Eighteen

11.7K 289 197
                                    

Happy 23K!

Parking space

JENESIS' POV

"Omygod, why is he here?" Kinakabahan kong tanong.

Tinakpan ni Jase yung bintana gamit ang kurtina. Humarap siya sakin at humalik sa labi ko ng mabilis.

"Kahit anong mangyari, wag na wag kang lalabas sa bahay. Okay?"

"A-Anong gagawin mo? Mag-aaway ba kayo?" I bit my lip. No, please. Ayokong mapahamak siya.

He clenched his jaw. "Siguro."

"Namind link mo na ba sina Wade?"

"Wait," Iniwas niya ang tingin niya sakin at tumititig sa kawalan. Sumimangot siya bago humarap sakin. "nasa labas na sina Wade at Theo, naamoy raw nila ang scent ni Caden."

Nanlaki ang mga mata ko. Omygod, not Caden!

"Pupuntahan ko si Caden." Nagpapanic kong sabi.

Hinawakan niya ang balikat ko. "Calm down, baby. Everything's going to be okay. Stay with your brother, wag mo siyang palalabasin."

"What if malaman niya yung tungkol sayo?"

Fuck, ibabalik niya talaga ako sa Pilipinas at ilalayo kay Jase.

"Kung malaman niya edi malaman niya."

"P-Pero...ilalayo niya ako sayo." Pinipigilan kong tumulo ang mga luha ko.

He kissed my forehead. "I won't let that happen, baby."

Yinakap ko siya. "Take care, please?"

"I will," Yinakap niya ako ng mahigpit. "I love you."

"I love you." I whispered.

Dali dali siyang lumabas sa kwarto, pinatong ko ang kamay ko sa dibdib ko at naramdaman ang mabilis na tibok ng puso ko.

Be safe, Alpha.

Dali dali akong pumunta sa kwarto ni Caden, kakatok na sana ako nang bumukas ang pinto. Kinusot kusot niya pa ang mga mata niya at nang matapos siya ay sumimangot siya sakin.

"Hi, Cadendenden!" I greeted.

"Why are you here?" He raised an eyebrow. "what was that? Narinig mo ba yun?"

"Y-Yung alin?"

"Yun."

"Anong 'yun?'"

"Yung sound nga." Iritado niyang sabi.

"Ano ngang sound?"

Hala sige, Jen. Inisin mo lang para ibagsak niya tong pinto sayo at matulog ulit.

"Yung sound na narinig ko!"

"Ano ngang sound yung narinig mo!"

"Yung kanina!"

"Anong kanina!"

Gustong gusto ko nang tumawa dahil inis na inis na siya, pikon pa naman to.

"Tangina, Jenesis, lumayas ka nga sa harap ko. Tss." Binagsak niya yung pinto.

Nagrock and roll sign ako, success! Sana di na to lumabas.

Mabilis akong naglakad papunta sa may pinto, sumilip ako sa bintana at nakitang nakawolf form sina Jase, Wade at Theo, ganon din si Lukas. Mukhang nag-uusap sila.

"Luna?"

Napatalon ako sa gulat nang may humawak sa balikat ko, paglingon ko, si Melissa lang pala.

The ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon