naglakad palabas sa bahay.

Napanganga naman ako, sasamahan niya ako? Ngumisi ako bago siya sinundan. Selena and Melissa smirked and winked at me before I left the house.

Nang makalabas ako ay umandar na ang pagiging hyper ko. Tumakbo takbo nanaman ako, nagdive rin ako sa snow. Nakita ko namang umirap si Jase. Hmp, chunget.

Umupo ako sa snow at nagsnapchat. Nagsend rin ako ng snaps kina Sophia at Aya. Gosh, I missed them.

Nakita kong umupo sa tabi ko si Jase. Nakapatong ang kanyang mga siko sa tuhod niya. Shet, ang angas tingnan.

Naisipan kong kumuha ng picture kasama siya. Nung una, umangal pero sumuko din kasi kinulit ko.

"Jase, can I ask you a question?" Tanong ko habang pinapasok sa bulsa ko ang phone ko.

He looked at me, "Sure." Emotionless niyang sabi.

"Anong kulay ng wolf mo?"

"Gray." Tipid niyang sagot.

"Like your eyes?" I asked before staring at his eyes.

"Nope," He grinned. "medyo dark pa sa mga mata ko."

"Ohh. Mas malaki ka ba kay Jacob Black?" Sorry na, curious ako eh.

"Jacob Black?" He raised an eyebrow.

I giggled before answering. "Yung wolf sa twilight. Yung may gusto kay Bella."

"I didn't watch that movie. Psh." Umirap siya.

"Teka," Kinuha ko ang phone ko at nagsearch ng pictures ni Jacob sa google. Hinarap ko naman sa kanya ang wolf picture ni Jacob. "eto."

Tumawa siya. "Mas malaki pa ako diyan." Pagmamayabang niya.

Umirap ako bago binalik ang phone ko. "Yuhbung." I whispered.

"Do you wanna see?" Nabigla ako sa kanya.

I grinned like a kid before nodding. "Yes!"

He grinned as well. Tumayo siya at kinuha ang phone niya mula sa bulsa niya. "Hold." Sabay abot sakin ng phone niya.

The ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon