Bye, TP fam, you will be missed :(
_______
The end
JENESIS POV
"Jen, bat sobrang damot niyang asawa mo? Nakakairita, pucha! Ayaw ipahiram samin yung anak niyo." Reklamo ni Wade nang makapasok silang dalawa ni Theo rito sa kusina.
Nakasimangot yung dalawa habang padabog na umupo sa mga upuan sa gilid ko.
I chuckled before eating my ice cream. "Alam niyo namang possessive si Jase eh."
"Ganito rin siya kay Pierre noon pero mas malala na siya ngayon." Umirap si Wade.
"Punyeta, hindi ko nga pinagdamot si TJ sa kanya noon ah!" Parang batang sabi ni Theo sabay halukipkip.
"Hay nako, hayaan niyo na si Jase. Patay na patay kasi yon sa mga anak nila ni Jen." Natatawang sabi ni Melissa habang nilalagyan ng ice cream yung basong hawak niya at binigay kay Wade. Hinalikan naman ni Wade yung kamay ni Melissa bago nagpasalamat.
"PDA, amputa. Nasan na ba yung asawa ko? Lalandiin ko na muna." Sabi ni Theo sabay ngisi at umalis para hanapin si Selena.
"Anong oras natin susuduin ang mga bata mamaya?" Tanong ni Melissa sabay upo sa tabi ni Wade.
"12:30 pm yung dismissal time nila so dapat before 1 pm ay nandun na tayo." Sabi ko habang kumakain.
Yup, pinapasok na namin sa Wolf School yung mga bata. 4-6 years old dapat yung age ng bata para makapasok sa Wolf School.
Ngayong 6 years old na si Pierre, pinapasok na namin siya ni Jase. 4 years old na rin si Wilder kaya pinapasok na rin siya. Naunang pumasok si Audrey dahil siya yung pinakamatanda sa kanilang lahat. Si TJ naman ay pwede nang pumasok pero ayaw pa ni Theo dahil mamimiss niya raw. Isa pa yun, possessive rin.
Chineck ko yung oras sa wall clock at nakitang 11:45 pm na. Tumayo na ako at nilagay sa sink yung ginamit kong baso at kutsara.
"Maliligo na ako, ha? Maghanda na rin kayo kung sasama kayo sa pagsundo. 12:15 tayo aalis, dadaan na rin tayo sa Mcdo para bumili ng snacks para sa mga bata." Sabi ko.
"Sige, Luna." Sabi ni Melissa, si Wade naman ay tumango lang dahil nilalamon pa yung ice cream niya.
Umalis na ako sa kusina at umakyat sa kwarto namin. Madilim yung kwarto namin dahil nakababa ang mga kurtina naming mahahaba. Gusto talaga naming madilim ang kwarto namin para mas malamig tsaka mas comfy tingnan. Gusto rin ni Pierre ng madilim.
"Knock knock." Mahina kong sabi bago kumatok ng mahina sa bahagyang nakabukas na pinto ng kwarto namin.
Napatingin naman sakin si Jase at napangiti. Nakahiga siya ng paside view habang ang ulo niya ay nakapatong sa kamay niya at nakasuporta yung kama sa siko niya. Nasa tabi niya naman yung baby namin na mapayapang natutulog.
Pumasok na ako at dahan dahang sinara ang pinto.
Dahan dahan akong humiga at ginaya ang posisyon ni Jase pero face to face na kami.
"She looks exactly like you," He whispered. "lalo na nung baby ka pa."
I smiled widely. Sinend kasi ni Mummi yung pictures ko nung baby pa ako and totoo nga, magkamukhang magkamukha kami ng anak ko nung baby pa ako.
"Mabuti nga yun eh, carbon copy mo si Pierre kaya dapat carbon copy ko rin si Zimiena." I giggled.
He chuckled at medyo malakas yun kaya gumalaw si Zimiena pero nakapikit pa rin. Napanganga kami ni Jase dahil natatakot na baka umiyak.
BINABASA MO ANG
The Protector
WerewolfWill Jenesis Lacson survive this wolfy chaos? #LacsonSeriesII #WolfSeriesI