Nineteen

10.6K 333 92
                                        

Philippines

JENESIS' POV

Susugurin ko na sana silang dalawa nang maalala ko yung sinabi ng doctor na bawal akong mastress or else, magwawala nanaman ang wolf blood sa loob ng katawan ko.

Huminga ako ng malalim nang naglakad palapit sakin si Jase.

"Baby, it's not what you--.."

Agad ko siyang sinampal ng sobrang lakas. Whew, masakit ha. Kapal talaga ng mukha ng lobong to.

"Twotimer ka pala?" I laughed sarcastically.

Umiling siya at hinawakan ang balikat. "No, Jenesis. Ikaw lang yung mahal--.."

"Oh, come on, Jasen! Tell her the truth! Sabihin mo nalang kay Jenesis na pinapaibig mo lang siya at kapag nahulog na siya sayo, ibibigay mo siya kay Lukas para matapos na ang war sa pagitan ng Red Moon at Black Venom." Sabi ni Dawn mula sa likuran ni Jase.

Marahas na liningon ni Jase si Dawn. "Shut the fuck up, Dawn!" Humarap ulit sakin si Jase at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. "don't believe her, baby. She's lying."

I sighed. "Hindi ko alam kung sinong paniniwalaan ko eh. Pwede kitang paniwalaan pero baka nagsasabi ng totoo si Dawn. Pwede ko siyang paniwalaan pero baka nagsasabi ka ng totoo. I'm confused, Jase." Natawa ako.

Sinubukan akong yakapin ni Jase pero umiiwas ako. "Baby, please. Hear me out first."

"Mamaya na, Jase. Busy pa ako," Ngumiti ako sa kanilang dalawa, hindi plastic na ngiti. I patted his shoulder. "sige, see you later."

Nakita kong nagtaas ng kilay si Dawn sa inasal ako. Kumaway ako sa kanilang dalawa bago nagsimulang maglakad. Tumakbo papunta sakin si Jase at hinawakan ang braso ko, hinarap niya naman ako sa kanya.

Bumuga ako ng hangin. "Just..just leave me alone, Jase. Busy ako."

"Leave you alone?! You're my girlfriend, Jenesis! Hindi kita hahayaang umalis hanggang sa hindi mo ako pinapaexplain!" Lumalim ang kulay ng kanyang mga mata.

"Oh, ano? Galit ka? Tas magsshift ka? Sige, go! Magshift ka sa harap ng maraming tao!" Iritado kong sabi.

Kinalma ko ang sarili ko dahil nararamdaman ko nanamang pumuputok sa galit ang wolf blood ko.

"Jase, let's go! Hayaan mo na siya!"

Liningon ulit siya ni Jase. "Fucking leave, Dawn! Umalis ka na! Kapag nakita pa kita ulit, I will fucking kill you!"

Sinamaan ako ng tingin ni Dawn. "This isn't over yet, human." She growled before leaving.

Humarap ulit sakin si Jase. "Sorry for yelling at you. Just let me explain, gusto kong--.."

"Jase, sabi kong mamaya ka nang mag-explain, diba? Mamaya na, please. Busy ako." Tinalikuran ko na siya pero hinarap niya nanaman ako sa kanya.

Fuck! I want to hear his side but I know my wolf blood will take over! Nagagalit nanaman sila at unti unti ko nang nararamdaman ang sakit!

"Gusto ko ngayon! Gusto kong magkaayos--.." Sumimangot siya at binigyan ako ng tingin na nagtataka. "baby? What's wrong? You look pale. Ayos ka lang?"

Tumango ako bago pumikit ng mariin at sinubukang labanan ang sakit.

"I'm fine, aalis na ako. Let's talk later." Sabi ko at tumalikod na.

The ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon