Thirteen

10.1K 302 98
                                    

Warning: Medyo SPG

Fall

JENESIS' POV

"M-Mate?" I stuttered.

Marahas akong lumingon kay Jase. Nakita ko siyang lumunok at pumikit ng mariin.

"Hindi mo alam? Ha! Now you know." She smirked.

Teka nga, Jen. Bat ka ba nagagalit? Diba nga sabi ni Jase na may mate na siya? So si Dawn yon? Akala ko pa naman..

"Dawn, bat ka nandito?" Mariin na tanong ni Jasen bago lumapit sakin pero lumayo ako.

"Because I missed you. Pwede na ba akong bumalik sa pack?" She grinned.

So dating miyembro siya ng Red Moon? Bat siya umalis?

"I don't just accept Rogues in my pack, Dawn." Matigas na sabi ni Jasen.

"Pwede ko namang kausapin si Tito Richard eh, or should I say, Dad." Tumawa siya.

Nag-init naman ang ulo ko. Ang kapal! Bwiset!

"I'm the real Alpha, Dawn. Ako ang masusunod." Jase

She pouted. "Jase--.."

"Hindi mo ba gets?! Ayaw ka niya dito! Kaya bumalik ka na sa pinanggalingan mo, Rogue!" Umirap ako.

I called her Rogue kahit di ko alam ang meaning niyan sa mga wolf.

She glared at me. "Sino ka para sigawan ako?!"

Susugod na sana siya sakin nang mabilis na tumakbo sina Melissa at Selena sa harap ko at pinigilan siya.

Melissa and Selena growled at her. Napaatras siya at sinamaan ako ng tingin.

"Wow, so now you're choosing this bitch over me?" Inis niyang sabi kina Melissa at Selena.

"Don't call her that, Dawn!" Galit na sigaw ni Jase.

"Fine," She smirked. "whore."

Nanlaki ang mga mata ko at nag-aapoy na ako sa galit. Nagulat ako nang magshift si Jase sa gilid ko. He growled so loud, napaatras naman si Dawn.

Sumugod si Jasen kay Dawn kaya agad na nagshift si Dawn. Pinaghalong light gray and light brown ang kulay ng wolf niya.

Jase barked at Dawn, si Dawn naman ay tumahol din at pinapakita ang kanyang matatalas na ngipin. Ganon din si Jase pero mas matalas ang kanyang mga ngipin.

Lumapit sina Theo at Wade sa kanila at nilayo sila sa isa't isa.

"Alpha, kalma. Babae yan." Sabi ni Theo kaya tumahol ng malakas si Jase.

"Dawn, umalis ka na muna." Sabi ni Wade

"Muna?!" Agad kong sabi.

"Mamaya nalang tayo mag-usap tungkol sa pagbabalik mo, Dawn. Palamigin mo muna ang ulo ni bossing." Theo.

Tumango tango naman si Wade. "Immind link ka nalang namin, Dawn."

Nakita kong umirap si Dawn bago naglakad papunta sa labasan. She growled at me before leaving.

Tumingin si Theo kay Jase, parang nag-uusap ata sila gamit ang mga isip nila.

"Kunan ko raw muna ng shorts si boss." Sabi ni Theo sabay alis.

The ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon