Twenty

13K 303 104
                                    

Warning: SPG

Best Night

JENESIS' POV

"Sino to?" Kunot noong tanong ni Andrew.

Inakbayan ako ni Jasen. Magsasalita pa sana ako nang unahan niya ako.

"Boyfriend niya, bakit?" Mariin na sabi ni Jase.

Kinurot ko naman ang tagiliran niya. Bastos na to.

"Chill, dude. I'm just asking." Tinaas ni Andrew ang kanyang mga kamay na parang sumusuko siya.

"Oh, kumain na kayo dito." Sabi ni Mummi.

Bumalik na si Andrew sa kanyang upuan, naglakad ako papunta kay Mummi at humalik sa pisngi niya.

Umupo si Jase sa tabi ni Mummi, ako naman sa tabi ni Andrew. Sumimangot si Jasen, sinamaan ko naman siya ng tingin.

"So, iho, how was your sleep? Magkatabi ba kayong natulog ni Jen? Malikot pa namang matulog yan." Mummi giggled.

"Mummi." I warned.

"Gaga, totoo naman." Humalakhak si Mummi.

"I don't mind naman po, tsaka nakapulupot naman ang mga kamay ko sa kanya kaya di na siya mashadong malikot." Nakita kong ngumisi siya kay Andrew.

Sinipa ko naman yung paa niya sa ilalim ng lamesa. Ano bang problema ng hayop na to?

"Ang sweet naman niyan!" Ngumiti si Mummi. "eh ikaw, Drew, may girlfriend ka na diba?"

Nanlaki ang mga mata ko at hinarap si Andrew. "May girlfriend ka na?"

"Ano naman sayo yon, Jenesis?" Iritadong sabi ni Jasen.

Hinarap ko siya. "Pwede bang tumahimik ka? Kanina ka pa ah." Inis kong sabi. Umirap nalang siya at nagpatuloy sa pagkain.

"Hey," Hinarap ko ulit si Andrew. "may girlfriend ka na?"

Tumawa siya. "No, not yet."

Tumango ako. "Kapag meron na, pakilala mo agad sakin, ha?"

"Of course." He grinned.

Tumango at ngumisi. Kumain na ako ulit at sumulyap kay Jasen na nakanguso habang tinititigan yung juice niya. Hmp. Cute. Hmp.

****

"Baby, I'm sorry." Malambing niyang sabi.

Umirap lang ako, wala ako sa mood makipag-usap sa mokong na to.

After kasi nung kainan scene, pumunta kami sa sala tas ayon, nagtalo yung dalawa at itong lalaking to ang nagsimula. Psh.

"Baby, please talk to me. Dalawang oras mo na akong di kinakausap, it hurts you know." He pouted.

Di uubra sakin yan, tol.

"Baby," He sighed before kissing my shoulder. Leche, nakasleeveless kasi ako. "I'm sorry."

Hinigpitan niya ang pagkakayakap niya sakin. Nandito pa rin kami sa sala, nanunuod kasi ako ng breaking dawn.

"Shut up, hindi ko na naiintindihan yung movie." Masungit kong sabi.

"Ilang beses mo nang napanuod yan diba?"

Di ko siya pinansin. Hmp.

"Baby," Lambing niya. "I love you po, I'm sorry na."

"Jasen, ssh!" Inis kong sabi. Well, gusto ko rin sabihing 'I love you too' pero nagtatampo nga ako diba. Grr.

Magsasalita pa sana siya nang bumukas ang front door at pumasok ang kakambal ko. Mukhang pagod na pagod siya, magulo ang buhok niya at hindi na nakabutones ang tatlong buttons sa itaas na parte ng kanyang suot na polo.

The ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon