Forty Three

6.8K 222 37
                                    

Kasabwat

JENESIS' POV

“You have 5 hours to reach this place, kapag wala pa kayo dito at 5 hours na ang nakalipas, I will kill your precious Pierre.”

I growled. “Don't your dare touch my son, Dawn! I will fucking kill you!” Nanginginig kong sabi.

She chuckled. “Ooh, I'm scared!”

Kausap namin sa telepono ni Jase si Dawn. Siya ang kumuha kay Pierre, sinusundan niya pala kami kanina.

“We had a deal, Dawn!” Sigaw ni Jase.

Napatingin naman ako sa kanya habang nakasimangot. Deal?”

He ignored my mindlink. “Wag na wag mong sasaktan ang anak ko!”

“Yes, Jase. We had a deal, pero hindi ako pumayag sa pinagpaalam mo kanina!”

“Why do I need your permission anyway? You're not my wife!” Galit na galit na sabi ni Jase.

“Alam mo na kung anong mangyayari kapag di ka tumupad sa usapan, diba? Face your fucking consequence!”

“Dawn--..”

Binaba niya na. Agad kong hinablot yung cellphone niya mula sa kamay ni Jase.

“Deal?! Anong deal yun, Jasen?!”

He clenched his jaw, humarap siya sakin bago huminga ng malalim.

“Days after the results of the DNA Test was given, we had a deal. Kinausap ako ni Dawn habang inaayos ko ang kotse ko. She told me to be with them for two weeks, sila lang dapat ni Tylan ang makakasama ko, since ako raw ang ama ni Tylan. Hindi ikaw o kahit si Pierre, hindi ko kayang hindi malapitan si Pierre, I just can't. Alam mo rin ba kung gano kahirap maging cold sayo? I cried every fucking night before going to sleep! Hindi ko kasi kayang makita ka na nasasaktan! Lalo na yung gabing sinigawan mo ako? Muntik ko nang sirain ang buong mansion dahil sa sobrang galit ko sa sarili ko. Anong klaseng asawa ako, diba? But I'm doing this for you and Pierre. Ginagawa ko yung deal na yun para sa inyo dahil kapag hindi ako tumupad, she will kill you! Dawn is smart in killing, Jenesis. Magaling siya pagdating sa ganyan, she's sneaky. Kapag nagawa ko yung deal, she'll go. Lalayo na siya satin habambuhay. It was our chance to be free and be happy.”

“Pwede mo naman siyang palayasin eh! Hindi mo na kailangang gawin yubg deal!” I cried.

“Madaling sabihin pero mahirap gawin. Palaban si Dawn at alam kong lalaban siya kapag palalayasin natin siya. For sure, we'll win. Mas marami at mas malakas tayo and may possibility na masaktan siya or mamatay. Hindi siya pwedeng mamatay dahil may anak siya. Hindi ko alam kung ako nga ba talaga ang tatay ni Tylan pero mas kailangan niya si Dawn. He's still a baby at alam kong magiging mahirap ang sitwasyon natin kapag nawala si Dawn kay Tylan. So, I agreed. Pumayag ako sa deal, hindi ko alam kung bakit ginagawa to ni Dawn.”

******

"No, Jenesis. Hindi ka pwedeng sumama, and that's final." Mariin na sabi ni Jase bago kinausap muli si Wade para sa pag-atake nila mamaya.

The ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon