Warning: SPG
Marry
JENESIS' POV
Nagising ako dahil sumakit yung ulo ko. Akala ko nagwawala nanaman yung wolf blood ko pero hindi. Mild lang naman to, di tulad sa sa sakit na nararamdaman ko kapag nagwawala ang wolf blood ko.
"Finally, you're awake." Boses ni Dawn yun.
Inangat ko ang tingin ko at nakita ko siyang nakatayo sa harap ko pero medyo malayo siya sakin. Nakangisi siya habang nakacross arms.
Nakaitim na jacket siya at jeans tas sneakers. Nakabeanie rin siya na itim.
Nakaupo ako sa isang upuan, nakatali yung mga kamay ko sa likod ng upuan tas yung mga binti ko ay nakatali rin.
"N-Nasan ako?"
"Nasa Hongkong ka pa rin, pero nasa malayong lugar tayo. Malapit na sa gubat." She grinned.
"Pano niyo..pano niyo nalamang nandito kami?"
She laughed. "May tumulong samin, of course."
I frowned. "Sino?"
"Someone from your pack," She smirked. "you have a traitor."
"What?!" Gulat kong sabi.
Traitor? We have a traitor? Sino?
"You're too blind, Jenesis. Hindi niyo lang man nakita na inaahas na pala kayo." She grinned.
"Sino?! Sino ang traydor?!" Nanggigil kong sabi.
"You really want to know?" Nakangisi niyang sabi habang naglalakad papunta sakin.
"Yes, Dawn! Tell me, sino ang traydor sa pack namin!"
"Jase. Si Jase ang traydor, Jenesis." She laughed. Yung tawa ng isang maligno.
Nabigla ako nang mawala si Dawn at biglang lumitaw si Jase. He looked sad and hurt.
"Baby." Malungkot niyang sabi.
"J-Jase? Ikaw? Ikaw ba yung traydor?" Naiiyak kong sabi.
"Yes. I'm sorry. I'm so sorry."
Nabigla ako nang magshift siya sa harapan ko, he looked angry now. Galit na galit siyang nakatingin sakin, ipinakita niya ang matatalas niyang ngipin at tumahol ng sobrang lakas.
Napasigaw ako sa takot nang tumakbo siya sakin. Hindi ako makagalaw dahil sa mga tali sa kamay at binti ko.
"Jasen, no!"
"Jenesis, wake up!" Naramdaman kong may nagyuyogyog sakin. "gumising ka!"
Agad ko namang binuksan ang mga mata ko at napaupo sa kama. Hingal na hingal ako at pawis na pawis.
"Baby, are you okay?"
"J-Jase," Huminga ako. "I..I.." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
Holy fuck, it was just a dream. A very very bad dream.
"Are you okay?" Umupo siya ng maayos bago ako kinulong sa kanyang bisig. "nabigla ako nang sumigaw ka bigla tas inatake ako. Nanunuod lang naman ako ng tv gas bigla mo akong kinalmot. Napunit mo nga yung shirt ko eh."
Lumayo ako ng bahagya sa kanya at tiningnan yung suot niya. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang napunit yung shirt na suot niya, may mga kalmot din sa braso niya.
"Omygod." Napatakip ako sa bibig ko.
"I didn't know you were that strong, baby."
"Sorry..I..I had a bad dream."

BINABASA MO ANG
The Protector
WerewolfWill Jenesis Lacson survive this wolfy chaos? #LacsonSeriesII #WolfSeriesI