Special Chapter II

9.5K 250 41
                                    

Dedicated to all of TP's readers and sa TP Fam. HAHAHAHAHA NAKAKATAWA KAYO PROMISE

______

Special Chapter

JENESIS' POV

"Beybehlavs!" Rinig kong tawag ni Theo kay Selena.

Sumimangot naman si Jase. "Beybehlavs? Tangina ka," Sabi ni Jase bago binatukan si Theo. "ang bantot."

"Hoy, ulol!" Sabi naman ni Theo bago binatukan si Jase. "tinawag mo ngang shugarmunchiengbuhayko si Jenesis kagabi eh! Narinig kita, punyeta!"

Namula naman si Jase. "Aba, tarantado ka ah!"

So, ayon. Nagwrestling yung dalawa. Hindi nahiya, mga tatay na pero parang bata pa rin mag-isip.

Wala ang mga bata ngayon dahil nilabas sila ni Dad. Dadalhin niya raw sila sa Wonderland dahil nababagot na sila dito sa mansion.

Nandito kami sa garden, nagppicnic. Nakakamiss rin kasing magbonding kasama tong mga to.

"Huy, sali ako!" Ngumuso si Wade na kakalabas lang at may dalang plato na puno ng sandwich na gawa ni Melissa, the Sandwich Queen!

Nang maibaba na ni Wade yung plato sa blanket, tatalon na sana siya nang kurutin ni Melissa ang tenga niya. "Saglit lang, vhevhe koh. Kiss mo muna ako." Sabi ni Melissa sabay nguso.

Napairap ako. "Uh, hello? May tao pa dito?"

Ang cocorny ng mga tawagan namin, shempre, kaming mga babae ang nakaisip ng mga pangalan na yun. Hihihi.

Nairita nga si Jase dahil gusto niyang baby lang ang tawagan namin.

"Vhevhe koh, baka gusto mong mauwi nanaman tayo sa kama?" Ngumisi si Wade.

"Ay, walanghiya ka. Mabalian ka sana n buto." Umirap si Melissa bago umupo sa tabi ko.

Lumuhod si Wade sa harapan niya at hinalikan siya ng mabilis. Kumindat ang asawa ni Melissa sa kanya bago tumalon kina Jase at Theo.

Nakita kong namumula si Melissa kaya binatukan ko siya. "Landi." Tumawa ako.

Sakto namang lumabas na si Selena na may dalang drinks. Juice ang drinks namin, masarap kasing gumawa ng juice si Selena. May sarili siyang recipe. Oo, siya ang Juice A
Queen.

Ako? Queen ni Jase. Hehehe, charot.

Nilapag na ni Selena yung juice sa blanket at umupo sa harapan namin ni Melissa.

"Makakauwi na ba sina Flake at Red ngayon?" Tanong ko.

Umiling si Melissa. "Magtatagal pa sila dun sa US. Balak na kasing magpropose ni Flake kay Red." She giggled.

Tumili si Selena. "Kinikilig nga ako eh! Akala ko wala nang balak si Flake na pakasalan si Red. Alam niyo naman yung babaeng yon, brutal kay Flake."

"Eh, si Rain?" I asked.

"I'm here," Sabi nung lalaking nasa likuran namin. Si Rain pala. "sorry, I'm late." Sabi niya sabay lapag ng chichirya sa blanket.

Bigla namang tinulak ni Wade si Theo dahil sa nakita niya.

"Aray, Wade! Tangina mo, nabali ata ribs ko." Sabi ni Theo na namimilipit sa sakit.

Tumawa si Jase sabay hampas sa ribs ni Theo. "Arte mo, askal."

Agad namang sinugod ni Wade yung chichiryang dala ni Rain.

"Awiiee, may chichirya!" Sabi niya. Umupo na siya sa tabi ng asawa niyang si Melissa at binuksan yung Nova. Pinatong niya yung ulo niya sa balikat ni Selena habang kumakain.

The ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon