Party
Five years later...
JENESIS' POV
Bahagya akong napatalon sa gulat nang pabirong sampalin ni Jase ang pwet ko.
Inis ko siyang nilingon. "Stop slapping my butt, you idiot!"
Humalakhak siya. "Sorry, baby. I can't help it, your ass is getting bigger."
Nandito ako sa kitchen, naghahanda ng snacks para kay Audrey at Pierre. Wala kasi sina Jonas at Aubrey, naghuhunt sila kasama ang ibang hunters. Magkakaroon kasi ng party mamayang gabi dito sa mansion.
Lumalaki yung pwet ko dahil nagwoworkout na ako ulit, si Jase kasi ay nagggym so sumama nalang ako. Well, sumama lang din ako para mabantayan tong asawa ko, marami kasing mahaharot don.
"Whatever," Umirap ako habang nagtitimpla ng juice. "tawagin mo na nga yung mga bata, kakain na sila."
"Okay, boss." Sabi niya sabay halik sa pisngi ko at umalis sa kusina para puntahan ang mga bata na nasa sala.
Napangiti naman ako sa paghalik niya sa pisngi ko, kahit manyak yon, sweet pa rin yun.
Habang nilalapag ko ang sandwich at juice sa lamesa, nakarinig naman ako ng mga maliliit na tawa na papalapit dito sa kusina.
Hindi ko napigilang mapangiti sa naririnig ko. Ang sarap pakinggan sa tenga ang mga tawa nila, nakakarelax.
Dumating sa kusina sina Jase, Pierre at Audrey. Nakakapit sina Pierre at Audrey sa malaking braso ni Jase. Kinakarga sila ni Jase pero nakakapit lang sila sa braso niya.
Napakagat ako sa labi ko nang makita kong nagflex ang muscles ni Jase sa braso nang inangat niya pa yung mga bata.
Tangina, respeto naman sakin, oh!
Tumawa si Jase habang binababa ang dalawa sa sahig. Agad namang tumakbo yung dalawa papunta sa mga upuan nila. Hahawakan na sana nila yung sandwich nang magsalita ako.
"Hep! Hands off! Did you wash your hands already?"
"Yes?" Nakangising sabi ni Pierre.
Audrey giggled. "No, he didn't."
"Yes, I did." Umirap si Pierre.
Hay, nako. Ayan nanaman sila, magtatalo nanaman silang dalawa.
"Sshh, don't start." I warned.
"Sige na, wash your hands so you can eat." Maawtoridad na sabi ni Jase.
Dali dali naman bumaba sa upuan yung dalawa at nag-unahan sa sink. Dahil hindi pa nila naabot yung sink, bumili kami ng maliliit na upuan, tatayo sila don para maabot yung sakin.
Kay Jase lang sila takot, oo takot din sila samin nina Aubrey at Jonas pero mas natatakot lang sila kay Jase. Iba kasi magalit to, pero hindi namamalo, nanenermon lang.
Nagpromise kami ni Jase sa isa't isa na hindi namin papaluin si Pierre. Once, napalo ni Jase by accident si Pierre dahil nabasag niya yung baso, nag-away kami ni Jase nun at hindi ko siya pinansin ng dalawang araw.
Ayokong namamalo, never ko din yang naexperience kina Mummi at Dada.
Napangiti ako nang maalala kong uuwi kami sa Pilipinas bukas. Dalawa o tatlong araw lang ata kami don, tas susubukan naming bumisita sa Davao para makita si Caden. Sana hindi siya busy.
Natigil ako sa pag-iisip nang may yumakap sakin ng patalikod.
"What are you thinking?" Bulong niya bago hinalik halikan ang leeg ko.

BINABASA MO ANG
The Protector
Người sóiWill Jenesis Lacson survive this wolfy chaos? #LacsonSeriesII #WolfSeriesI