Six

10.9K 267 118
                                    

Protect

JENESIS' POV

Jase is a wolf. He's a freaking wolf!

Nakauwi na ako sa bahay ko, nailagay na sa mga lalagyan ang mga pinamili ko at nilagay sa kwarto ko ang shopping bags.

Habang nanunuod ako ng tv, puro wolf at si Jase ang nasa utak ko.

Kahit ilang beses kong sinubukang ibaling sa iba ang atensyon ko, hindi ko talaga kaya.

'Mas delikado' yan ang linya niyang hindi rin matanggal sa utak ko.

Kung delikado sa Pilipinas, dito rin sa Alaska? What the hell is going on?! Gulong gulo na ako!

I sighed. Tumayo ako at pinatay ang tv. Naglakad ako papunta sa kwarto ko at in-on ang laptop ko. Binuksan ko ang Skype at natuwa nang makita kong online si Caden. Sina Mummi, offline.

Umaga pa dito habang sa pilipinas naman gabi pa.

Bat kaya online tong isang to? Hmm.

Pinindot ko ang video call na button at hinintay na sagutin niya ang tawag ko. Nainis ako dahil ang tagal niyang sagutin.

“Yo, Jen.” Bati niya nang sagutin niya na ang video call.

“Yo yohin mo yang mukha mo. Bat ang tagal mong sagutin?” Umirap ako.

“Nakikita mo ba to?” Inangat niya ang hawak niyang towel. Tumango ako bago umirap. “congrats di ka bulag. Naliligo ako dahil matutulog na ako mayamaya.”

“Eh bat ka online sa Skype?”

“Nakastandby.” Sabi niya habang pinapatuyo niya ang buhok niya gamut ang towel.

“Bakit?” I raised an eyebrow.

“I was waiting for your call, kanina pang umaga. Di mo kami tinawagan nung nakarating ka na diyan.” Umirap siya at hinagis ang towel sa kama niya.

“I was tired, so tired. Then, pagkagising ko, inalis ko yung snow na nakaharang sa driveway.” I sighed. Nakakapagod talaga yon.

“Wow, you sounded like me.” He chuckled.

“Narealize ko rin na siguro papayat ako dito kasi ako lang ang kikilos.” I giggled.

Tumawa ng malakas si Caden kaya napairap ako. “That was funny,” He chuckled. “itaas mo nga ang braso mo.”

Tinaasan ko siya ng kilay pero tinaas rin ang braso ko, nabigla ako nang tumawa nanaman siya.

“Bitch what?” Umirap ako.

“May baby fats ka pa rin. Keep shoveling, tas try mo rin kayang maghanap ng gym diyan para makapagworkout ka ba ulit.” Sabi niya bago sinuot ang eyeglasses niya, I shot him a look. Magttrabaho nanaman ang gunggong.

“You'll work pa? Gabi na diyan, matulog ka na.”

“Saglit lang to.”

“Whatever,” I sighed. “I'll call again soon, okay? mamamasyal na muna ako.”

“Okay, try to make some friends,” He said and I nodded. “girls, okay? Wag muna mga lalaki.”

Natawa ako. “Oo na, Caden. Ingat kayo diyan. Kiss Mummi and Dada for me, okay?”

“Sure. Ingat ka rin diyan. Lagi mong illock ang pinto, ha? I love you, twin.” He smiled.

I smiled back. “I love you too, ugly hoe! Bye!”

I giggled before ending the call. Kakatawa yung mukha ni Caden nung tinawag ko siyang 'ugly hoe'

Pinatay ko na ang laptop ko at  naisipang magshower nalang. Mainit na tubig ang ginamit ko dahil nilalamig ako. Habang nagsshower ako, naisip ko nanaman si Jase.

The ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon