Ten

9.8K 298 130
                                    

Reason

JENESIS' POV

Gusto kong maiyak, pero at the same time, naiinis ako.

Ganito ba ang mangyayari kapag aamin ang isang lobo? Hindi ka kayang tingnan ng dalawang segundo? Iiwasan ka? Ganito ba?

Gusto ko siyang sigawan! Naiirita ako. Bat siya ganyan? Tsaka, hindi niya ba tatanungin kung anong nararamdaman ko?

"Jenesis, pupunta kami sa town mamayang hapon. Sama ka?" Selena asked while eating her breakfast.

"Anong gagawin niyo sa town?"

"Grocery, tsaka mamimili ng gifts for Evan." She smiled.

"Ahh. Sinong kasama?"

Sasama kaya yon?

"Melissa, Wade tsaka Theo. Feel ko rin sasama si Rain pero ewan." She shrugged.

Tumango ako bago ininom ang milo ko.

"Nasan si Melissa?" I asked

"Nagmmeeting kasama ang ibang warriors. After kasi ng birthday party ni Evan, pupunta sila sa South part ng Red Moon para itrain ang teenagers."

Napangiti ako. "Dumadami na pala kayo."

"Yup, ikaw? Kelan ka magbubuntis at bigyan ng pups si Jase?" She joked.

Nanlaki ang mga mata ko at pinitik ang noo niya. "Nasisiraan ka na ng bait, Selena!"

Humalakhak siya. "I'm kidding! Nakakatawa reaction mo, Jen! Tingnan mo, namumula ka pa." Natatawa niyang sabi bago tinuro ang mukha ko.

Sinampal ko naman ang kamay niya. "Tumigil ka nga. Dapat nga ikaw yung magbuntis eh, ikaw tong may boyfriend hindi ako." I chuckled.

Tumawa lang siya. "Ewan ko nga sayo, Jen. Basta bet ka naming lahat na maging Luna namin."

"Weh? Kahit si Rain at Red?"

She chuckled. "Kahit mean yung dalawang yon, they like you, tsaka," She wiggled her eyebrows. "so agree ka nga maging Luna namin?"

Hinampas ko siya ng mahina. "Nasisiraan ka na talaga ng bait! Go and see the doctor!" I laughed.

***

"Hay, bat walang pickles? Paborito pa naman ni Theo yon." Selena sighed.

Tinulak na ni Wade ang cart habang nasa harap kaming tatlo nina Selena at Melissa. Si Theo kasi nasa meat section.

"Yung piattos ko hindi pa natin nakukuha." Reklamo ni Wade.

"Kumuha ka don, ako na munang magtutulak." I offered.

"Salamat, Jen!" Masaya niyang sabi. Naghigh five kami bago siya umalis.

"Kahit kelan talaga yang boyfriend mo, Melissa! Piattos addict." Tumawa si Selena

"Nova din noh. Kung titingnan mo ang closet niya, puno yun ng chichirya." Umirap si Melissa

I chuckled. "Hingi tayo."

"Makikipag-away muna tayo sa kanya bago tayo makahingi." Melissa

Sakto namang dumating si Theo na may dala dalang meats. Inis niyang nilagay yon sa cart at humingi ng alcohol kay Selena.

"Ang arte mo, Theo." Umirap si Melissa

"Ang baho kaya ng karne!" Reklamo ni Theo.

The ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon